05.

36.3K 1K 1.4K
                                    

Comfort

Lumabas kami ng hospital nang walang paalam sa mga kaibigan ko. Dinaanan namin ang nakaparada kong motor at naglakad kami sa sidewalk.

I changed our position while we were walking. Ako, malapit sa mga sasakyan. Siya sa kabila, kung saan hindi siya mahahagip ng sasakyan.

"Where are we going?"

"Sa convenience store d'yan sa malapit lang. Sasamahan kitang uminom. Pero hindi ako pwedeng uminom ha? May klase ako bukas eh. Sasamahan lang kita..."

Natawa ako sa sinabi niya. Napalingon tuloy siya sa akin at ngumuso, nagmamaktol na tinawanan ko. Naiiling akong napangiti.

Habang naglalakad kami ay tumunog ang cellphone ko. We both heard it because he glanced at me. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at binuhay ang screen. I saw him glancing on my lockscreen. It was a mirror shot of a topless me, flexing my abs.

Zero:

Where are you? Ayos ka lang ba? I'm worried about you, dude. How was your talk with Fiat? Nagkasakitan ba kayo?

I laughed a bit with his last question. Fiat and I...may not be in good terms most of the time, but he never did once tried to hurt me physically. Mula bata palang kami hanggang ngayon, kahit paano ko siya bastusin minsan...kailanman hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.

I didn't want to talk about what happened because it would only trigger my emotions so I long pressed him instead. I was about to slide my phone back in my pocket when Kaede scoffed.

I side-eyed him, and caught him peeking on my phone to see who was messaging me.

"Replyan mo..." he urged.

"Bakit?"

"Nag-aalala sa 'yo 'yong tao tapos i-lolongpress mo lang? Kayong mga iPhone user talaga. Ang hilig niyong mag-longpress kapag hindi kayo interesadong magreply."

Umawang ang labi ko. Bakit naman biglang nang-gegeneralize? Hindi naman ako madalas nang-lolongpress ah! Ngayon lang. Ayaw ko lang talagang pag-usapan.

I sighed when he rolled his eyes. Nagpatuloy ito sa paglalakad, may balak pa yatang iwan ako. Nagmadali akong humabol dito at nireplyan ko si Zero.

Me:

Don't worry about me, Zero. I'm good. Pero baka hindi muna ako bumalik d'yan.

I slide my phone back in my pocket when I caught up with Kaede. It was already dark, but with the help of the moonlight and the lamp post, I saw our silhouettes at the road. I saw our height difference too. I was tall and he was a bit...short. Hanggang balikat ko lang si Kaede, magkasingtangkad pala sila ni Frio.

And his body figure looked small and feminine against my masculine arms and bulky body. I looked gigantic while he looked so small when placed beside me. I looked dominant and he looked submissive, but I doubt that. I think...it's the other way around. Mukha tuloy akong foreigner niyang Daddy.

Pumasok kami sa convenience store. Habang namimili ako ay patingin-tingin siya sa paligid, nagniningning ang mata dahil pinapalibutan kami ng pagkain.

"Choose anything. I'll pay." I told him which made him frown.

"Ako ang magbabayad sa akin. Hindi naman tayo friends para i-libre mo ako."

"We're already friends,"

"Sinong nagsabi?"

"Kapag kaibigan ni Frio, kaibigan din ng grupo."

Kumuha ako ng limang can beers. Mataas ang alcohol tolerance ko kaya hindi pa sapat iyon. Napansin ko namang kumuha ito ng tig-isang pagkain. Kung ano ang kinuha niya, kinuha ko rin ng tig-dalawa.

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon