CHAPTER 9

7 1 0
                                    

Kabanata 9

Nakasakay na ako sa tricycle pero iniisip ko parin ang nasaksihan ni aling Myrna na pinatulog ko sa boarding house si Zack, natatakot ako baka isumbong niya ako ni nanay at tatay suguradong bugbog sarado ang abot ko sa kanila. Isa pa hindi parin nila alam na nag-aaral ako dito.

Ayaw na nila akong paaralin kaya gumawa ako ng paraan para makapag aral at heto sinuwerte naman kaya nakapasok sa scholar. Si aling Myrna kasi kababata ni nanay sobrang close din nila sa isa't- isa, pero lumipat sina aling Myrna ng bahay dito sa Cagayan siya rin ang nagsabi kay nanay na may paupahan, at maraming trabaho na mahahap dito.

Ipinagdasal ko nalang talaga na hindi niya sasabihin kay nanay na may pinatuloy akong lalaki sa inuupahan ko, suguradong sampal ang aabutin ko.

Ayaw pa nila akong magkaboyfried hanggang hindi ko raw maiahon ang pamilya ko sa kahirapan, at ayaw ko naman silang biguin kaya heto ako single parin hanggang ngayon NBSB pa.

Nagmamadali akong pumasok baka ma late na naman ako ngayon, kakabalik pa naman ni Prof. Borja kaya bawal akong ma late.

Nakabalik na nga si Prof. Borja ngayon siya na ulit ang nag lecture sa amin, habang nagdediscuss siya nakatuon lang ang mga mata niya sa akin, ngumiti pa ito hindi ko alam kung may nangyari ba o baka may mali akong nagawa sa kanya. Natapos nalang ang time niya sa amin pero nakatutok parin yung mata niya sa akin.

Ako nalang ang umiwas sa tingin naiilang na kasi ako.

"Class dismissed" Prof. Borja declare

Kinuha ko agad ang bag at cellphone ko.

It's already 12noon lunch break na namin kaya papunta na kami nina Angela at Riabel sa cafeteria.

Akmang aalis na kami nang biglang nagsalita si Prof

"May I talk to you Ms. Castillo?" Nakangiting tanong ni prof

Pagkasabi niya'y kinabahan agad ako, kaya pala tutok na tutok siya sa akin kanina, ano ba kasing nagawa kong mali? hayst

Ngumiti naman agad ako at tumango sa kanya. "Okay po"

Dumako naman ang tingin ko kina Angela at Riabel na nakatingin din sakin. "Mauna na kayo susunod ako" pagpapaalam ko sa kanila.

Tumango naman ang dalawa sakin sinundan ko sila ng tingin hanggang sa pinto habang si prof naman ay nakatingin parin sakin.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "May nagawa po ba akong mali prof?" diritsahang tanong ko sa kanya. Ngumiti parin ako sa kanya pero deep inside kinakabahan na talaga ako. "Ano kayang nagawa ko, jusko naman po wag naman po sana akong mapagalitan" bulong ko sa isipan ko.

Napangiti siya sa tanong ko, hindi ko talaga anong nangyayari bakit ako kinausap ni prof. "Wala ka namang maling nagawa, may itatanong lang sana ako sayo, kumalma ka muna"

Halaka kahit nakangiti ako sa harap niya randam niya parin na kinakabahan ako grabe talaga tong si prof.

Kinagat ko nalang ang pang ibabang labi ko. "Ano po yung itatanong niyo?"

"About you and Zack"

"Ay mali po yang iniisip niyo, kung akala niyo po may relasyon kami, wala po... Wala po talaga." Sobrang defensive kong sagot.

Ano ba naman tong issue nato kasalanan talaga to ni Angela eh siya yung pasimuno sa isyung to

"That's not what I mean" sagot niya

Napangiti naman ako sa sinabi ni prof. "Salamat naman at hindi tungkol sa lalaking yun ang pag uusapan namin" nakangiting iniisip ko.

"Pero parang ganon na nga" biglaang sabi niya.

Napawi naman agad ang ngiti ko sa labi, ang akala ko talaga walang kinalaman to sa lalaking yun. "Kainis talaga yung lalaking yun" inis kong iniisip.

"What's your relationship with Zack?" Nakatanga lang si prof na nakatingin sakin alam kung hinihintay niya ang sagot ko.

"Actually prof siya po ang may-ari sa restaurant na pinagtatrabahoan ko" diritsahang sagot ko

Tumango tango naman si prof. "Uhm but it seems like he's concerned with you is that normal? Concerned boss to his employee? Interested..." Pilyong ngiti niya.

"My rules is my rules if you are not around in my class and nag quiz or oral ako hinding hindi ako nagbibigay ng second chance lalo na kapag walang valid reason. And you're 2 days absent and wala kang binigay na excuse letter or kahit message lang sa akin or sa mga classmate mo.... you're absent that day and no one knows kung anong nangyayari sayo" pagpapatuloy niya.

Hindi ako makatingin ng tuwid kay prof nahihiya ako sa kanya because it looks like she question how would I take the quiz and oral if I am not around that day...basta hindi ko alam yang rules ni prof pinatake naman agad ako ni zack sa quiz and oral without knowing na may rules pala si prof, or baka pati si Zack hindi alam ang rules nato.

"Uhm kasi po prof nagtr— she cut me off

"My question here is if you are not his girlfriend, what's happening between of you?"

Agad ko namang hinarap si prof. Nanlaki naman ang mag mata ko sa narinig ko "Jusko naman wala naman kaming relasyon tapos may mangyayari pa?"

Agad ko namang sinagot ang tanong ni prof. "Wala.... Wala po, boss ko lang po talaga si Zack"

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sakin. "No relationship or feelings involved between of you?"

Tumango tango ako sa kanya. "Wala po"

Nakatingin lang siya sakin parang hindi naniniwala sa mga sinabi ko.

"But I think he like you" professor borja said.

Di ako makapaniwala sa sinabi ni prof, may gusto daw sakin so Zack?. "Ha? Ahm N-nagkakamali po kayo prof" nauutal kong sabi.

Ngumiti si prof sakin, ngiting mapang asar.  "I'm serious, magmamakaawa ba siya sakin na bigyan ka ng second chance if wala siyang nararamdaman para sayo? That's unbelievable! Isa pa ngayon ko lang nakitang concerned yung pinsan ko sa babae, actually simula nong namatay si dad hindi na masyadong nagsasalita si Zack nawala na yung dating Zack na ubod ng daldal, sobrang close sila ni dad kaya nong namatay si dad naging introvert na yang si Zack" malungkot na kwento ni prof.

Tatanungin ko pa sana siya eh kung anong ikinamatay nang daddy niya, kaso ayaw ko namang makialam sa personal na buhay.

"Baka po naawa lang si Zack sakin" pagdadahilan ko. Alam kong naawa lang talaga si Zack sakin alam naman niya na nagtatrabaho ako para sa pamilya ko at may personal na pangangailangan pa.

Umiling naman si prof sakin. "No that's not the reason... You changed him, and sometimes he talk to me about you and your academic performance here in school, alam mo bang first time niyang nakapagkwento ng babae sa akin.... This is really a first time, naging madaldal narin siya minsan"

Hindi ako makapaniwalang naikwento ako ni Zack kay prof. "Naikwento niya po ako sa inyo?" Di makapaniwalang tanong ko.

Ngumisi at tumango naman agad si prof sakin. "Yeah and you will find out soon if Zack is truly in love with you"

"That's all keep doing what you've started, I like you for my cousin" tinapik niya ang balikat  ko at umalis.

Habang ako nakatulala paring naiwan dito sa classroom mabuti naman wala akong classmate na naiwan dito at kami lang dalawa ni prof ang nakakarinig sa pinag uusapan namin, baka kasi kapag narinig yun ng mga kaklase kong babae sigurado akong malalagot ako sa kanila, Sasambahin pa naman nila si Zack.

A/N: Happy Reading!!!

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now