Chapter 35

171 14 1
                                    


Hindi ko inakala na buntis ako dahil nireregla naman ako buwan-buwan at saka hindi rin lumaki yung tyan ko.

"Hulog ka talaga ng langit anak"masayang ani ko.

Paika-ika akong naglakad patungo sa wardrobe para kumuha ng damit ng anak ko.Natawa ako dahil kay Walty nakaupo ito sa kama habang tumititig sa anak ko,siguro nalilito ito.

"Walty yan yung bagong baby natin"kausap ko sa kanya sabay upo sa kama.Lumapit ito sakin at humiga sa hita ko.

"Syempre baby parin kita"natatawang ani ko.

Tatlong araw akong nag-s-stay sa hospital,kakauwi lang naming galing sa hospital.

Mahimbing na natutulog yung anak ko,kakatapos ko lang itong paliguan.Papasyal kami ngayon sa plaza dahil mukhang nababagot na dito si Walty.Naligo na muna ako bago ko pinaliguan si Walty.

Nilagyan ko muna yung kamay ko ng alcohol bago ko kinarga si Aron.Pumara ako ng taxi at sumakay sa backset katabi ko si Walty.

Pagkarating naming sa plaza,umupo kami sa isang bench.Nilagay ko sa aking tabi yung bag na dinala ko,may laman itong diaper at damit ng sanggol.

"Pwede ka nang maglaro Walty"nakangiting ani ko sa aking aso.

Mabilis naman itong tumakbo at umiikot-ikot sa bench.

"Ikaw talaga...sabi ko ng aba gusting-gusto mong mamasyal"natatawang ani ko.

"Dear?"

Nanlamig yung buong katawan ko nang marinig ko ang boses nay un.

"Dear!" tawag niya ulit.

Lumingon ako sa kanya.

"M-Mom"kinakabahang tugon ko

Dali-dali itong lumapit sakin,yayakapin na niya sana ako ngunit bigla itong natigilan nang ma pansin niya yung sanggol na karga-karga ko.

"Wait..Is that a baby?" gulat na tanong niya.

Tumango naman ako.

"Really? Pwede ko ba siyang kargahin?" excited na tanong niya.

Ipinakarga ko kay Ma'am claire yung baby ko.Kumunot ang noo niya nang makita niya yung mukha ng anak ko.

"Wait parang may kamukha tong baby nato"gulat na ani niya.

Nag-aalinlangan akong ngumiti.

Nagningning yung mga mata niya. " Oh my!this is my grandson!"masayang bulalas niya.

"Oo nga po eh"kinakabahang tugon ko.

"Why you didn't tell me?" biglang sumeryoso yung mukha nito.

"A-Ah magpapaliwanag po ako"nauutal na tugon ko.

"No Dear mamaya nalang yan"tugon niya.

"I just can't believe na may apo na talaga ako!Look at him he's so tiny and cute"naiiyak na ani niya.

"Hold him for a second my tatawagan lang ako".

Kinuha ko yung baby ko sa kanya.Sobrang kinakabahan na talaga ako dahil sobrang kalmado lang ni Ma'am Claire,alam kung galit ito.

"Hi Walter"bungad ni Ma'am Claire.

"Yeah...You need to go home right now!"galit na tugon niya at pinatay yung cellphone.

Humarap ito sakin at ngumiti.

"Let's go home Dear...Don't worry hindi ako galit sayo"ani niya at kinarga ulit yung anak ko,kinarga ko rin si Walty

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now