Chapter 3

91 19 0
                                    

"May nasan na si Zairon ?"

"Iwan ko!dito yung sinabing address eh"
Ilang minuto ang lumipas simula nong dumating kami ni Chelone dito sa sinabing lugar ni Zarion.

"Pano kung kikidnapin tayo May!"natarantang ani ni Chelone.

"Huh gaga hindi noh,ano namqng mapapala nila sa atin saka restaurant to...sino naman ang tangang mangingidnap na maraming tao ang sa paligid"

"Ay oo nga noh!wala naman tayong isang milyon"tumawa si Chelone.

"Meron akong 3 thousand Chel yan yung ibibigay natin kung sakaling kikidnapin tayo," tumawa kaming dalawa ni Chelone.

"I'm sorry I'm late" biglang dumating si Zairon at umupo sa kabilang upuan.

"Nako ayos lang Zairon"nakingiting ani ko.

"May order naba kayo?"

"Wala pa,may baon kasi kaming dalawa ni Chel"tugon ko.

"Ah ganon ba,segi pumili kayo sagot ko lahat" nakangiting ani ni Zarion.

"Talaga! salamat "nako kahit hindi kami ililibre nito ay mabubusog parin kaming dalawa ni Chelone.Pinili ko yung letchong manok at fried chicken naman kay Chelone.Tinawag ni Zairon yung waiter at lumapit yung babaeng waiter,may dala dala itong maliit na notebook at ballpen.

"Ano po yung order niyo ma'am, sir?" nakangiting tanong ng  waiter.

"Isang letchon,fried chicken,crab at tatlong rice Miss"tugon ni Zairon.Isinulat ng waiter yung sinabi ni Zairon.
"Yun lang po ba sir?" tanong nito kay Zairon.
Tumingin samin si Zairon,tumango ako bilang sang-ayon.

"Yun lang Miss"tugon ni Zairon.Habang naghihintay kami sa order namin kinuha ko yung baon namin ni Chelone.

"Sya nga pala nagluto si Chelone ng kaldereta kanina para sa baon naming dalawa"ani ko at binuksan yung tapperware.

"I love kaldereta"

Ngumiti ako napansin kong kanina pa tahimik si  Chelone.
"Hoy okay kalang ba't ang tahimik mo Chel at ba't parang namumutla ka?"

"Huh ah O-oo ayos lang,may iniisip lang ako May"

"So I invited you here para makilala ka nang lubusan"ngumiti si Zairon at lumitaw yung dimple niya sa pisngi.

"Ah ganon ba" tugon ko.

"May kapatid kaba May?"

"Nako wala nag-iisa lang ako"

"Ohh,ikaw Chelone?"

"Wala nag-iisa lang din ako "walang ganang sagot ni Chelone.Ano bang nagyayari sa babaeng to?.

Lumipas ang ilang minuto dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain.

"Can I taste this?" tanong ni Zarion at tumingin ito kay Chelone.

"Ahh  O-oo segi tikman mo"

"Thanks"

"Nothing change with the taste" May binulong si Zairon pero hindi ko iyon narinig abala kasi ako sa pagkain.

"Huh  pangit ba yung lasa?" tanong ko.

"No it taste good as always"tumingin siya ni Chelone  at nginitian niya ito.

Marami pa kaming pinag-usapan,matapos kaming kumain ng pananghalian, bumalik na kami ni Chelone sa Hotel.Si Zairon naman ay may pinuntahan.

Pumunta ako sa janitors room para kumuha ng mga sanitizer at sabon.Naubos na kasi yung sabon na ginamit ko sa panglinis dito at kailangan naring lagyan yung kada room ng hotel para magamit sa mga nag-checheck-in.

Habang tinutulak ko yung lagayan ng panlinis,may nakasalubong akong isang grupo ng mga lalaki nakasuit ito pareho.Seryoso silang naglalakad,kaya ngumiti ako at binati silang lahat.

"Good Afternoon sir"nakangiting bati ko.Nasa rules talaga dito na dapat batiin yung mga taong nakakasalubong bilang paggalang.

Malamig akong tiningnan nong isang gwapong lalaki.Head to foot itong tumingin sakin,sa palagay ko ito yung boss nila.

Nang nalagpasan na nila ako,nakahinga ako nang maluwag.Iba talaga yung pakiramdam kapag nakasalubong ka ng mayaman,kasi yung tingin nila sayo ay para kang daga na nasa sulok ng kwarto.

Nandidiri ganon,pero ayos lang kasi ako si May na ipinanganak sa mahirap na pamilya kaya sisikapin kung guminhawa ang aking buhay at makaahon sa hirap para hindi na ganon ang tingin sakin ng mga taong nakakalamang sakin.At saka maranggal naman tong trabaho ko.

Nang makarating ako sa janitors room o stock room ba ang tawag dito.Hinanap ko yung sanitizer kasi yun yung pinakaimportante sa lahat.

Kumuha ako ng hagdan para maabot ito,nasa pinakaitaas kasi ito nakalagay.

Umakyat ako sa hagdan para abutin yung sanitizer pero nabigla ako ng biglang nasira yung inaapakan kung hagdan at napabitaw ako sa pagkakahawak sa hagdan.Ang akala ko ay babagsak ako sa sahig ngunit may sumalo sakin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil akala ko ay mababagok yung ulo ko sa tiles.

Tumingin ako sa taong sumalo sakin,nagtagpo ang mga mata namin.Gwapo ito at matangos ang ilong.

"Ayos ka lang ba?"napabalik ako sa realidad ng nagtanong ito sakin,ibinaba ako ng maayos nito,Ano ka ba naman May?!.

"Ayos ka lang?"tanong ulit nito.

"O-Oo salamat"nauutal na tugon ko eh kasi naman pogi talaga yung nasa harapan ko.

"Muntik na yun buti nasalo kita...siya nga pala ako si Adriel"inilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito at nakipagkamay sa kanya.

"May...ako si May"pagkilala ko.

"Dito karin ba nagtatrabaho Adriel?"tanong para hindi naman awkward.

"Oo isa akong janitor dito.Ikaw ba?"balik na tanong ni Adriel.

"Janitor rin ako kagaya mo"

"Ba't ka pala nandito?anong kukunin mo?"tanong niya.

"Ah sanitizer at sabon"

"Saan ba yun nakalagay ako na'ng kukuha"
alok ni Adriel.

"Don sa itaas"turo ko sa sanitizer na kukunin ko sana kanina.

Umalis na si Adriel sa aking harapan at kinuha yung isang hagdan.Hinila niya ito at pinalitan yung hagdan na ginamit ko kanina.

"Kaya muntik kanang mahulog kasi sira yung hagdan na ginamit mo.Hindi mo ba nakita yung warning sign?"turo niya sa nakasulat sa hagdan.

Napatampal ako sa aking noo kahit kailan talaga napakatanga ko.Napahagikgik si Adriel dahil sa ekspresyon ko.Umakyat siya sa hagdan at kinuha yung sanitizer,isa-isa niya itong kinuha at nilagay sa tote bag.Pagkatapos niyang kunin lahat ay bumaba na ito.

"Gusto mo bang tulungan kitang maglagay nito sa mga kwarto?total tapos na ako sa aking trabaho"nakangiting ani ni Adriel.

Ayaw ko sana pero bilang pasasalamat ay pumayag ako.Si Adriel yung tumulak sa lagayan ng panglinis papalabas ng kwarto.
Nauna itong maglakad at sumunod naman ako.Paglabas namin sa kwarto ay naabutan namin si Chelone na nakatayo sa labas ng pinto.

"Oy anong ginagawa niyong dalawa sa loob?"gulat na tanong ni Chelone.

"Ah kumuha kami ng sanitizer sa loob Chel"sagot ko

"Ganon ba,segi alis na ako napadaan lang kasi ako eh May.Hinanap kasi kita kanina May pero mukhang busy ka pa,mamaya nalang tayo mag usap.Una na ako ha bye"nakangiting ani ni Chelone at umalis.
Anyare kay Chelone?.











*****

Thank you for reading ☺️
Don't forget to vote azians  🤠 ☺️

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now