Naisipan kong bumalik sa kwarto dahil lumamig na yung hangin, naabutan kong mahimbing itong natutulog. Nilapitan ko ito at pinagmasdan ang gwapong mukha ni Kobe, mala anghel ang mukha nito kapag natutulog pero subrang wild naman kapag sa kama. Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha ni Kobe at dinampian ng halik ang kanyang mukha.
Naalala ko yung sinabi niya s akin kanina mapait akong ngumiti wt kinuha yung isang unan. Naghanap ako ng isang comforter sa kabinet at mabuti may extra dito. Nilapag ko yung comforter sa gilid ng kama at humiga. Nagdasal muna ako bago matulog, tanging lampshade ang nagsisilbing ilaw mula kanin kaya medyo madilim.
Ilang linggo na ang lumipas simula nong nakauwi kami ni Kobe galing sa reunion. Dalawang araw lang kami don at nag enjoy naman ako dahil sumakay kami ng yate at nag hiking rin kami. Simula nong nakauwi kami hindi ko na madalas na nakikita si Kobe dahil palagi itong nasa opisina niya.
Hindi na ito umuwi sa bahay, kung nag kikita man kami hindi ako tumitingin sa mukha niya dahil nahihiya ako at nasasaktan ako ng sobra sa sinabi niya, inaamin ko na maganda talaga yung girlfriend ni Kobe kung ikukumpara sakin.Hindi ko nalang siya tinitignan sa mukha kapag nag uusap kami.
Maaga akong pumasok sa trabaho para hindi ako makita ni Kobe sa opisina niya. Kahit ganon man ang sitwasyon ko, masaya ako dahil maging nanay na ako ngayon nga nag iisip ako kung ano yung ipapangalan ko sa kanya. Siguro ito rin yung iniisip mg mga first timer na mommy.
Plano ko ng mamaya na bibili ako ng mga gamit para sa baby ko.Nandito ako ngayon sa janitor's room, nakaupo sa isang maliit na upuan katabi ng walis na dinala ko kanina. Binibilang ko yung perang naipon ko galing sa aking sahod. Para sana to sa pag aaral ko pero hindi na ako makapag aral dahil magiging nanay na ako kaya ibibili ko nalang to ng gamit para sa baby ko.
Medyo malaki narin yung ipon. Kumukuha lang ko ng one thousand peso sa sahod ko para pang bili ko ng mga junk foods at chocolates. Si kobe kasi yung nagbibigay ng pera sakin buwan buwan para pambili ng pangangailangan sa bahay. Hindi ko ginagamit yung binigay ni Kobe na kulay black card dahil nahihiya ako at yung isa naman na card na binigay niya ay para yun sa pambili ng mga groceries at iba pa.
Nilagay ko yung pera sa wallet ko at lumabas sa janitor's room at pumunta sa opisina ni Kobe. Sisilipin ko lang kung nandoon ba siya. Pagkarating ko sa opisina, dahan dahan kung binuksan ng kunti yung pinto. Sumilip ko at nilibot yun paningin ko sa opisina, wala si Kobe doon siguro may meeting iyon. Isinirado ko yung pinto at sumakay ng elevator para makapunta ako sa first floor.
Paglabas ko sa kompanya, pumara ako ng taxi at pumunta sa mall ni Kobe. Mara mi kasing damit doon pambata kaya doon nalang ako pupunta. Pagkarating ko sa labas ng mall maraming tao ang nasa loob nag sale kasi yung mall.
Pumasok ako sa loob at dumeretso ako s pinto kung saan yung gamit ng mga baby.
Hindi nawala sa aking labi ang ngiti, sobrang saya ko kasi ngayon. Nauna akong pumunta sa mga damit. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko ngayon para akong kinikilig na ewan tapos uminit rin yung katawan ko at sobrang lakas ng pintig ng puso ko.Ang sarap pala sa feeling na bibili ka ng damit para sa maging baby mo,siguro ganito rin yung feeling ni nanay noon. Kinuha ko yung listahan na nilagay sa aking bag. Nilista ko kasi lahat yung pangangailangan ng baby para wala akong makalimutan. Kumuha ako ng apat na onesies, skirts pants, one-piece pajamas,socks newborn hats, mittens at blankets tig apat yun lahat.
Sinunod kong puntahan ying diaper area, kimuha ako ng tatlong malaking box ng disposable newborn size diaper naglagay rin ako ng unscented baby wipes. Pagkatapos kong ilagay lahat yun itinulak ko yung cart at pumunta sa unahan.
May nakita akong baby thermometer at baby nail clippers, nilagay ko ito sa cart at humanap pa ng iba.Sinunod kong puntahan ang feeding area. May nakita akong nursing brush, breast pump, bibs, nursing cover, milk storage at iba pa, kinuha ko iyon lahat at nilagay sa cart.
Iniwanan ko muna yung isang cart dahil puno na at kumuha ako ng bago. Pumunta ko sa area kung saan nakalagay ang tulugan ng baby. Pumili ako ng crib firm mattress, diaper changing table. DIY lahat kaya nakalagay ang mga yon sa box.
Sinunod kong puntahan yung mg laruan para pam baby, kumuha ako ng maliit na laruan na tumutunog. Mga ilang oras rin akong nag libot libot sa loob ng mall halos bilhin ko na lahat yung pambaby.Habang nilalagay ko yung mga binili ko sa box, hindi mawala ang ngiti ko sa aking labi. Kukunin ko sana yung pera ko pero may nakita akong no cash allowed, card only.
Kinabahan ako kasi wala akong card. Naisip ko bigla yung black card na binigay ni Kobe sakin. Yun nalang ang ibibigay ko at babayaran ko nalang siya sa mga nagastos ko. Kinuha ko yung card at ibinigay sa cashier.
"Ma'am hindi napo kayo kailangang magbayad"biglang ani ng cashier.
Medyo kinakabahan ako, hindi siguro gumana yung card.B-Bakit po?" tanong ko.
"Nakalagay po kasi sa card at libre po yan". tugon niya. Kahit naguguluhan ko ay tumango nalang ako at ngumiti sa kanya.
"Ma'am pwede napo kayong lumabas, ilalagay po lahat ng binili niyo sa van at ide-deliver po yun sa bahay niyo" ani niya.
"Huh?"takang tanong ko.
"Yung kulay black na van po at sumakay na rin po kayo doon".
Pagkalabas ko sa mall may itim na van ang naghihintay don, may mga tao narin na nilagay yung lahat na binili ko sa loob. Maganda pala dito dahil free delivery, dahil siguro sobrang dami ng binili ko.
Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito, kinuha ko ito at binsa yung message ni Kobe.
From Kobe: Ilipat mo lahat ng gamit mo sa guest room doon kana matulog.
basa ko sa text niya.Hindi na ko magtataka dahil nandidiri si Kobe sakin natural lang na dapat hindi kami magkatabi matulog.
Napabuntong hininga nalang ako, dahil mukhang mapapagod ako ngayon. Pero ayos lang dahil may gamit na rin baby ko. Pagdating ko sa bahay nagsimula akong ilagay ang mga lahat yun sa guest room.
Bumili rin ako ng mga design na bagay para sa baby.