Nagising ako dahil sa pagdila ni Walty sa mukha ko.
"Good morning baby Walty ko"malambing na bati ko sa kanya at bumangon.
"Gutom ka na siguro?...Maliligo lang ako ha" ani ko sabay halik sa pisngi ni Walty.Pumasok ako sa CR at nagsimulang maligo.Pagkatapos kong maligo,nagbihis ako at lumabas ako sa CR at binuhat si Walty.Lumabas ako sa kwarto para magluto ng agahan.
Habang bumaba ako sa hagdan,nagulat ako dahil Nakita kong nakaupo si Kobe sa sofa habang may ginagawa.Naninibago ako dahil nghayon ko lang ulit ito nakitang umupo sa sofa at hindi umalis nang maaga.
Pagkababa ko sa hagdan, lumapit ako kay Kobe at binati siya.
"Good morning Keo...Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape" ani ko.Nakatingin lang ito sa laptop niya habang nakikinig ng music.Sobrang fresh ng mukha niya at sobrang gwapo rin.Well gwapo naman talaga siya araw-araw.Pero mukhang good mood siya ngayon.
Tumango lang ito habang tumitingin parin siya sa laptop niya .
Pumunta ako sa kusina at ipagtimpla siya ng kape. Pagkatapos kong magtimpla ng kape,bumalik ako sa sala.
Naabutan kong kumakanta siya.
"I thank God and my lucky star
Darling,don't you know what you are?"
Nakapikit itong kumakanta habang nakasandal sa sofa.
"Yeah baby, you are"
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya, inilapag ko yung baso sa mesa katabi ng laptop niya.Bigla itong dumilat at tumitig sakin.
"Hey (Hey, baby)
Beautiful, beautiful, beautiful,beautiful angel (Ooh; Beautiful angel)"
Patuloy na pagkanta niya habang nakatitig sakin.
"Love your imperfections every angle (baby, baby)
Tomorrow comes and goes before you know (yeah, baby)
So I just had to let you know"Nag-aalangan akong ngumiti sa kanya.
"I-Ito na yung kape mo"nauutal na ani ko.
Kahit hindi para sakin yung kanta niya kinikilig parin ako,ang sarap sa tainga yung boses niya.
"Ganda pala ng boses mo"nakangiting ani ko.
Kinuha niya yung kape at ininom yun.
"A-Anong gusto mong ulam?" tanong ko.
"Ikaw bahala"tipid na tugon niya.
Hindi ko alam pero nakatitig lang siya sakin na para pang nang-aakit yung titig niya.
"Sige" sagot ko at dali-daling umalis sa harapan niya.
Para akong baliw na ngumingiti habang niluluto ko yung lumpiang shanghai.
Ang sarap siguro sa feeling kung para sakin yung kanta niya.Nang maluto ko na yung mga uulamin namin,tinawag ko si Kobe at hinanda yung mesa.
Umupo si Kobe sa upuan, seryoso lang ang mukha nito.Nilagyan ko ng kanin yung plato niya.Ngayon lang ulit kami nagkasabay kumain ni Kobe, kaya sobrang saya ko ngayon.Nagdasal muna ako bago kami kumain.
"A-Ahm Keo kain ka lang dyan ha...papakainin ko lang si Walty"paalam ko sa kanya.Hindi ko inanatay na sumagot si Kobe dahil hindi naman talaga ako sasagutin non.
Pinuntahan ko si Walty sa maliit na couch, dito ko siya nilagay kanina nong pinagtimpla ko ng kape si Kobe.Kinuha ko yung pinggan ni Walty at nilagyan ito ng dog food.
Bumalik ako sa mesa at kumain.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.Sana araw-araw kaming ganito.
"A-Ahm Keo...hindi pa ako nakahingi nang tawad don sa manager ng kompanya mo,hindi ko siya nakita kahapon ...Alam mo ba kung nasaan siya?"basag ko sa katahimikan.
Yumuko ako at tinikom ko ang aking bibig nang wala akong marinig na sagot ni Kobe.Sana hindi nalang ako nagsalita.
"That's okay Gar...just forget that"tipid na sagot niya.
"Ang bait pala ng girlfriend mo no" pang-iiba ko ng usapan.
"Yeah...she's the most kindest person I've ever meet"tugon ni Kobe.
Parang may tumusok sa dibdib ko nang sabihin niya yun.
"Nag propose ka na ba sa kanya?' tanong ko.
"Hindi pa eh...kasal pa kasi tayo"sagot niya sabay subo ng pagkain.
Tumahimik ako dahil hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanya.
"Btw...aalis ako,matagal pa akong makakabalik dito.Bibigyan kita ng isang card ko para panggastos mo"pang-iibang usapan niya.
"W-Wag na sobra na yung dalawang card na binigay mo sakin"ngumiti ako sa kanya.
Napansin akong tumitig ito sakin kaya inalok ko siya ng kanin.
"Gusto mo pang kumain?" alok ko.
"No I'm full" tugon niya.
Tumayo ito at nilagay sa lababo yung pinggan niya.
Kumakanta-kanta ako habang nag-ma-mop sa sahig.Ang ganda nang araw ko ngayon,ang daming blessing na binigay ni Lord sakin ngayon.
Ang bilis lumipas ng oras, 5 pm na ng hapon.Nakasakay ako ngayon sa taxi pauwi ng bahay.Pagkarating ko sa bahay,kinuha ko si Walty sa kwarto at hinayaan siyang maglaro sa bakuran.
Kumuha ako ng walis para walisin yung mga dahoon.Medyo kunti lang yung dahoon ngayon kasi nagwalis ako nong isang araw dito.
Kontento na talaga ako ssa buhay ko ngayon,kahit minsan lang bumabait si Kobe ayos lang yun sakin,at least sa isang lingo bumait siya.
Pagkatapos kong magwalis,nilinisan ko naman yung swimming pool.Nakikita ko minsan na naliligo si Kobe dito.Kaya palagi ko itong nililinisan minsan tinutulungan ako ng mga guard dito.Kahit kailan hindi ako naligo dito dahil hindi naman ako marunong lumangoy.
Nandito ako ngayon sa kwarto habang pinapatuyo ko ang aking buhok.Napagod ako sa kakawalis ko kanina kaya panigurado akong masarap yung tulog ko ngayon.Natutulog Narin si Walty dahil siguro napagod din siya sa kakatakbo niya kanina.
Nang tumuyo na yung buhok ko,humiga na ako sa kama.
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako,naalimpungatan ako nang narandaman kong may nakatitig sakin.Pagdilat ko sa aking mga mata parang humiwalay yung kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa gulat.Nakaupo si Kobe sa sofa malapit sa crib habang nakatitig sakin.
Dali-dali akong bumangon at tumayo.
"Ba't ka nandito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tumaas yung gilid ng labi niya at tumawa nang mahina.
"Why?Bawal na ba ko dito?"inosenteng tanong niya sakin.
"A-Ah hindi naman sa ganon Keo...n-nagulat lang ako kala ko kasi multo"paliliwanag ko sa kanya.
"Really? The ghost is so lucky"mapanglarong tugon niya sabay tayo.Dahan-dahan itong naglakad patungo sakin,napaatras ako.
"L-Lasing ka ba?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
"A little"nakangiting tugon niya habang nakatitig sakin.
Napalunok ako dahil sa lagkit nang titig niya sakin.
mamaya ulit
Thank you for reading😊
![](https://img.wattpad.com/cover/345707526-288-k332143.jpg)