CHAPTER 10

7 1 0
                                    

Kabanata 10

Naglalakad ako papuntang cafeteria nagugutom narin ako. "Nasaan kaya sila? Wala rin naman sa pwesto namin... hayst baka umalis na sila ang tagal din kasi naming nag usap ni prof" kausap ko sa sarili ko.

Napalingon ako sa babaeng sumisigaw. "Keira, girl nandito kami!" boses ni Angela. Kinawayan pa ako.

Agad naman akong napangiti nong nakita ko na sila ang buong akala ko talaga iniwan na sila ako. Tumakbo ako sa direksyon nila.

"Ba't ngayon ka lang?" Kalamadong tanong ni Riabel

"Ang tagal kasi naming natapos sa pag uusap ni prof" hinihingal pa ako sa katatakbo ko

"Umupo kana diyan" usal ni riabel

Umupo agad ako at kinuha ang baon ko sa bag, gutom na gutom na talaga ako, nagugutom narin tong dalawang to kahihintay sakin.

"Kain na tayo" sabi ko sa kanila

Habang kumain ang ingay ingay talaga ni Angela kahit ano anong isyu ang nagpag uusapan namin dahil sa kanya, yung isyu na pinag-uusapan namin umabot nasa mga k drama, anong mangyayari samin pag matanda na kami, anong gagawin namin kapag sinakop na ng china ang pilipinas at iba pa.

"Kapag sinakop ang pilipinas ng china, nako sasama ako kay Kinn sa Japan para don tumira" seryosong boses ni Angela

Nakatitigan naman kami ni Riabel may kalokohan kaming naiisip yun ay asarin namin si Angela.

"Pano naman kami dito, iiwan mo ba kami?" nagpapabebeng tanong ni Riabel

Tumingin samin si Angela.

"Wag na tayong mag expect riabel na isasama pa tayo ni Angela alam mo naman na mahal niya na yung maliligaw niya" pang aasar ko kay Angela.

Nagdilim naman ang tingin ni Angela samin mukhang galit na HAHAHAHA. Alam naman namin ni Riabel na ayaw ni Angela kay Kinn kasi mas gusto niya Australian-Filipino na guy, at yung guy na yon siya yung Law student na crush ni angela since grade 11 pa kami.

"Ano bang pinag usapan niyo ni prof kanina" pag iiba ng usapan ni Angela.

Mukhang ako naman ngayon ang mahihirapan ng situation. "Paano ko ba to sasabihin sa kanila?" Tanong ng isip ko.

Nakatitig lang ang dalawa sakin hinihintay ang sagot ko.

"May tinanong lang si prof"

"Ano?" riabel asked

"About Zack ba?" Angela asked

Pano nalaman ni Angela? Sinabihan pa siya ni prof?. "Paano mo nalaman gel?" Taka ko siyang tinanong.

Nang aasar na naman siya. "So about Zack nga, Tama talaga ang hula ko" pumalakpak pa. "Ang galing ko talaga".

Tumawa naman si riabel sa reaksiyon ni angela.

Kinindatan ako ni angela at agad ko naman siyang inirapan. "Tinatanong ba ni prof kung may relasyon kayo ni Zack?"

Nagtataka na talaga ako ''Pano mo nalaman?''

Tinawanan niya lang ang reaksiyon ko. "Ako pa ang galing ko kayang manghula, tsaka Isa pa may napapansin din si prof sa inyo ni Zack eh, pati din naman ako.. di naman empleyado ang pakikitungo niya sayo, parang iba na, ikaw lang tong di nakakapansin, nagbubulag bulagan kalang dahil ayaw mong magkaboyfried" seryoso niyang saad.

Tiningnan ko ang reaksiyon ni riabel mukhang agree siya sa sinabi ni angela. Tumango tango pa ito.

Hindi naman ako nagbubulag bulagan napansin ko rin naman, pero ayokong umasa lalo na't hindi pa galing sa bibig ni Zack ang salitang yun. Isa pa ayokong ma disappointed sina nanay at tatay sakin. Para sakin napaka impossibleng magustuhan ako ni Zack napakarami kayang babaeng magaganda dito sa university at mayayaman pa, bakit ako eh wala nga akong pera e, kaya imposible talaga!

"Itigil niyo na yang isyu na yan ha, nakakinis na" mariin kong sabi. "Mas mabuti pang bumalik na tayo sa classroom".  Agad naman kaming nagsitayuan at umalis.

Nagsiuwian nalang kami pero hindi parin natapos si angela sa pang aasar sakin, baka daw mabalitaan nalang nila na boyfriend ko na si Zack.

Kahit nasa trabaho na ako iniisip ko parin ang sinabi ni angela. "Wag kang magpakipot kung liligawan kana ni Zack, sagutin mo agad para maka experience ka kung anong feeling ng may boyfriend".

Hindi talaga ma alis alis sa isipan ko yon. "Kasalanan talaga to ni Zack ayan tuloy na issue na kami" bulong ko sa hangin.

"Zackelthon Miguel Rivera nakakainis ka talaga!" sigaw ko.

Domoble naman ang kabog ng diddib ko nang may narinig akong nagsasalita sa likuran ko. "Talaga ba sweetheart, anong nagawa kong mali?" nagpapabebe niyang tanong.

Ano ba naman to sobrang gwapo parin, kahit nagpapababy nako naman....pero nakakainis lang baka nga siya pa maging cause of death ko dahil sa pang aasar niya, pati narin yung mga kaibigan kong wala ibang ginawa kundi mang asar lang sakin buong araw.

Hindi na ako na hiya no totoong nakakainis na siya talaga.

Kahit nakatalikod ako alam ko na si Zack ang nagsalita, kahit kailan wala pa ni isa nakatawag sa akin ng sweetheart no, siya lang talaga.

Hinarap ko siya at inismiran. "Bakit nandito ka?"

"Syempre kailangan kong suyuin ang sweetheart ko mukhang nagalit sakin eh" nakangiti niyang sabi.

Talaga lang ha noong una naging mix signal siya tapos ngayon biglang naging sweetheart ko?

"Bos— hoy zack umayos ka nga na issue na nga tayo sa school ganyan pa ang inasal mo?" bulyaw ko sa kanya.

Napakamot nalang siya sa ulo niya nang nahalatang galit na galit na ako sa kanya.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Anong problema?"

Ito na naman sya guys seryoso na naman, parang gusto ko nang ibalik yung Zack na makulit at mapang asar.

Bumuntonghininga ako. "Ikaw! Ikaw yung problema, Tinanong ako kanina ni prof. Borja kung anong mayroon sa atin...sinabi ko naman sa kanya na wala tayong relasyon pero ayaw niyang maniwala...dumagdag pa yung mga kaibigan ko, inaasar nalang ako maghapon".

Nababahala na rin ako baka malaman to ng pamilya ko, talagang ipapauwi nila ako sa probinsya.

Nakapamulsa siya sa short niya. "So what do you want me to do?" seryosong tanong niya.

"Gusto kong ikaw mismo ang magsabi kay prof na wala tayong relasyon para maniwala siya" I pouted. "Tapos tigilan mo na yang pagtawag mo sakin ng sweetheart na yan, mas lalong lumala ang sitwasyon pag may makarinig na tawagin mo ako ng ganyan". I added

Pilyo lang siyang ngumiti sakin. "What if hindi ko gagawin yan, what would you do to me?"

"Kapag hindi mo yun ginawa, ipapakulam kita"

"Really sweetheart, you will do that against me?" Pagkasabi'y tumawa siya

Kahit siguro ipapakulong ko tong taong to hindi hindi nya siguro ako tatantanan. Nakakainis na!!!

"Oo talaga kaya kung ako pa sayo, tigil tigilan mo na ako" nakacross ang kamay ko habang kinakausap siya, parang bata ko siyang pinagalitan.

He answered my statement with a little smirked on his face and he hold my hand. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa yapak niya baka kasi kong hindi ako gumalaw kaladkarin niya ako.

"Saan ba tayo pupunta?!" Galit kong bulyaw.

Hawak hawak niya parin ang kamay ko. "Saan paba, edi sa boarding house mo"

A/N: Happy Reading!!!

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now