CHAPTER 8

7 1 0
                                    

Kabanata 8

Keira's POV

Nakita ko parang nahihilo si Zack, dali dali ko siyang pinuntahan.

"Anong nangyari? Okay ka lang boss?" Nag aalalang tanong ko

Sinapo niya ang ulo niya. "I'm not, I feel dizzy" nakapikit mata niyang  sabi.

Natataranta na ako kung ano ang gagawin ko baka ano pang mangyari sa kanya ako pa ang mapagbintangan. "Kaya mo pang maglakad? Pasok tayo sa loob" hinawakan ko ang bewang niya at kinuha ko naman ang kamay niya at ipinaakbay sakin.

Napabuntunghininga nalang ako habang hawak ko ang bewang niya. "Wag mong sabihin boss na hindi muna kayang maglakad, hindi kita kayang buhatin" I gasped.

Dali dali kong binuksan ang pinto at agad kong ipaupo si zack at kumuha agad ako ng pamunas sa kanya. Alam na alam ko kung pano  gawin to kasi ako palagi ang nag aalaga sa mga kapatid ko kapag may sakit sila.

"Ang taas ng lagnat mo boss" nag alalang usal ko

Humarap lang siya sakin at tinitigan ako. "Stop calling me boss".

Nagulat naman ako sa narinig ko, minsan ko lang siyang tawaging boss nakasanayan ko na kasi na tawagin siya sa first name niya.

"Eh anong gusto mong itawag ko sayo? Manong driver" natawa kong sabi "Wala namang problema don boss naman talaga kita... Minsan na nga lang kitang matawag na boss eh nakasanayan ko na kasing tawagin ka sa pangalan mo" I added.

"Call me anything you want, basta wag lang yang boss" walang emosyon niyang sabi.

Naisip naman agad ako kung anong itatawag ko sa kanya, ano kaya?

Agad ko siyang hinarap nagkapantay na ang mukha namin. "Uhm donut kaya HAHAHA" tawang tawa kong sabi.

Hindi mo rin alam bakit yun ang naisip ko hindi ko pa talaga na prenohan ang bibig ko't nasabi ko pa agad.

"Donut it means sweet, pero circle yung donut eh baka maging meaning niyan sweetcircle...pero mas okay kung sweetheart nalang" nakangiti niyang sabi halatang nang aasar.

Sumimangot naman agad ako talagang ginawan niya yun ng meaning? Langhiya naman. "Matulog ka na nga ang dami mong alam" inis ko siyang inirapan.

His eyes wide open. "Dito ako matutulog?"

"Sa kalagayan mong yan kaya mo pang mag drive? Jusko naman boss gabi na baka mapano kapa"

"Stop calling me 'boss..." agad naman siyang ngumiti parang may naisip na kalokohan.

"Concerned ka ba sakin sweetheart?" Nakangising tanong niya.

Napapikit nalang ako sa inis hindi ko alam kung anong gagawin ko sa lalaking ito, sobrang taas na nga ng lagnat niya nakuha niya pang mang asar.

"Ano ba hindi ako concerned no.. takot lang akong mapagbintangan kung may mangyaring masama sayo, tsaka pwede ba tigil tigilan mo yang pagtawag mo sakin ng sweetheart..nakakadiring pakinggan" nainis na talaga ako sa kanya, kung wala lang siyang lagnat ngayon baka sinabunotan ko na siya.

"Takot kang mapagbintangan or takot ka lang talaga na may mangyaring masama sakin?" Patuloy niyang pang aasar.

Ano na namang trip niya? Ang hirap talagang magtimpi lalo na kapag ganito ang ugali ng kausap mo.

"Kung ayaw mong matulog dito, edi umalis kana wala naman akong pake sayo eh, basta ha  wag mo akong idamay kapag may mangyaring masama sayo" bulyaw ko sa kanya.

Napabuntung-hininga siya.

"Dito na nga ako natutulog"

Inirapan ko lang siya. "Wag na baka hindi ka sanay sa maliit at maaliwalas na lugar umalis ka nalang dito" Pagtataboy ko sa kanya.

Kani-kanina lang ayaw ko siyang paalisin ngayon ipinagtabuyan ko na siya, pano kasi nakakaasar na e.

"Hindi ko pa kayang umuwi, baka pwedeng makitulog Muna ako dito, hindi naman ako maarte eh, promise hindi ako mag rereklamo" naka promise sign pa.

Nanggigigil talaga ako sa pagmumukha niya ang sarap hampasin Lalo na yung pisngi niyang namumula.

"Sa kwarto ka matulog, dito ako sa sala"

"Dito nalang ako"

"Wag nang matigas ang ulo, sa kwarto kana alam ko namang hindi ka sanay sa sofa matulog" konti nalang talaga mag -aaway na talaga kami ng lalaking to, sobrang tigas ng ulo.

"Diba sabi ko hindi ako maarte, and hindi rin ako mag rereklamo" kalmado pero mariin niyang sabi

Napakatigas talaga konti nalang talaga e hahampasin ko na to. "Don ka na nga sa kwarto may ceiling fan doon wala ring lamok don"

"Per— I cut him off

"Susunod ka sa gusto ko o papalayasin kita? Mamili ka!"

He sighed a defeat. "Okay, saan ba ang kwarto mo?"

Agad ko naman siyang inalalayan papunta sa kwarto ko. Pagkatapos bumalik din agad ako sa sofa at natulog na rin.

It's already 5am in the morning gumising na agad ako at nagluto ng pagkain, buti na lang 8am pa mag start yung klase ko, ewan ko lang kung ano bang oras ang klase ni Zack, speaking of Zack baka hindi pa gising yun, bahala na siyang ma late sa klase niya wala akong pake. Laking gulat ko nalang na may nagsalita na sa likuran ko.

"Good morning sweetheart" bati niya sa akin

Talagang kinareer na niya ang pagtatawag niya sakin ng sweetheart, parang may tupak tong taong to.

Ang aga aga pa nang aasar na lintek, sana pinalayas ko na tong lalaking to kagabi. "Bad mood yata ang sweetheart ko ngayon ah"

Inis ko siyang hinarap. "Tigil tigilan mo yang sweetheart mo na yan ha, hindi nakakatuwa"

Ang lintek nginisihan lang ako.

"I have to go may klase pa ako mamayang 7am" usal niya.

"Pake ko?! Mas mabuti pang lumayas kana nasisira lang yung araw ko sayo" galit na galit kong sabi

Wala akong pake kung boss ko siya, siya nga eh boss ko lang tapos kung makatawag na sweetheart akala mo may karapatan sakin... Wala naman.

Muling nagseryoso ang mukha niya, mukhang na inis sa sinabi ko.

"Thank you sa pag alaga kagabi, bye" pagkasabi'y tumalikod na siya sakin. Pero may isang tanong na naiwan sa utak ko 'Okay na ba siya?'

Naghihintay ako ng tricycle sa labas ng biglang lumapit sakin ang kapitbahay kong si aling Myrna at nagtanong.

"Keira, iha sino yung kasama mo kagabi yung matangkad na lalaki pumasok pa nga kayo sa boarding house mo akbay mo pa siya, shota mo ba yun? Nakita ko rin siyang lumabas kanina sa boarding house mo kanina bandang alas 5 ng umaga?" Nagtatakang tanong niya

Kumunot naman agad ang noo ko, napagtanto ko ring si zack ang tinutukoy ni aling Myrna

"Ah si Zack po yun, boss ko sa boarding house ko na ring po siya pinatulog ang taas kasi nang lagnat niya kagabi" pangungumbinsing sagot ko

Tumango tango nalang si aling Myrna sa sinabi ko. "Ah ganon ba...."

A/N: Happy Reading!!!

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now