CHAPTER 20

1 0 0
                                    

Kabanata 20

Ang sarap pala sa pakiramdam na may tao paring nagkakagusto sayo kahit ang hirap ng sitwasyon mo, na may tatanggap parin sayo sa kabila ng pinagdadaanan mo.

Wala akong naisagot sa mga sinabi ni Zack, kung titingnan ang mga mata niya ay sobrang seryoso nito.

"Will you?.... Please" tanong niya

Napabuntung-hininga nalang ako mukhang hindi talaga ako makakawala sa kanya Lalo na't  may kondisyon siyang dapat kung sundin.

I sighed. "Oo na basta wag kang masyadong makulit at tigil tigilan mo yang pagtawag mo sakin ng sweetheart nayan... Okay?"

"Ayaw mo sa sweetheart? Ano bang gusto mo? Babe? Honey? Love? Darling? or Baby? ano pili kalang" pilyo niyang ngiti.

Hindi ko alam kung bakit pero parang ang cringe pakinggan.

"Pwede bang pangalan nalang" suggest ko

"Hindi pwede maraming tumatawag sayo niyan, gusto ko ako lang ang tatawagan sayo kaya sweetheart nalang" ngiti ngiti pa ang potik

"Hindi mo naman ako asawa, fiancee or girlfriend mo kaya tigil tigilan mo yang sweetheart na yan!" inis kong tugon

"Diyan din naman tayo papunta sweetheart, I swear.." he chuckled

"What do you mean?"

"Papakasalan kita" he uttered

When I heard that two words I immediately blinked my eyes, hindi ko alam kung si Zack ba talaga yung nagsalita, nagkamali lang ba ako ng dinig or baka nagdedaydream lang ako.

"H-ha?"

"I said I will marry you, but for now liligawan muna kita" pabulong niyang sabi.

Tama pala ang narinig ko hindi pala ako nagdedaydream or nagkamali ng dinig kanina, it was him, nagsasabing papakasalan ako

Muntik na akong mabulunan. "Kumain na tayo" pag iiba ko ng usapan.

Pagkatapos naming kumain ay namasyal kami sa arcade ang saya, sobra hindi ko to na experience noong bata pa ako kaya parang na iignorante ako.

"Pagmakashoot ako makikipagdate ka sakin sa Tuesday" saad niya.

Hawak hawak niya ang bola ng basketball ngayon.

Palagi kong iniisip what if bigyan ko kaya ng chance si zack wala naman sigurong mawawala kung e try ko.

Tumawa lang ako.

"Hindi ako nagbibiro sweetheart, Ano deal?"

Tumango lang ako.

I'm not surprised kung magaling man si Zack sa basketball mahilig din kasi siya don and captain ball pa siya, although sobrang cold ang pakikitungo niya sa mga kasamahan niya except sa kaibigan niya. Wala parin silang magawa kasi malaki tiwala ng coach nila kay Zack.

And of course that deal end up with date on tuesday, panalo siya eh

Bukod sa gusto ko siyang bigyan nang pagkakataon dahil sa binigay niyang pera kay nanay, gusto ko rin siyang makilala ng lubusan, alam kong mabait siyang tao kaya deserve niya ng chance.

****

Monday 9:24 pm nag chat si Zack sakin.

Zackelthon:

Good evening sweetheart💗

7:40 am kita pupuntahan diyan bukas

Kiera:

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now