Nandito ako ngayon sa isang super market dito sa Cagayan, gaya nga nang sinabi ko kay Sherwin siya yung pinabantay ko sa mga anak ko. Malapit na rin kasing maubos yung mga groceries namin sa bahay, mas mabuti talagang bibili ako ng maaga dahil wala si Gel sa bahay namin. Mabuti nalang talaga mabait si Sherwin at gusto rin ni Airon na si Sherwin yung magbabantay sa kanya.
Malaki rin yung pasasalamay ko kay Gel dahil nasa tabi ko siya palagi nong mga panahong kailangan ko siya. Siya yung sumusuporta samin nong bago pa ako nanganak kay Theo. Malaki talaga yung utang na loob ko kay Gel at hindi ko inaasahan na may pamilya na pala siya. Nahiya tuloy ako sa kanya dahil mas pinili niyang samahan kami kaysa sa pamilya niya.
Pagbalik ni Gel ipagluluto ko siya ng masarap na ulam.
Habang pumipili ako ng mga bibilhin ko, nabigla ako dahil sa isang putok. Pagtingin ko, may mga armadong lalaki na nagkalat sa paligid. Agad-agad kong inalis yung wedding ring namin ni Kobe sa daliri ko at inilagay ko yung sa bra ko para hindi makuha ngg mga magnanakaw.
Nanginginig yung kamay ko habang nakahawak ako sa cart, pinapanood ko yung mga armadong lalaki kung paano niya kinuha yung mga pera ng mga tao. Tinutukan nila ang mga tao ng mga baril para ibigay yung mga hinihingi nila.
Para akong naubusan ng dugo nang maramdaman na dumampi sa balat ko yung malabig na bagay.
"Akin na yung pero mo," ani nong nasa likuran ko.
"W-Wala akong pera," nauutal na tugon ko.
"Akin na sabi!" galit na ani niya sabay tulak sakin gamit yung baril na nasa kamay niya.
Biglang uminit yung tainga ko dahil sa ginawa niya at humarap sa kanya. Nakasuot siya nang itim na mask kaya hindi koo makita ang kabuohan ng mukha niya.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya, dahil don kumunot yung noo niya.
Malakas kong tinapik yung kamay niya na may hawak na baril saka ko siya sinuntok nang malakas sa panga niya. Dahil don bumagsak siya at nawalan nang malay.
"Anong akala mo sakin, hindi marunong mag martial arts, nako! Minamaliit mo ako boi," natatawang ani ko sabay tadyak sa itlog niya.
Panigurado akong mababog to dahil sa lakas ng pagkakatadyak ko, yung mga taong gaya niya ay hindi dapat paramihin.
Tumingin ako sa paligid ko, nandito parin yung mga magnanakaw. Kaya hinintay ko silang makaalis saka ako lumabas. Hindi ko hinintay na makarating yung mga pulis at iniwan yung mga bibilhin ko sana. Mabuti nalang hindi ako nanakawan, pambihira talaga yung mga taong yun.
Pumara ako ng tricycle para makauwi na ako.
Maya-maya, tanaw ko na yung bahay namin. Ngunit biglang lumakas yung tibok ng puso ko nang makita yung mga sasakyan ng mga pulis na nakaparada sa labas ng bahay namin.
"Manong dito lang ako," ani ko sabay abot ng bayad.
Bumaba ako sa tricycle at pumunta sa bahay. Walang tao sa labas, kaya binuksan ko yung pinto.
Para akong nakakita ng multo nang madatnan ko kung sino yung nasa loob. Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko dahil sa lakas nang tibok nito. Printeng nakaupo si Kobe sa upuan naming na gawa sa kawayan habang seryoso ang mukha nito habang nakatingin sakin. May dalawang lalaking nakahawak kay Sherwin.
Para akong hinugutan nang hininga nang makita ko si Theo na karga-karga sa isang tauhan ni Kobe.
"Anong ibig sabihin nito?" kinakabahang tanong ko.
May lumapit sakin na isang pulis at may ipinakita siyang papeles sakin.
"Nagsampa po ng kaso si Mr. Zargosa sa inyo, makukulong po kayo," paliwanag ng pulis sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/345707526-288-k332143.jpg)