Huminto yung tricycle sa tapat ng bahay nmin. Bumaba yung driver para kunin yung basket na nilagay niya sa ibabaw ng tricycle. Bumaba naman kami sa tricycle at nagbayad sa driver.
"Maraming salamat po,"ani ni Gel. Ngumiti namn yung driver at umalis. Naunang pumasok si Airon at Walty sa loob.
"Magbihis kana May, isasampay ko lang to," ani Gel at pumunta sa sampayan namin ng damit. Pumasok ako sa loob at pumunta sa kwarto, pagkarating ko nagbihis agad ako dahil nabasa kasi yung damit ko sa tubig kanina sa ilog. Hindi pa malaki yung umbok ng tyan ko parang 4 months palang yung laki niya, kaya hindi ako nahihirapang gumalaw. Pagkatapos kong magbihis, kumuha ako ng damit para kay Airon dahil basa rin kasi yung damit niya gawa ng pagbabato niya sa tubig ng ilog.
Paglabas ko sa kwarto, nasa sala si Airon nakaupo sa upuan habang nilalaro si Walty.
"Anak bihis muna tayo," malambing na ani ko kay Airon. Tumabi ako sa kanya at binihisan siya ng damit."Play muna kayo ni Walty ha, mama will help nana muna," paalam ko kay Airon. Lumabas ako at pinuntahan si Gel. Kinuha ko yung mga damit na nakalagay sa hunger at isinampay ito sa mainit na parte ng sampayan.
"May bukas na yung birthday ng gwapong anak mo, ano yung ihahanda natin?" Biglang tanong ni Gel sakin.
"Nag order ako ng cake at mg pizza," ani ko. "Sinabihan ko rin si Sherwin na pupunta siya dito bukas para tulungan tayo sa mga lulutuin natin," tugon naman ni Gel. "Sinabi ko rin sa kanya na siya yung mag dedesign sa mesa," dagdag pa niya.
"Mabuti naman, salamat talaga Gel," nakangiting ani ko.
"Oo naman, umupo ka nga don ako na dito, baka mapano ka pa, Zaragosa pa naman yang anak mo,"ani ni Gel.
"Ano naman kung Zaragosa?" Tanong ko.
"Dugong bughaw yan sa Pilipino," ani niya, kumunot naman yung noo ko.
"Hay iwan ko sayo," naiinis na ani ni Gel."Umupo ka nga," utos pa niya sakin.
"Okay,"suko ko sabay taas ng dalawang kamay ko. Uupo na sana ako upuan na plastic ngunit napahawak ako sa tyan ko dahil sumakit ito bigla.
"Hoy napano ka?" Tanong ni Gel.
"Sumakit yung tyan ko," nakapikit na ani ko dahil masakit talaga yung tyan ko.
"Yan na nga ba yung sinasabi ko sayo,"panenermon niya sakin, hindi ko siya sinagot dahil masakit talaga yung tyan ko.
"Nako pumasok na yung hangin sa loob ng tyan mo," ani niya para bang siya yung taong alam ang lahat.
"Mawawala lang to kapag lagyan ng efficascent oil," ani ko.
"Pano kung hindi? Nako sinasabi ko talaga sayo May," ani ni Gel. Para itong ina na tinuturuan ng tamang asal tung anak niya.
Kahit masakit yung tyan ko, nagawa ko paring tawanan si Gel."Ang oa mo naman, hindi ako naman mamatay nito," natatawang ani ko.
"Nako May, alam mo ba n may kapiy bahay kami na lumaki yung ulo ng anak niya dahil sa hangin?" pananakot niya sakin.
"Hindi naman kapanipaniwala yung mga sinasabi mo," ani ko at tumayo. Napaigik ako dahil sumasakit yung balakang kom
"Anyare dyan?" napatingin kaming dalawa ni Gel kay Sherwin na kararating lang.
"Sumakit yung tyan niya kasi naglaba siya sa ilog kasi walang kuryente," ani ni Gel.
"Kaya naman pala,"tugon ni Sherwin.
"Pasok muna ako sa-"hindi ko natapos yung sinasabi ko dahil biglang may lumabas na tubig sa pagkababae ko. Nagulat ako ng bigla akong binuhat ni Sherwin.
"Hoy anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Magtatatong kapa," ani niya. Pumara si Sherwin ng tricycle at sumakay kami doon.
"Sherwin manganganak na ata ako," nahihirapang ani ko. Lalo kasing sumakit yung katawan ko.
"Oo dai pupunta tayo sa hospital, Gel ihanda mo yung mga gamit ni May!" Sigaw ni Sherwin. Hindi ko na tinanong kong saang hospital kami pupunta, parang binabali yung mga buto ko sa sobrang sakit. Hindi naman to ganito kasakit kanina.
"Dai kapit kalang dyan malapit na tayo," ani ni Sherwin. "Paki bilisan nga kuya," rinig kong ano ni Sherwin. Parang nawalan ng lakas yung katawan ko sa sobrang sakit. Huminto yung tricycle sa tapat ng hospital. Bumaba si Sherwin at binuhat ako.
"Dai ang bigat mo," reklmo niya. Hindi ako sumagot dahil sa mga oras nato parang lalabas na talaga yung bata na nasa tyan ko. Mas lumala yung sakit ngayon dahil hindi na ako makalakad. Nong nanganak ako kay Airon naglakad pa ako papasok sa hospital.
"Tabi may manganganak!" ani ni Sherwin.
Pumiyok yung boses niya na parang gansa.Siguro kung hindi ako nakaramdam ng sakit ngayon sa katawan ko, pagtatawanan ko talaga siya.
"Dito tayo sir," rinig kong ani ng nurse.
Pumasok kami sa isang kwarto at ipinahiga ako ni Sherwin sa kama. Pinasuot niya sakin yung dress na sinusuot para sa mga pasyente na nasa hospital. Hinubad ng babaeng nurse yung pang ibaba kong suot.
"Pagbilang ko ng tatlo umire ka ma'am,"ani nong nurse. Tumango naman ako kahit subrang sakit na ng katawan ko.
"1...2...3.." gaya nang sinabi ng nurse, umiri ako ng malakas ngunit hindi parin lumabas yung bata.
"Sige pa ma'am ire pa,"umire ulit ako ng malakas, pakiramdam ko'y para akong malagutan ng hininga.
"Kunti nalang ma'am, sige ire pa," huminga muna ako ng malalim bago umire ulit ng malakas. Naliligo na ako sa sarili kong pawis. Parang nabingi ako nang marinig ko ang isang iyak ng sanggol. Naiyak ako nang marinig ko iyon.
"Congratulations ma'am lalaki po yung anak ninyo," masayang ani nong nurse at inilagay sa dibdib yung anak ko. Parng abot ng langit yung saya na naramdaman ko. Niyakap ko yung anak ko na umiiyak. Hinalikan ko ito kahit may mga dugo pa yung mukha niya. Paglingon ko sa gilid ko, wala si Sherwin sa tabi ko.
"Nurse saan po yung kasama ko?" Tanong ko.
"Ay pinalabas po, bawal kasi yung lalaki dito," ani niya. Tumango lang ako.
Hinalikan ko ulit yung anak ko. Para siyang si Airon na ipinanganak ko noon.
"Welcome sa mundo baby ko," masayang ani ko."Ma'am lilinisan na po yung baby niyo," ani nong nurse. Ngumiti ako sa knya at binigay yung anak ko. Unti-unting bumigat tung talukyap ng mata ko at nilamon ako ng kadiliman. Nagising nalang ako sa isang tawanan. Idinilat ko yung mata ko at bumungad sakin ang puting kisame. Napatingin ako sa dalawang bruha na nagtatawanan.
Karga- karga ni Gel yung anak ko habang si Sherwin naman ay kumakain ng prutas. Umagaw sa pansin sa pansin ko yung batang mahimbing na natutulog.
"Ay May, gising kana pala, alam mo sabi ni Airon matutlog na muna siya dahil ang tagal mong magising," natatawang ani ni Sherwin.
"Kawawa naman ng panganay ko,"
"Ito oh, titigan mo yung anak mo,"tumawa si Gel. Talo ka parin," dagdag pa niya sabay lapag niya ng anak ko sa aking tabi. Inirapan ko lang siya at hinaplos yung maliit na mukha ng anak ko. Tama nga si Gel, talo parin ako dahil kahit wala sa tabi namin si Kobe parang nandito lang siya dahil araw araw kong masisilayan ang mga anak konna kamukha ng ama nila.
"Alam mo jackpot ka talaga ng sperm sa ex husband mo dahil nako, ang gugwapo,"ani ni Sherwin.
"Wala, mahina yung genes ng babaeng to," natatawang ani ni Gel. Hindi ko sila pinansin dahil nakatingin lang ako sa bagong silang na anak ko.