Chapter 28

180 15 1
                                    

Habang patuloy ako sa paglalakad, napadpad ako sa lugar na puro puno lang yung nandon.Kahit natatakot ako patuloy pa rin ako sa paglalakad,hindi ko nga alam kung saan ako pupunta.gusto ko lang mawala yung sakit ng dibdib.Hindi ko pa nga nahagkan yung baby ko kinuha na siya sakin.

"Ano bang kasalanan ko?!" malakas na sigaw ko habang umiiyak.

Napalingon ako sa aking likuran nang may biglang gumalaw sa halaman.Medyo kinabahan ako dahil baka ahas to. Dahan-dahan akong lumapit don at hinawi yung dahoon,nagulat ako nang may nakita akong isang tuta,marumi ang mukha nito at nanghihina.Nang-aalangan akong hawakan ito dahil baka kakagatin ako nito.

"Kawawa ka naman saan ba yung amo mo?"tanong ko sa kanya.

Sobrang hina na ng katawan niya at siguro mga ilang araw nato dito.Mabuti nga't nasa likod ko parin yung panyo ko,yun yung ginamit ko pambalot sa aso.

"Dalhin muna akita sa clinic ha para matingnan ka nila"kausap ko sa kanya.

Naglalakad ako pabalik kung saan ako nanggaling kanina.May nadaanan kasi akong pet clinic kanina at mukhang sinuwerte tong maliit na tuta nato.

Malayo-layo rin yung nilakad ko bago ako makarating sa clinic.Pagkarating ko pumasok ako sa loob,inasist ako ng mga tao don.Nilagay nila sa ibabaw ng mesa yung aso at Cheneck yung heartbeat niy.Pinaliguan nila ito at may itinurok sila sa aso.Pinanood ko lang sila dahil wala naman akong alam sa mga ganyan.

May lumapit sakin na lalaki at nagtanong sakin.

"Sa inyo po ba yung aso?" ani ng vet

"Ah nako hindi po...nakita ko lang po yan sa gilid ng kalsada kanina"nakangiting tugon ko. "Kumusta na po siya?"

"Ayos na po siya ma'am,kaya po siya nanghihina dahil wala pong laman yung tyan niya.Ito po yung vitamin na ipapainom mo sa kanya araw-araw dahil para maging malusog siya ulit"nakangiting tugon ng lalake dahil yung lumabas yung dimple na nasa pisngi niya.Cute naman ng lalaking to.

Tinanggap ko ito at nagpasalamat sa kanya,nagbayad na rin ako sa cashier.Lumapit ako sa aso at kinarga ito.Akala ko kulay gray yung kulay niya kulay brown pala.

Bibili muna ako ng pagkain nito.

Karga-karga ko yung aso habang namimili ako ng pagkain niya.Kawawa naman talaga yung aso na to,siguro kung hindi ako napadaan don,siguro na dedo na'to.Sobrang cute niya kahit medyo payat ito.Aampunin ko nalang ito dahil panigurado tinapon to ng amo niya.Wala talagang puso ang mga taong ganyan.

Pagkatapos kong bumili ng pagkain ng aso ,sumakay ako ng taxi para makabalik sa kompanya.Pagkarating ko dumiretso ako sa opisina ni Kobe dahil baka nasa opisina yun.Hindi nakalock yung pinto kaya pumasok ako.

Magpapaalam kasi ako sa kanya na aampunin ko yung aso.

Pagpasok ko sa loob,tinawag ko yung pangalan niya kasi wala siya sa don sa lamesa niya.

"Keo?Kobe?'' sunod-sunod na tawag ko sa kanya habang palakad-lakad ako.

Napahinto ako sa paglalakad nang may narinig akong babaeng tumatawa.Pinakinggan ko iyon nang mabuti,nanggagaling iyon sa secret room niya.Sinilip ko iyon,laking gulat ko nang makita ko siya na nakapatong sa ibabaw ng babae habang hinahalikan niya ito.Pinulupot ng babae yung kamay niya sa leeg ng asawa ko. Nag-eenjoy yung babae sa ginagawa ng asawa ko.Napaiwas ako nang tingin at lumabas sa opisina,nagpapakasaya silang dalawa habang nagluluksa ako sa pagkawala ng anak namin.







Nandito ako ngayon sa rooftop ng kompanya, hanggang ngayon umiiyak parin ako.Sobrang sakit ng puso ko,Nawala na yung baby ko at si Kobe naman walang pakialam sakin.Hindi ko nga alam kung ano yung silbi ko dito sa mundo.

"Putangina niyong lahat!"malakas na sigaw ko,dahil don lumipad yung mga ibon na nasa kabila tumatambay.Hindi ko yun pinansin at dahan-dahan akong pumikit,inaalala ko yung mga masasayang araw na kasama ko yung mga magulang ko.Wala nang natira sakin,kinuha na lahat.Wala na akong dahilan para mabuhay sa mundong to,makakasama ko na rin yung mga magulang ko kung saan man sila ngayon.

Tatalon na sana ako ngunit may narinig akong tumahol na aso,idinilat ko ang aking mga mata at lumingon ako sa aking likuran.Nakita ko yung aso na nahulog sa upuan,bumaba ako at dali-daling pinuntahan yung aso.Ngayon ko lang naalala na may aso pala akong aalagaan.Kinarga ko ito at umupo sa upuan.

"Kawawa naman to kapag namatay ako wala nang magpapakain sayo"ani ko at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Uwi nan ga tayo postpone yung pagiinarte ko"natatawang ani ko at pinunnasan yung luha na nasa pisngi ko.

Nangmakarating ako sa bahay,dumiretso ako sa kwarto.Bumigat na naman yung puso ko nang makita ko yung crib ng baby ko sana.Lumapit ako sa crib habang karga-karga ko yung aso.

"Alam mo ito sana yung crib ng magiging baby ko kung hindi sana siya nawala sakin...siguro magagamit niya to"ngumiti ako nang mapait.

"Pero ikaw nalang yung aalagaan ko"ani ko at inilapag yung maliit na tuta sa kama.

"Aalagaan at mamahalin kita"ani ko habang hinapos ko yung likod niya.

"Ano kaya yung ipapangalan ko sayo?Walty nalang kaya total lalake ka naman" ani ko .

"Gusto mo ba yun?"tanong ko sa kanya ngunit hindi ako pinansin nito at ipinikit yung mga mata niya.

"Mabuti pa matulog na tayo,pagod na rin kasi ako pero maliligo na muna ako ha...dyan ka lang" nilagayan ko siya ng kumot at pumasok sa CR.

Pagkatapos kong maligo,pinatuyo ko muna yung buhok ko bago ako humiga sa kama.Mahimbing nang natutulog si Walty kaya tumabi nalang ako sa kanya.

Nagising ako dahil kumakalam yung sikmura ko.Tulog pa rin si Walty kaya iniwan ko muna siya sa kwarto at bumaba papuntang kusina.Nagsaing na muna ako ng kanin bago ko niluto yung hotdog.Hotdog nalang yung kakainin ko dahil baka masasayang lang kapag nagluto ako ng iba't ibang putahe.Hindi na rin kasi umuwi si Kobe dito sa bahay at kung uuwi man siya hindi siya kumakain dito.

"Ba't may aso dito sa bahay?''

Nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa likuran ko, amoy palang ng pabango niya kilalang-kilala ko na ito.Humarap ako kay Kobe at ngumiti sa kanya pero syempre hindi ako tumingin sa mukha niya.

"Nakita ko kasi yung aso kanina sa gilid ng kalsada kaya dinala ko dito" tugon ko.

"Ayos lang ba na ampunin ko siya?"tanong ko.

"You had a miscarriage?"tanong niya pabalik sakin.

"A-Ah oo"nakayukong tugon ko.

"Tsk...ang bilis naman ng karma mo"malamig na tugon niya at umalis sa kusina.

Napasandal ako sa lababo dahil nanghihina yung mga tuhod ko.Pano niya na gawang sabihin yun eh anak naming dalawa yung nawala.Siguro karma ko talaga to kahit wala naman akong kasalanang ginawa.





























































Goodnight everyone

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now