"May!" Lumingon ako at gaya ng inaasahan ko siya iyon."Chel," masayang ani ko. Dali dali itong itong lumapit sakin. Yayakapin sana niya ako ngunit dumapo yung tingin niya kay Airon.
"May anak mo?" Masayang tanong niya.
"Oo chel," nakangiting tugon ko.
Mahigpit kaming niyakap ni Chel.
"Miss na miss na kita May, kala ko hindi na tayo magkikita ulit," naiiyak na ani ni Chel.
Hindi ako nakasagot dahil umiiyak narin ako."Mama naiipit napo ako," reklamo ni Airon na nagpatawa saming dalawa ni Chelone. Bulol kasi yung pagkakasabi niya.
"Ikaw ba talaga to May?" Paninigurado ni Chelone. Pinisil-pisil pa niya yung braso ko.
"Oo Chel nagkita na ulit tayo," masayang tugon ko.
"Ang gwapo ng anak mo," ani ni Chel.
Tumawa lang ako."Gwapo kasi yung ama,"
"Mama who is she?" tanong sakin ni Airon.
"She's my cousin Airon," nakangiting tugon ko.
"Pagbuhat nga ng anak mo May," ani ni Chelone. Binigay ko naman si Airon sa kanya.
"May anak karin Chel?" Tanong ko.
"Oo Chel lalaki rin yung anak ko," tugon niya at hinalikan yung pisngi ni Airon. Nakakunot lang yung noo ni Airon habang nakatingin kay Chelone.
"Hon," napatingin ako sa lalaki na tumawag kay Chelone.
"Zairon?" hindi makapaniwalang saad ko.
"May, it's nice to see you here," nakangiting ani niya. Tiningnan ko silang dalawa.
"Mag asawa kayo?" naguguluhang tanong ko. Tumango silang dalawa.
"Wow, nawala lang ako ng ilang taon mag asawa na kayo eh nong una nga hindi pa kayo nag imikan," hindi makapaniwalang ani ko.
"Long story," natatawang ani ni Zairon.
"Nasan yung anak niyo?" Tanong ko.
"Nasa yaya niya," tugon ni Chelone.
"Ba't kayo nandito diba nasa manila kayo?" Tanong ko.
"Lumipat na kami dito May," tugon ni Chelone.
"May bahay kayo rito?" tanog ko ulit.
"Yah," tugon ni Zairon.
"Mabuti nalang talaga May pumunta ka dito,"masayang ani ni Chelone.
"Dito narin kasi kami titira," tugon ko.
"Kayo ng asawa mo?" tanong ni Chelone na ikinatahimik ko.
"Maybe we'll just continue this chatting on our house," pag iiba ng usapan ni Zairon.
"May kasama ako, ipakikilala ko kayo sa kanila," ani ko.
"That's great," ani ni Zairon.
Pagdating namin sa pwesto kanona, nandon parin yung dalawa nag uusap.
"Gel!" Tawag ko kay Gel, nakatalikod kasi silang dalawa ."May, may magndang ilog raw dito,"ani ni Gel.
"Gel may ipakilala ako sa inyo,"
"Sino naman?"
"Siya si Chelone pinsan ko at si Zairon yung asawa niya," pakilala ko sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/345707526-288-k332143.jpg)