Chapter 55

53 1 0
                                    

"May!" rinig kong sigaw ni Chelone sa labas.

Nilagay ko lahat sa isang picnic bag yung mga pagkain at dinala yun sa sala. Pagkarating ko sa sala, inilagay ko yung bag sa upuan at sumilip sa bintana.

Nakita ko si Chelone na nag-aantay sa labas. Mukhang kabababa niya lang sa kotse na dinala niya. Sosyal na talaga tong babaeng to ngayon. Binuksan ko yung pinto para makita ako ni Chelone.

"Chel dali pasok," yaya ko sa kanya.

"Wag na, dito nalang ako maghihintay. Nandyan na sa loob ang pagkain," turo niya sa kotse niya.

"Hindi pa gumising si Airon, kaya mababagot ka dyan sa kakaantay mo sa labas," pananakot ko sa kanya.

"Sige nan ga," suko niya.

"Nasan si Gel?" tanong ni Chelone.

"Pinuntahan si Sherwin, ayos lang ba sayo na isasama siya?" tanong ko kay Chelone.

"Oo naman, the more the merrier nga diba," natatawang ani ni Chelone.

"Ba't ikaw lang nasan yung anak mo?" tanong ko sa kanya.

Siya lang kasi yung bumaba sa kotse.

"Nandon sa byanan ko," tipid na tugon ni Chelone.

"Eh si Zairon?"

"Lumuwas ng manila, dala niya yung anak naming dahil hihiramin daw muna nina Mama," paliwanag ni Chelone sakin.

"Gisingin mo na yung anak mo," utos ni Chelone sakin.

"Oo na," ani ko at pumunta sa kwarto namin.

Pagdating ko sa kwarto, natutulog pa si Airon kaya inuna kong gisingin si Walty.

"Walty," niyugyog ko si Walty para magising siya.

Idinilat niya yung mga mata niya at humikab. Bumangon si Walty at inamoy-amoy ako.

"Hoy hindi ako mabaho ha," dipensa ko.

Hinaplos ko yung ulo niya para lambingin siya, nilabay niya naman yung dila niya.

"Gisingin lang natin yung isang baby natin ha," paalam ko kay Walty.

Lumapit ako sa kama at hinaplos yung ulo ni Airon.

"Baby gising na," ani ko.

Maya-maya gumising na si Airon.

"Good morning, Mama," inaantok na ani ni Airon habang kinusot-kusot niya yung mata niya.

"You're still sleepy?" tanong ko sa kanya.

"A little bit,"

"Maliligo daw tayo sa river," ani ko.

"What is river?" tanong ni Airon.

"It's like a swimming pool just like our home back then, but the difference is that, river has rock," paliwanag ko sa anak ko.

"Is it good there?"

"Yah, Mama go to river when she was young," kwento ko sa kanya.

"Let's change your cloths," ani ko at kinuha yung damit ni Airon.

Bago kami lumabas binihisan ko muna si Airon. Paglabas naming ng kwarto nandon na si Gel at Sherwin sa sala.

"Tara na May," ani ni Chelone.

Tumango naman ako at sumunod sa kanila sa labas.

Hindi kalayuan yung ilog, pwede lang itong lakarin. May isa itong malaking tulay kaya may mga sasakyan na dumadaan sa ilog.

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now