Chapter 29

112 14 1
                                    

Tahimik akong umiiyak habang piniprito ko yung hotdog, sobra akong nasaktan sa sinabi ni Kobe.Ba't ba kasi kinuha yung baby ko, magiging mabuti na naman akong ina at mamahalin ko naman yung magiging anak ko.

Magkakaroon na sana ulit ako ng totoong pamilya nawala ko pa.Sana hindi ko nalang pinatulan yung babae sa opisina kanina,kasalanan ko talaga ko eh.Nawala ko yung pinaka-importanteng bagay sa buhay ko.

Kaya siguro  kaya kinuha ni Lord yung baby ko dahil alam niya na hindi ako mahal ng ama ng anak ko at hindi rin magiging masaya yung buhay ng anak ko.

Hindi ko rin naman masisi si Kobe na ganon siya dahil sa simula palang,simpid lang naman ako dito at hindi pa maganda.




Umiiyak pa rin ako habang nag-ma-mop sa sahig .Pagkatapos kong kumain kanina,hinugasan ko yung mga pinggan na ginamit ko at nagsimula akong maglinis. Simula kasi nong malaman ko na buntis ako hindi na ako masyadong nagpupuyat. Ngayong hindi na ako buntis babalik na sa dati yung trabaho ko,nakakahiya naman kasi kung hindi ko nalilinisan nang maayos tong bahay.

Kinuha ko yung tissue dahil tumutulo na yung sipon ko sa kakaiyak.Ang sakit kasi sa pakiramdam na mawalan ng anak.

May Nakita akong mag-asawa sa hospital inalalayan ng lalaki yung asawa niya dahil malaki na yung tyan.Ang sweet talaga nila ,kahit kailan hindi ko naranasan yun sa buong buhay ko.Kung pwede lang ibalik yung oras,sana hindi ko hinayaan yung isip ko na lumipad para hindi ako pinahospital nina Nanay at Tatay.Para hindi na kami nagkaroon ng malaking utang.Pero wala na akong magagawa sobrang na trauma ako sa panggagahasa sakin sakin kaya humantong sa ganon.

Kung isa man itong bangungot,gustong-gusto ko nang gumising para makapunta ako sa hospital at magpaultrasound.

Alas dyes na ng gabi nang matapos akong maglinis , nakahiga ako ngayon sa kama habang hinahaplos ko si Walty.Tapos ko na siyang pinakain at panigurado ako na matutulog na to.

Pupunta ako sa kwarto ni Kobe bukas dahil hindi niya sinagot yung tanong ko kanina.Gusto kong malaman kung ayos lang bas a kanya na may aso dito sa bahay niya.




Gumising ako ng alas sais nang umaga,naligo muna ako bago ko pinaliguan si Walty.Pagkatapos non naghanda ako nang almusal.

Naglalakad ako ngayon patungo sa kwarto ni Kobe, medyo kinakabahan nga ako dahil baka mapapagalitan na naman ako.Pagkarating ko sa pintuan kumatok muna ako , hindi sumagot si Kobe kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto.Naabutan ko si Kobe na nakatuwalya lang habang pinupunasan niya ang kanyang buhok.

"What do you want?'' malamig na tanong niya.

Umiwas ako nang tingin at tumingin sa cabinet.

" Ahm gusto ko kasing malaman kung ayos lang ba na may aso dito sa bahay mo" tugon ko.

Naramdaman ko yung pagtitig niya sakin kaya inunahan ko na siya."P-Pero kung hindi mo gusto ipamimigay ko nalang yung aso"ani ko.

"Basta wag mong hayaan na pakalat-kalat yan dito"walang ganang sagot niya.

"Talaga!Ibig sabihin non pumapayag ka!"masayang ani ko.

"Segi ha alis na ako"paalam ko sa kanya.Lalabas na sana ako ngunit biglang nagsalita ulit si Kobe.

"Why are you wearing that uniform?"

"Huh?Ano papasok ako ngayon sa trabaho"nakangiting sagot ko.

Biglang tumawa si Kobe na ikinagulat ko.

"Hindi ka ba sinabihan ng secretary ko?"

"Na ano?"

"That you're fired"biglang sumeryoso yung mukha niya.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko

"Sa tingin mo hindi kita tatanggalin sa trabaho mo pagkatapos nang ginwa mo kahapon"seryosong sagot niya.

"S-Siya naman yung nauna eh"

"I don't care kung sino yung nauna...you're just a janitor she's the manager of my company!"galit na ani ni Kobe.

"Hihingi naman ako nang tawad sa kanya..p-please wag mo naman akong tanggalin don"pagmamakaawa ko sa kanya. "Promise hindi na mauulit yun" lumuhod ako sa pintuan.

Tumitig siya sakin sandali saka siya nagsalita ulit."Fine...basta wag mo lang ipapakita sakin yan pagmumukha mo don"tugon niya.

"Oo promise yan...thank you ha"pasasalamay ko.

"Tsk..get out "pagtataboy niya sakin.

Dali-dali akong tumayo at lumabas sa kwarto ni Kobe dahil baka magbago yung isip niya kung hindi ako aalis agad.

Bumalik ako sa guest room,magpapalam muna ako kay Walty.Bibilhan ko si Walty ng higaan dahil baka maipit ko siya habang natutulog kami .

Hindi ko alam bakit ako pinagtitinginan ng mga tao dito sa kompanya,siguro dahil sa nangyare kahapon,natakot na sila sakin.Simula kasi nong ginahasa ako,nong gumaling na ako sa aking pagkakatulala nag-insayo ako nang self-defense para wala nang makakagahasa sakin ulit.

Nakita ko yung secretarya ni Kobe na lumabas sa opisina, kaya tinawag ko ito.

"Miss!"tawag ko sa kanya.

Lumingon naman ito."Ma'am kayo pala...kumusta na po yung pakiramdam niyo?" nakangiting tanong niya.

"Ayos lang naman ako"ngumiti ako sa kanya.

"Sorry for your lost Ma'am..k-kung sana dumating ako ng maaga hindi sana mangyayare yun"malungkot na ani niya.

"Nako wala kang kasalan don,hindi talaga para sakin si Baby"tugon ko.

"Sya nga pala, nakita mo ba yung babae na kaaway ko kahapon dito ngayon?"tanong ko.

"Yung manager po?"

"Oo nasaan siya?"tanong ko

"Ay hindi ko po siya Nakita nagyon''.

"Ah ganon ba...sabihan moa ko ha kapag Nakita mo siya"bilin ko.

"Ba't naman?May kailangan po ba kayo sa kanya?''

"Oo..hihingi sana ako nang tawad...medyo malakas yung pagkakasuntok ko sa kanya kahapon"tugon ko.

"Sige po sasabihan po kita kapag Nakita ko siya...mauna na po ako sa inyo dahil ipinapagawa kasi sakin si Sir Kobe eh.Ingat po kayo"nakangiting ani niya.

Tumango naman ako.

Pagkaalis ng secretary ni Kobe,nagsimula na akong maglinis.Dapat talaga hindi ako makita ni Kobe dito para hindi niya ako tanggalin sa trabaho ko.

Hay,kailan pa kaya lalambot yung puso ni Kobe sakin,kahit iturin man lang niya akong kaibigan.Lalambot pa kaya siya?













Happy Sunday everyone

Thank you for reading😘

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now