Chapter 38

84 8 0
                                    

Parang tumalon yung puso ko dahil sa tuwa ng marinig kong tumawa si Airon. He's 5 months old now, parang kahapon lang ako nanganak.

"Good morning baby Airon ko" malambing na ani ko sabay buhat sa kanya. Sa crib ko siya matulog para makatulog siya ng maayos. Sinayaw sayaw ko siya dahil gustong gusto niya yun.

Ito na yung morning routine ko, gumigising ng 6:00am, pinapaliguan ko si Airon. " Baby, maliligo na tayo ha" malambing na ani ko sabay kuha ng tuwalya. Pumasok kaming dalawa sa cr. Nang matapos kong paliguan si Airon inilapag ko siya sa kama. Naging malikot na si Airon, kahit ano-ano na yung hinahawakan niya. 

Binalot ko ng tuwalya si Airon para matuyo siya, nilagyan ko ng pulbo yung dibdib at likod niya at sinuotan ko siya ng diaper. Subrang taba ni Airon, sarap niyang pisilin pero hindi ko siya pinipisil dahil masakit yun.

Sinuotan ko si Airon ng blue na pajama, napangiti ako ng biglang hinawakan ni Airon ang kanyang paa at inabot niya sa kanyang bibig. Palagi niya itong ginagawa, hinahayaan ko lang dahil normal lang daw ito dahil 5 months na si Airon at sabi ni Gel na baka magsasalita na si Airon.

Pero mukhang hindi pa naman pero may lumabas na tunog sa bibig ni Airon tuwing naglalaro siya ng kanyang laway. Pinadede ko di Airon dahil nagugutom na siya. Nang binitawan n ni Airon yung suso ko, kinuha ko yung cellphone ko at nagsimulang kunan ng video si Airon.

"Hi baby Airon, ang lusog-lusog naman ng baby ko"masiglang ani ko.Tumawa namn si Airon. Napasigaw ako ng biglang gumulong si Airon. Hindi ko alam kong ano yung nararamdaman ko, Unang beses niya uto ginawa kaya kinunan ko talaga siya ng video. Sobrang saya ko ng gumulong na si Airon.

Hindi ko alam pero excited na ako sa mga susunod na gagawin ni Airon, excited akong sabihin to kay Gel. Kinarga ko si Airon at lumabas ng kwarto. Nang makababa ako, naabutan ko si Gel na pinapakain si Walty. "Gel gumulong na Airon" masiglang sigaw ko.

Agad namang lumingon si Gel "talaga? Kailan?" tanong niya. Bakas sa mukha niya yung tuwa. "Ngayon lang nakakuha pa nga ako ng video" masayang ani ko

"Talaga?patingin nga"ani niya. Ibinigay ko yung phone sa kanya.

"Hala Oo nga, buti nakunan mo ng video" ani niya

"Nag vi-video kasi ako sa kanya kanina ng bigla lang siyang gumulong kaya nakunan ko" kwento ko sa kanya.

Napatikom ako ng bibig ng makitang kong nakaupo si Kobe sa sofa. Nakangiti ito habang nakatingin sa cellphone niya. Siguro pag makaanak siya ng girlfriend niya ganito rin ang reaksyon nila. 

"May halikana punta na tayo sa kusina, baka naluto na yung niluluto ko" biglang ani ni Gel.

Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Pagkarating ko sa kusina, naglagay agad ng sabaw si Gel sa mangkok. "Nagluto ako ng malunggay, nakararami raw ito ng gatas" ani niya


"Ganon ba Gel...   maraming salamat ha" tugon ko sa kanya.

"Kumain kana.... Hindi kakain dito si sir Kobe dahil may pupuntahan daw siya ngayon" ani ni Gel at inilagay niya yung kanin sa mesa. Kinuha naman ni Airon yung kutsara at pinukpok sa plato, mabilis ko naman itong kinuha dahil bak mabasag yung plato.

Nagsimula kaming kumain ni Gel, masarap yung niluto niyang sinabawan  na malunggay. Pagkatapos naming kumain, umupo ako sa sofa habang naglilinis ng kusina ai Gel. Nang makarating ako dito, wala na si Kobe, naisipan kong turuang magsalita si Airon. "Baby sundin mo yung sasabihin ni mama ha"ani ko.

Pinatayo ko si Airon sa aking hita.

"Say Mama," ani ko.

Humagikgik si Airon dahil sa sinabi ko. Kiniliti ko ito kaya mas tumawa pa ito.

"Ma...Ma,"ani ko ulit.

"Dada"ani ni Airon.

Lumaki yung mata ko.

Saktong-sakto na dumaan si Kobe at tumingin ito saminng dalawa ni Airon.Tiningnan ko ulit yung anak ko, kinakabahan ako dahil baka magalit si Kobe dahil sa sinabi ni Airon.

Seryoso lang yung mukha nito,siguro narinig niya yung sinabi ni Airon.

"H-Hindi naman yan yung sinabi ko sayo eh," kinakabahang ani ko.

"Dada"bulalas ni Airon sabay hawak sa bibig ko.

"Hindi,Ma...Ma," turo ko ulit sa kanya.

Humagikgik lang ito.

"Dada!" malakas na sigaw ni Airon mabuti nalang nakaalis na si Kobe.

"Hindi naman Dada yung tinuro ko sayo eh,Mama," ani ko sabay gulit ng salitang Mama sa maliit na braso niya gamit yung hintuturo ko.

"Dada,"

"Hindi,Mama," pilit ko sa kanya.

"Dada,"ani niya sabay hila sa buhok ko.

"Array," mahinang ani ko.

Nakalimutan kong itali yung buhok ko.

Kinuha ko yung buhok ko sa kamay niya at hinalikan ang kanyang pisnge.

"Bango talaga ng baby ko,"

Tumingin ako sa orasan, 9:35 pa pala.Kaya naisipan kong ayain si Gel sa labas.Tumayo ako at pinuntahan ko siya sa kusina.

"Gel punta tayo sa labas," yaya ko sa kanya.

"Mamay ana siguro,maglilinis pa ako," nakangiting tugon ni Gel.

"Sandali lang tutulungan kita," ani ko.

"Wag na, Madali naman to,"tugon niya.

"Sure ka?" paninigurado ko sa kanya.

Mabait itong tumango.

Ilang minute ang lumipas natapos na si Gel.Binihisan ko si Airon at pinasuot ko ng damit si Walty.Nagbihis rin ako,sinuot ko yung white dress na binigay sakin ni Kobe nong umattend kami ng binyag,nagsuot rin ako ng puting sapatos para naman bumagay sa dress na sinuot ko.

Nandito kami ngayon sa isang restaurants, umorder kami ng pagkain at meryenda.Sa loob ng limang buwan si Gel na palagi yung kasama ko kapag saan-saan ako pumupunta.Noong una nga ay tinawag niya akong "Ma'am" pero sinabihan ko siya na May lang yung itatawag niya sakin dahil 1 year lang yung age gap naming at hindi naman ako yung amo niya,si Kobe naman.

At saka nakakahiya rin kapag tinatawag niya akong Ma'am lalo na kapag nandyan si Kobe,baka iisipin ni Kobe na feel na feel ko yung pagiging Zargosa ko.

Minsan talaga kahit ano-ano na yung mga iniisip ko at saan-saan na pumupunta.Matapos kaming kumain sa restaurants, namasyal muna kami ng kunti at saka umuwi.

Hapon na ng makauwi kami sa bahay.Si Airon naman kanina pa natutulog,medyo nangagalay na nga ako pero ayos lang basta mahimbing yung tulog ng anak ko.Si Gel naman yung humawak ni Walty sa buong lakad naming.

Nauna nang pumasok si Gel at Walty samin,nandito pa kami sa labas.Napalingon ako ng may narinig akong busina ng sasakyan,huminto ito sa harapan ko.

Bumaba yung pinakagwapong lalaki sa buhay ko.Nakasuit pa ito,mukhang galing pa ito sa meeting.

Kahit kinakabahan ako na baka hindi ito sasagot sa itatanong ko nagtanong parin ako sa kanya.

"K-Kumusta yung lakad mo?" nauutal na tanong ko.

Blangko yung ekspresyon ni Kobe nang tumingin ito sa mga mata ko.

Lumakad ito papalapit sakin at hinawakan yung maliit na kamay ni Airon.Para akong kandilang nakatayo doon nang biglang haliakan niya yung pisnge ni Airon.Eh pano ba naman kasi,dumampi yung labi niya sa pisngi ni Airon na nakadikit sa suso ko.Kaya nasali niya sa paghalik yung suso ko,

"You can't trust people you just meet," ani nitoat iniwan ako sa ere.










Good night😁Thank you for reading,don't forget to vote...

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now