Chapter 9

132 15 0
                                    

"Dear "tawag sakin ni ma'am Claire,nakatayo ito sa pinto.

"Ano po yun Mom?"sagot ko.

Lumapit ito sakin at umupo sa kama.Kakagising ko lang,hindi ko alam kung anong pakay ni Ma'am Claire.

"Gusto mo bang sumama sakin May?"tanong niya sakin.

"Saan po?"tanong ko sa kanya,nakabihis na kasi ito at basi pa lang sa hitsura niya ay may importante itong pupuntahan. 

"May pupuntahan kasi ako ngayon,kaya lang hindi makakasama yung Daddy mo.Kaya ikaw nalang yung isasama ko my Dear"nakangiting tugon nito.

"Oh sige po"masayang sagot ko sa kanya dahil gusto kong makapunta sa mga lugar na magaganda at panigurado maraming mga model don.

"Maligo ka muna at pagkatapos mo ,pumunta ka sa dining area"mahinhing ani ni Ma'am Claire.

Tumango ako at pumasok sa CR ,hinubad ko lahat ang aking damit at dinama ang malamig na tubig na nanggagaling sa shower.Sana hindi magbabago yung trato sakin ni Ma'am Claire,dahil kung magbabago man iyon wala na akong kasama.




Habang nasa byahe kami,nasa kanyang cellphone lang nakatingin si Ma'am Claire,siguro busy ito dahil sa photoshoots niya ngayon.Maya-maya huminto kami sa isang building,mataas ito at maraming mga tao ang nasa loob.Pagkababa namin ni Ma'am Claire,may sumalubong samin na dalawang staff at dinala kami sa isang  kwarto na punong-puno ng mga make-up at iba pa.

Ang ganda dito sobra,kapag kagaya ko talaga ang pupunts dito ay mapapansin mo talaga yung ganda ng kwarto.may bekeng kinausap si Ma'am Claire at ako naman,namamanghang tumitingin sa vanity mirror.Hindi naman sa ignorante ako,marami na naman akong nakita na mga vanity mirror pero iba talaga ang ganda nito eh.Ganito siguro talaga yung buhay ng artista,palaging nagmimake-up.

"Dear umupo ka na don"napatingin ako kay Ma'am Claire at lumingon ako sa aking likuran dahil baka hindi ako yung tinawag niya."Ako po bang kausap niyo?"turo ko sa aking sarili."Yes,Why?" "Ay wala po"nahihiyang tanong ko.

Umupo ako sa  na may vanity mirror.

"Ready ka na ba Dear?" tanong ng beke.

Nag-alinlangan akong tumango,humagikgik naman silang dalawa.Nagsimulang maglagay sakin  ng kolorete yung Chloe,narinig ko kasing  tinawag siya na Chloe ni ma'am Claire.



Ilang oras ang lumipas, natapos na yung paglalagay ng makeup sa aking mukha.Muntik pa nga akong maiyak dahil sa nangyari sa mukha ko.Para sakin sobrabg ganda ko na,malayo na sa dati.Hindi ko alam kung bakit nila ako nilagyan ng makeup,free ba to?

Nung bata pa kasi ako,palagi akong sinasabihan ng pangit.Kasi nga mahirap lang kami at halos lahat ng classmates ko mayaman.Ang hacienda ng mga Algonso ang bumuhay samin.Buong buhay ko inaalala yung mga sinabi sakin ng mga classmates ko at saka hindi naman siguro sila makakapagsabi ng ganon kung hindi nila nakikita.Isa rin yon sa mga rason kung bakit ayaw kung pumasok sa isang relasyon,dahil magsasawa lang yung partner ko at baka ikakahiya niya ako dahil saking mukha.

"Are you okay Dear?"Hindi mo ba nagustohan ang ayos mo?'' nag-alalang tanong ni ma'am Claire.

'' Nako sobrang nagustohan ko po!''masayang tugon ko kunting-kunti nalang ay iiyak na ako.

''Nako Dear kung iiyak ka masisira yung makeup mo''ani ni ma;am Claire.

''Ahm Mom ba't niyo po pala ako pinalagyan ng makeup?''tanong ko.

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now