CHAPTER 22

0 0 0
                                    

Kabanata 22

"Pero walang papantay sa loverboy natin na si Zack"

Bwesit sigurado akong pagtitripan talaga ako ng mga mokong nato panigurado.

Naiinis ako kapag inaasar nila ako, ayoko ko talagang inaasar ang dali kong magalit shit!

"Naka score kanaba Zack" pang aasar sakin ni Kavin.

"Shut the fuck dude" galit kong bulyaw

Talagang ginagaya nila ako sa kanila bwesit! Kahit maganda at sexy si Kiera hinding hindi ko siya ikakama 'yon ang pangako ko sa sarili ko, ang gusto ko lang ay makagante.

Pumunta agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit pagkabalik ko sa sala ay nagmamadaling nagsuot na nang sapatos si Kinn.

"Saan ka pupunta? Kinn hoy?!"

Humarap naman ito sa amin. "May susuyuin lang ako" pagkasabi'y umalis na ito.

"Ako din pala may lakad pa, balik nalang ako mamaya or bukas" sambit ni Kavin

"Kahit di kana bumalik mambabae ka lang don ubusin mo lahat wala kaming pake" inis kong saad.

"Sige ba pati 'yong bebe mo aakitin  ko ha" tawa niya.

Tawang tawa naman si Zeke sa reaksiyon ko.

"Fuck you Kavin, subukan mo lang mamamaga talaga yang bagang mo!" galit na sumbat ko

Mas lalong lumakas ang tawa ni Zeke napatili naman si Kavin. "Sabi ko nga poprotektahan ko yong babae mo" ngumiti ito pagkatapos ay tinalikuran na kami at umalis.

Kaming dalawa lang ni Zeke ang natira dito sa condo ko, may balak akong sabihin sa kanya ang plano ko para kahit papano may katuwang ako sa lahat at para mabawasan narin ang pang aasar niya sakin.

"Talagang seryoso ka diyan sa empleyado mo ha" he uttered.  "At talagang sobrang napaka protective mo sa kanya huh" he added.

Fuck pano ko ba sisimulan ang pagsasabi sa kanya tungkol sa mga plano ko?

"Tigil tigilan mo na nga yang pang aasar mo hindi yan nakakatuwa" I uttered.

"Nagtatanong lang naman ak—

"You need to know something important dude, wag kang puro asar diyan"

"Anong kailangan kong malaman?" Taas kilay niyang tanong

"Si Kiera ang nawawalang anak ng mag asawang Villa Rica"

"W-what? Are you s-sure??" Gulat niyang reaksiyon.

I nodded.

"So anong plano mo ngayon, itutuloy mo ba ang panliligaw sa prinsisa ng Villa Rica?" kunot noo niyang tanong.

I stared at him. "Simula palang nong una alam ko na anak siya ng mga Villa Rica"

He creased his forehead. "The fuck! Pero bakit dimo pinigilan ang nararamdaman mo, dude remember sila 'yong pumatay sa tito mo! Habang hindi pa malala ang sitwasyon layuan mo na 'yang babaeng 'yan" advice niya.

I laughed. "That's why I need to clarify this situation, sa tingin mo magugustuhan ko ang anak ng mamamatay tao? Simula palang noong una nalaman ko na anak si Kiera ng mga taong 'yon binalak ko na agad na ligawan at utuin siya dude, gagamitin ko siya laban sa pamilya niya alam 'kong sinisimulan na nilang pabagsakin ang mga company natin kaya gumagawa nadin ako ng paraan para mapigilan sila sa ginagawa nila at ang naisipan  kong si Kiera ang makapagpigil 'don.

"Liligawan ko si Kiera at syempre papakasalan ko, pagkatapos ipakilala ko na si Kiera sa mga kaaway o kaibigan natin sa business para din makilala na siya ng mga magulang niya. I know madudurog ang mga Villa Rica kapag nalaman nilang ang kaisa isahang babaeng anak nila ay kinasal sa 'kin, kaya wag kang mag alala dude hindi ako mahuhulog sa babaeng 'yon kaya tigil tigilan mo yang pang aasar mo dahil hindi talaga nakakatuwa okay" I added.

Nakatulala siyang tumingin sakin alam 'kong nagulat siya sa mga plano ko.

"Susuportahan kita diyan gusto ko rin makatulong sa 'yo at para mabigyan na din ng justice ang pagkamatay ng Tito mo, but dude what if mahulog ka sa kanya?" Nag aalalang boses nito.

I laughed.

"Pero bakit concern ka sa kanya kung gagamitin mo lang pala siya?"

"Syempre kailangan kong ipakita na concerned ako sa kanya para mahulog siya sa 'kin, para mas lalong lumalim ang nararamdaman niya para sa 'kin" I chuckled.

"Pero bakit nagagalit ka kapag lumalapit sa kanya 'yong tourism student ha?" Nang aasar niyang boses.

I glared at him. "Syempre ayokong masira ang plano ko, but about Kiera she's nothing for me"

Tang in* nagawa pa talaga niyang mang asar kainis.

Tumawa lang siya. "Fine, but be careful lang baka mahulog ka" he chuckled.

Napailing nalang ako.

"Speaking of that tourism student anong balita mo sa investigation mo sa unggoy na 'yon"  I stared at him.

"Muntik ko nang nakalimotan shit"

"What's news about him?"

"Dude anak siya ng mga Mondalla kaibigan ng parents natin ang parents niya hindi lang natin siya kilala dahil hindi siya dumadalo sa mga party kasama family niya dahil busy siya, he's Zemrick Mondalla 19 years old nag iisang anak nina Kresandra Mondalla at Lesthear Mondalla, may sariling business na rin, single pa, bagong transfer lang siya sa Xavier, 1st year college, mahilig sa basketball at ito pa siya ang kababatang kaibigan ni kiera mag kapit bahay sila and naging close narin sa isa't- isa, pero nagkahiwalay lang sila 8 years ago lumipat kasi ng bahay sina zemrick"

Tumango lang ako.

Mayaman din pala ang ka kompetensiya ko.

"Magkababata sa sila dude wag mo siyang pag selosan kakampi natin sila" Zeke said.

Kahit na ayaw kong magtiwala sa zemrick na 'yon.

"Feel ko talaga may gusto siya kay kiera e, alam ko 'yon dude minsan nga tinutulungan niya sa Kiera sa trabaho niya sa karenderya, sa tingin mo kaibigan lang ba talaga kung ganon na 'yong galawan ng tao?" I asked.

Napakamot siya sa buhok niya. "Syempre naman dude magkaibigan nga e, malay mo gusto lang talaga niyang tulungan si Kier—

"Malay mo rin Zeke nililigawan na rin niya diba"

"Tanungin mo si kiera dude, mukhang nagseselos kana e"

"Wtf ako magseselos? Dude wala sa bokabularyo ko 'yon, gusto ko lang masagawa ng maayos mga plano ko"

"Sabi mo 'yan ha"

I nodded.

"Aalis ako dude pupuntahan ko ang nag ampon kay kiera" I uttered

"Sama ako" tugon niya

"Let's go" pagkasabi'y lumabas na kami sa condo at kinuha ko na agad ang kotse ko.

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now