CHAPTER 4

11 1 0
                                    

Kabanata 4

Desperada akong pasukan lahat ng trabaho makapadala lang sa mga magulang ko at masustentuhan ang pag-aaral ko.

Nakatingin ako sa langit habang sinasabing "Lord kahit anong trabaho po, ayos lang po talaga kahit mahirap po kakayanin ko po pangako po"

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa isang factory.

Hiring: Assistant Manager/ Factory Worker.

Agad kong tinanong ang security guard na nakabantay dito.

"Good morning po manong guard naghahanap po kayo ng assistant manager po? pwede po bang maka apply" nakangising sabi ko.

"Nako iha mukhang bata kapa, ang kailangan namin dito college graduate, kaya naman mag-aral ka munang mabuti ha" he uttered

I smiled bitterly. "Ah sige po, salamat"

Hindi parin ako sumuko hanggang may nakita akong isang matandang babae na sobrang busy kakaserve ng pagkain sa karenderya, agad ko naman siyang nilapitan at tinulungan sa ginagawa niya, pagkatapos ay tinanong ko siya.

"Manang baka kailangan niyo po ng serbidora ng mga order? Pwede po ako!" Alok ko sa kanya.

Mapait siyang ngumiti "Iha pasensya na pero kung magtatrabaho ka dito 200 lang ang isang araw mo sobrang liit non kumpara sa ibang pwede mong pagtrabahoan"

"Okay lang po manang kahit ngayon lang po kailangan ko po talaga ng pera eh" pamimilit ko sa matanda.

Ngumiti siya sa akin "Mukhang desperado kang makapagtrabaho iha, sige magsisimula kana ngayon"

Hay thank you lord may 2 trabaho na ako kahit maliit ang sahod ko malaking tulong parin to para makapagpadala ako at makapang tos-tos sa pag-aaral ko.

Pagkatapos kong magtrabaho sa karenderya ay agad naman akong pumasok sa restaurant para maka duty din kahit na pagod na pagod ako nagtatrabaho parin ako para makatulong sa pamilya.

Habang naglalakad ako papunta sa kinaroroonan ng mga customer ay napatingin ako sa paboritong upuan ni zack, kada punta niya dito diyan talaga siya umuupo.

"Himala wala siya ngayon, busy kaya siya?" Nakangiwing tanong ko sa sarili ko

Kinabukasan ay ganon parin ang ginawa ko hindi parin ako pumasok sa paaralan, paglalabas ko ng bahay ay agad akong dumiritso sa karenderya at pagsapit sa 5pm ay sa restaurant naman ang destinasyon ko.

****

Masama ang tingin ni angela sakin akala mo kung anong atrasong nagawa mo sa kanya.

"Hoy anong nangyayari sayo bakit dalawang araw kang absent ha?" yan agad ang bungad ng umaga, pagdating ko sa paaralan.

"Pinuntahan din kita sa boarding house mo wala ka don" dagdag niya.

Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala kahit na medyo madaldal siya, hindi lang medyo, madaldal talaga... kahit ganon siya mapag-alaga at mapagmahal naman siyang kaibigan nasasandalan din namin siya kapag may problema kami ni riabel pagdating sa pera man o sa ibang bagay pero minsan talaga inililihim ko nalang talaga ang problema ko sa kanilang dalawa lalo na kapag pera na ang kailangan ko, nakakahiya kasi eh lalo na kapag binibigyan kana nila yung tipong parang nagpapalimos ka nalang para may makain ka.

Malapad akong ngumiti sa kanya at inilapag ang bag sa upuan ko "Nagtatrabaho lang ako, kailangan talaga eh" nakangiting sagot ko sa nag-aalalang tanong niya.

"May problema kaba sabihan mo lang ako, baka makatulong ako.... kailangan mo ba ng pera? Bibigyan kita malaki naman allowance ko hahatian kita" sabi niya habang hinihimas ang aking buhok.

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now