Chapter 48

52 6 0
                                    

Isang lingo na yung lumipas hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko yung narinig ko sa mga katulong.

Totoo kaya yun?


Bigla kong narinig yung doorbell, kaya iniwan ko muna yung ginagawa ko. Nagpupunas kasi ako ng mga plato.


Bagbukas ko sa pintuan, nagulat ako dahil hindi ko inaasahang pupunta si Liam dito.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Matamis itong ngumiti sakin.



"Ibibigay ko lang to kay Kobe," sagot niya.

"Ganon ba, pasok ka," nilakihan ko yung awangg ng pinto.


Pumasok naman si Liam sa loob.

"Umupo ka muna dyan, tatawagin ko lang si Kobe," paalam ko sa kanya.


"Wait," pigil niya sakin.

Lumingon naman ako sa kanya. Ngumiti siya at unti-unting naglakad papalapit sakin.

Nagtataka ako kung bakit niya ako pinigilan.

Nabigla ako nang kinuha niya yung kamay ko at hinalikan iyon.

"You're here,"


Agad kong binawi yung kamay ko nang marinig ko si Kobe, dahil baka mag-away na naman silang dalawa. Lumapit si Liam kay Kobe at binigay yung dala-dala niya na brown envelope.

"Kompleto lahat yan, gaya nang sinabi mo sakin," ani ni Liam.



"Good," tipid na tugon ni Kobe.

"May," tawag sakin ni Liam sabay lapit sakin.

"I want to court you," deritsong ani ni Liam sakin.



Nagulat ako sa sinasabi ni Liam. Tumingin ako kay Kobe ngunit parang wala lang sa kanya yung sinabi ng pinsan niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko.



"You and Kobe will divorce soon. So, you're free," nakangiting saad ni Liam.

"H-Huh?" nabasag yung boses ko dahil sa sinabi ni Liam.



"Yah, ako yung kinuha ni Kobe para gumawa ng divorce paper niyo," paliwanag sakin ni Liam.

"Attorney ka?" tanong ko.



"Yes, I'm attorney John Liam Zargosa," pakilala niya sa sarili niya.

"Maiwan ko muna kayo," paalam ko sa kanila at tumungo sa kusina.



Pagdating ko sa kusina, sumandal ako sa ref. Hindi ko alam kung matutuwa baa ko o malulungkot. Halo-halo yung mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Binuksan koo yung ref at kumuha ng malamig na tubig sa pitsel.



Pero may parte akin na masaya ako dahil malaya na si Kobe, makakasama na niya si Lexi at malaya narin ako, kami ni Airon. Hindi na makakapagtrabaho yung anak ko sa Hacienda. Nalungkot din ako dahil mahal ko si Kobe kahit hindi siya mabait sakin. Pero alam ko na may plano yung diyos para samin ng anak ko na alam kung ikakabuti naming dalawa.

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now