31.

12.3K 462 479
                                    

Acknowledgement

"Dude?!" Gulat na sigaw ni Lade nang makita niya akong nakatayo sa harap ng condo niya. Iyong antok na antok niyang mukha ay biglang nabuhayan.

"Can I stay here for awhile? I don't want to be alone as of the moment, Lade. Baka...kung anong maisipan kong gawin sa sarili..."

Magtatanong pa sana siya ngunit kumunot agad ang noo nito nang mapansing umiiyak si Killian. Na kahit ako ay panay rin ang punas ng luha habang buhat-buhat ang kapatid ko.

"Pasok kayo..." binuksan niya ang pinto at pumasok ako agad sa loob. Naamoy ko ang bagong perfume na humalo sa hangin.

Binaba ko muna si Killian sa couch. "Stay here. I'll just get you some water."

Iniwan ko muna sila sa living room at pumasok ako sa kusina. Tinukod ko ang isang braso sa sink at sinadyang bagalan ang pagkilos para pakalmahin ang sarili. Uminom din ako ng tubig bago ako lumabas bitbit ang isang baso para kay Killian.

Naabutan ko itong nakatulala sa pinto, parang may tinitingnan. Mabilis akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi nito.

"Baby, uminom ka muna. You're hiccupping," I gave him the water. Uminom ito at pagkatapos ay gumapang sa hita ko. Umupo siya ro'n at yumakap sa akin.

Napapansin ko ang bawat pagngiwi nito sa tuwing natatamaan o tumatama ang pwet. Huminga ako nang malalim nang umigting na naman ang panga ko sa galit.

"Does it hurt?"

He nodded while yawning.

"I'll buy you an ointment later. You should take a rest first..." niyakap ko siya at hinaplos-haplos ang buhok.

Sinulyapan ko si Lade na nakatayo lang sa pinto at nakapamulsa kaming pinapanood.

Nang makatulog si Killian ay binaba ko siya sa kama ni Lade. Hinaplos ko ulit ang buhok nito at hinalikan siya sa noo. I'm sorry, Killian. I'm sorry for letting you experience that. But don't worry because from now on, you'll never be in that situation again. Nandito si kuya. Hindi kita iiwan...

"Can you look after him first, Lade? May kailangan lang akong gawin."

Bumalik ako sa pinto at akmang lalabas na nang pigilan ako ni Lade sa braso. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakakunot ang noo niya.

"You're not going to do that again, don't you?"

I know what he's talking about. The attempt that only them knows. Silang dalawa ang nakakaalam. Kahit ibang mga kaibigan namin, hindi alam ang tungkol doon. Sila lang ni Flamora, na siguradong papatayin ako kapag inulit ko.

And heaven might be tempting but... I'm not as stupid as before anymore. May isip na ako ngayon. I've matured. May dahilan na ako para piliing mabuhay. May... pinoprotektahan pa ako. May... gusto pa akong makasama habang buhay.

"Hindi, Lade..." Dahan-dahan akong umiling nang mabakasan ang pag-aalala sa mga mata niya. "I know you're worried but please don't be. I'm... totally fine, dude. Bibili lang ako ng ointment sa malapit na convenience store."

He sighed. Binitawan niya ako kaya tumalikod na ako at umalis muna. I needed some air. I'm suffocated. I need to breathe properly. Kailangan ko ng mapaglalabasan ng bigat na nararamdaman ko.

I drove to the same hill I always go to whenever I can't sleep at nights or when I need to be alone to cry everything out. I never... cried in front of anyone. Kahit sa harap ni Lade... hindi ko ginawa. I always force myself to be strong... to show them I am fine, even when I'm breaking deep inside.

Kahit gaano ako kadurog, pinilit kong ipakita sa kanila na okay ako. Bukod sa ayokong mag-alala sila sa akin... Hindi lang talaga ako... nasanay na dumepende at umasa sa kanila. Nasanay akong mag-isa simula pagkabata. Natuto ako nang mag-isa. Kaya siguro nahihirapan din akong umasa sa iba.

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon