CHAPTER 23

0 0 0
                                    

Kabanata 23

Kahit nagdadrive ako ang daldal parin ni Zeke kung ano ano nalang sinasabi.

"Dude, taga saan ba si Kiera?" pagtatanong nito.

"Maramag bukidnon"

"Malayo-layo din pala pupuntahan natin"

Gusto kung puntahan ang family niya para e klaro sa kanila na intresado ako kay kiera, at hihilingin ko rin sa kanila na wag na nilang guluhin si Kiera kapalit ng pera.

"Malayo pa ba?" inip na tanong ni Zeke

"Malapit na tayo, diko alam kung saan bahay nila pero magtatanong tayo"

"K" sagot niya.

Bumaba kami sa sasakyan at nagsimula ng nagtanong- tanong kung saan ang bahay ni Kiera.

"Zack kain muna tayo, nagugutom na ako e"

Tumango ako. "May karenderya doon sa kanto, Tara"

Tumango naman siya at sumunod sakin.

"Good afternoon po, 2 rice nga po tsaka adobong manok at 2 soft drinks po" sabi ni Zeke sa nagseserve ng pagkain.

"Hanep maruno ka nga palang gumalang galing" pinalakpakan ko pa siya.

"Of course mabait ako e, tsaka kailangan ko ring mag practice na maging magalang, dahil next week dadalhin na ako ng girlfriend ko sa bahay nila, ipakikilala ako sa parents and relatives niya, kailangan kong maging magalang no sabi nga ng mga matatanda nakakadagdag pogi points daw kapag magalang ka" ngumiti ito.

Umiling lang ako, iba talaga pag tinamaan kana  talagang hindi ka makakawala.

"Ito na ang order niyo mga iho" sabi ng ale sabay lagay ng mga pagkain na inorder ni Zeke.

"Dayo ba kayo dito? Ngayon ko lang kasi nakita 'yang mga mukha niyo" dagdag nito

Tumango tango naman si Zeke sa matanda at ngumiti.

Tiningnan ko ang matanda mukhang makakatulong siya sa amin.

"Uhm manang may kilala kabang Kiera Castillo dito?" Tanong ko.

"Sinong hinahanap niyo? Si Kiera? Ay matagal tagal na ring umalis dito si Kiera" tugon niya.

So kilala niya talaga si Kiera mabuti naman para may makakapag turo samin kung nasaan ang bahay niya.

"Bakit mo natanong iho, may atraso ba sayo si Kiera? Sa pagkakaalam ko mabait 'yong batang 'yon, pero alam niyo ba palagi nalang siyang binubogbog ng nanay at tatay niya, at ang usap usapan pa binenta ng mag asawa ang anak nilang 'yon para magkapera, pero noon pinagbawalan nila si Kiera na magka boyfriend dahil ang gusto nila magtrabaho lang ng magtrabaho ang anak nila para may pera sila, at ang perang kikitain ni kiera napupunta sa mag asawa, pero alam niyo anong ginagawa ng mag asawa sa pera ng anak nila?... Nako pinangsusugal lang nila.. nakakaawa yong anak nila" anas nito.

Bukod sa pag titindera dito sa karenderya may extrang trabaho din pala 'tong ale nagtatransform din pala into marites.

Alam ni Zeke ang lahat-lahat tungkol kay Kiera pero ang hindi pa niya nalaman na binigyan ko ng pera ang nanay ni kiera, sigurado akong nagtataka na siya ngayon kung sino ang lalaking nakabili kay Kiera.

"Uhm manang may alam po ba kayo kung sino ang lalaking nakabili kay Kiera? At taga saan ito?" Nagtatakang tanong ni Zeke sa ale.

Sinasabi ko na nga ba hindi rin to makapagpigil ng bibig tong kaibigan kong 'to.

"Ang usap-usapan taga syudad ang nakabili kay Kiera hindi ko alam kung taga saan, baka matandang lalaki ang nakabili ng dalagang iyon" tugon ng ale kay Zeke.

Pinapakinggan ko lang ang usapan nilang dalawa.

"Manang alam niyo po ba saan sila nakatira?" Sulpot ko sa usapan nilang dalawa.

Tumango naman ang ale, kumuha pa ng papel at ballpen at dinrowing pa ang location ng bahay nina kiera. "Ito yung basketball court, tapos ito yung bahay na karapat ng court may tindahan na bahay, tapos sa gilid ng bahay nato may daan, diyan kayo dumaan tapos magbilang kayo ng bahay sa ikatlong bahay may daan ulit diyan.. kumanan kayo tapos lumiko at makikita niyo agad ang bahay na semento may sliding window okay.. yan ang bahay nina Kiera" pagpapaliwanag ng ale.

"Thank you manang, ito narin po ang bayad namin, tsaka pwede bang madala tong papel na inisketchan niyo?" Saad ni Zeke

Tumango naman ang ale.

"Ano nga pala ang tunay na pakay niyo kay Kiera?" Kunot noong tanong ng ale.

"May kailangan lang po kami sa family niya" tugon ni Zeke

Kapag magtatagal kami rito sigurado akong magmamarites pa 'tong ale kaya mas mabuti pang umalis na kami dito.

"Dude we need to go" sambit ko

"Manang salamat nga pala ulit, keep the change nalang po" pagkasabi'y nagmamadali itong sumunod sa 'kin

"Dude! Zack hoy!" Tawag niya

Tumakbo naman siya papalapit sakin

"Zack narinig mo ang sabi ng ale?" He gasped

"What?"

"Na binenta si Kiera ng nanay at tatay niya, dude kailangan nating hanapin 'yong lalaking yon" he gasped

"No need, sigurado akong ako 'yong tinutukoy ng ale na nakabili kay Kiera" walang emosyong sabi ko.

Nagulat naman siya sa sinabi ko. "What ikaw ang nakabili kay Kiera? Seriously dude? Pano?"  Kunot noong tanong niya.

"Hanapin muna natin ang bahay nila, wag kang maraming dada diyan, e papaliwanag ko sayo ang lahat pagka uwi natin" wala paring emosyon ang mukha ko.

Tumango lang siya.

"Nandito na 'yong court oh tapos yan 'yong bahay na may tindahan" agad naman pinuntahan ni Zeke ang bahay na 'yon. "Dude dito yong daan" sinundan ko lang siya.

"Ito yong pangatlong bahay may daan din dito oh, dito tayo dumaan" he guided.

Sinundan ko lang ang mga yapak ni Zeke, siya kasi ang may hawak sa inisketch ng ale.

"Dude 'yon na siguro ang bahay nina Kiera". Pagtuturo niya sa bahay na may sliding window.

Tumango tango lang ako.

Para makasigurado ay tinanong ko pa ang isang aleng dumaan.

"Excuse me po, pwedeng magtanong?" Sabi ko sa ale.

Tumango naman ito.

"Saan po ang bahay ni Kiera Castillo?"

"Iyan oh" turo niya sa bahay na sinasabi ni zeke

"Salamat po—

"Mga bata lang ang nandiyan wala din si Kiera diyan, umalis na at nagtrabaho sa syudad at ang mga magulang naman niya ay nandoon sa kanto siguradong nagsusugal na naman 'yon"

Tumango lang si Zeke sa ale

Agad naman naming pinuntahan ang nagsabing kanto ng ale.

Sobrang ingay dito, may mga hawak ma baraha ang mga tao at nagpupustahan din.

"Excuse me po, nandito po ba ang parents ni Kiera Castillo?" Pagtatanong ko sa mga naglalarong ale.

"Anastasia, Ronaldo may naghahanap sa inyo!" sigaw ng isang lalaking ale.

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now