CHAPTER 5

12 1 0
                                    

Kabanata 5

Papalapit na si riabel samin, nakangiti siyang tumingin samin "Good morning, where have you been Keira? Bakit absent ka ng 2 araw?" humarap siya sakin.

"Pumasok ako sa trabaho... Ikaw bakit wala ka kahapon at nong isang araw? May nangyayari ba? Nasabi din sakin ni angela na may malalim kang iniisip kahapon.. may problema kaba?" malumay ngunit nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya samin "Okay na ako, wag niyo na akong alalahani—

Pinutol ni angela ang sinabi ni riabel. "Ganyan kanaman palagi eh hindi mo sinasabing may problema ka lagi mo nalang tinatago samin paano kami nakakatulong sayo kung hindi namin alam ang problema mo?" Nagtatampong saad niya.

"Okay lang talaga ako, nagkaproblema lang ng konti pero na solve din naman kaagad, kaya wag na kayong mag-alala sakin" ngumiti nalang ito sa amin.

Nagulat ako ng may sumigaw na isang kaklase ko "Keep quiet everyone Mr. Zackelthon Rivera is on the way" sigaw ng isa kung kaklasing lalaki.

While my other girls classmate squeaked in excitement, of course makikita na daw nila ang hot na architecture student.

I heard them talking about Zack "You know what gwapo na sana si zack eh masungit lang" sabi ng isa kong kaklasing babae.

Sinapak naman ito ng isa pang babae at sinabihang "Bagay ang kasungitan niya sa katawan niyang hot"

"Kung siya talaga maging boyfriend ko nako sasambahin ko talaga siya kahit di siya santo" tili ng isang Kong kaklase, halatang may gusto kay zack, sabagay gwapo naman si zack matangkad, matalino, mayaman, pero masungit nga lang.

"Anong klasing pagsamba ang gagawin mo aber" taas kilay na tanong ng kaklase kong bakla.

"Sasambahin ko siya, aalagaan, mamahalin, papakainin, yuyukuan at syempre luluhuran" agad na sagot ng kaklase ko sa baklang nagtanong sa kanya.

"Alam mo malalandi talaga yan sila, narinig mo yun papakainin yuyukuan at luluhuran gagi talandi talaga" nakasimangot na saad ni angela habang si riabel naman nakangisi lang habang pinagmamasdan kami.

Sinapak ko naman ang balikat ni angela baka marinig pa kami ng mga taong yun.

"Ano kaba aalagaan ng eh, syempre magse serve siya sa tao para maalagaan niya, ikaw naman kasi kung ano-anong pumapasok diyan sa isip mo"

"Totoo naman ah" defensive niyang sagot.

Hindi ko nalang pinansin ang pinagsasabi ni angela, dumako ang tingin ko sa pintoan nang may isang familiar na lalaking pumasok sa classroom namin.

Nakatingin siya sa akin ganon parin walang emosyo ang mga mata niya, pero randam ko ang pag aalala sa kanyang mukha.

Hindi niya parin inalis ang tingin niya sa akin kaya naman ako na ang umiwas ng tingin sa kanya.

I heard his baritone voice "Good morning everyone since we're done taking a quiz and oral mag relax muna kayo, walang klase ngayon".

Laking tuwa naman ng mga lalaki kong kaklase dahil sa wakas may oras na rin silang makapag online games, samantalamg ang mga babae at ang mga kakaibabe naman ay napabuntung-hininga nalang nanghihinayang sila na hindi makakalecture ang sinasamba nilang si zack.

In the mean time i was thinking that I need to talk to him as soon as possible, to explain and ask him a second chance, a favor para makapagquiz at oral ako.

I was about to open my mouth to speak when I heard him saying "Settle down everyone I have an important announcement... prof Borja will come back tomorrow it means I will not  around since I am only her substitute.... and also I would like to thank everyone because some of you are cooperative and fast learner. Thank you again guyses!!" nakangiti siya ngayon pero wala paring emosyon ang mukha niya.

Akmang tatayo na ako para kausapin siya nang bigla nalang niyang tinawag ang apelyido ko.

"Ms. Castillo"

"Ye— he cut me off

"We need to talk outside" sabi niya't kinuha ang cellphone niya sa teacher's table.

"Okay" kinakabahang sagot ko, baka kasi hindi na niya ako ipa take ng quiz at oral.

Nakatingin siya sa akin na parang may tinatanong ang kanyang mga mata niya.

"Follow me"

Walang akong masabi kaya tumango nalang ako at tiningnan sina angela at riabel, ngumiti lang si riabel sakin habang pilyo din namang ngumiti si angela halatang nang aasar.

Tumingin at kumindat pa ito "Goodluck Keira galingan mo ha" halatang pinaringgan niya ang mga kaklase naming may crush kay zack, halatang nang aasar din siya, inirapan ko lang siya at dali dali na akong sumunod kay zack.

Tahimik lang kaming naglalakad, sinusundan ko lang siya, hanggang sa diko na natiis ang katahimikang bumabalot sa amin.

"Ano bang pag uusapan natin?" Pagbasag ko sa katahimikang bumabalot sa paligid namin.

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako "Where have you been last 2 days?"

Napakamot ako saking ulo habang nagsasalita "Nagtatrabaho kasi ako sobrang gipit na kasi ako ngayon kailangan kong magpadala nang pera sa probinsya" diri diritso kong sabi.

"Bakit ikaw ang nagtatrabaho instead of your parents?" nakakunot noong tanong niya.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya, nahihiya akong sabihin lalo na sa ibang tao na hindi maganda ang trato sakin ng sarili kong pamilya.

Alam kong naghihintay parin siya sa sagot ko pero hindi na ako kumibo pa at yumuko nalang.

Tumalikod na siya sakin "Follow me and you can take your quiz and oral in Prof. Borja's Office".

Sumunod agad ako sa kanya at pumapasok na kami sa office ni Prof Borja.

"Take a sit" he uttered

Umupo naman agad ako at pina oral na niya ako mabuti naman naka sagot ako, pagkatapos pina quiz na niya ako. Hindi pa ako nakadala ng ballpen hayst.

"May ballpen ka pwedeng makahiram hindi ko kasi nadala yung ballpen ko" kinuha naman niya agad ang ballpen na nasa table at agad niyang binigay sakin.

Habang sinasagutan ko ang mga questions na nasa bondpaper feel ko may nakatingin sakin kaya agad ko namang tiningnan yung direksyon na yon, pero mali ako hindi pala siya nakatingin sakin, nakaupo lang siya sa swivel chair habang nagtitipa sa cellphone niya. Binalik ko ang tingin ko sa sinasagutan kong quiz.

Natapos ko nang sagutan ang quiz akmang tatayo na ako ng biglang nagsalita siya "Are you done?" tanong niyang habang nakatutok parin siya sa cellphone niya.

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya "Oo tapos nako"

Akmang aalis na ako ng biglang hinuli niya ang palapulsuhan ko "Were not done yet" walang emosyong sabi niya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pakirandam ko kahit anong oras sasabog ako "Bakit?" kinakabahang tanong ko sa kanya, ramdam ko parin ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Binitawan na niya ang kamay ko na pinapawisan na. "Look at this picture.. do you know him?" hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon, hindi ko naman kilala yang lalaking yan.

"Bakit? Crush mo siya? Hindi ko kilala yan eh hindi kita natutulungan sa kanya kung may binabalak kang ligawan siya" tawang tawa kong sagot sa kanya, sayang kagwapohan lalaki din yung gusto HAHAHAHA.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko "What do you think of me? I'm not gay" inis niyang sabi.

"Hindi ba? Nagdedeny kapa huli ka naman wag kang mag alala wala akong pagsasabihan na bakla ka" asar ko siyang tiningnan.

A/N: Happy Reading!!!

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now