CHAPTER 6

7 1 0
                                    

Kabanata 6

Alam kong galit na galit na siya pero patuloy ko parin siyang inaasar. "I said I'm not a gay do you understand?" inis niyang sabi.

"Tayong dalawa lang naman nakakaalam eh, wag kang mag alala hindi ko ipagkakalat sa school na bakla ka" patuloy kong pang aasar sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang galit nagdilim na rin ang mga mata niya habang nakatingin sakin. "Anong gusto mong gawin ko para mapatunayan kong hindi ako bakla" taas kilay niyang sabi.

Tumawa lang ako "Wag kanang mahiya hindi lang naman ikaw ang bakla sa mundo marami naman kayo, kung kailangan mo ang tulong ko syempre tutulungan kita kahit ano boss kit— he cut me off with his kiss.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya siniil niya ako ng mainit na halik, mabango rin ang hininga niya gulat at natulala ako sa ginawang paghalik niya sakin.

Bakit niya ako hinalikan? Para ano patunayan na hindi siya bakla?!

Minsan talaga napapahamak tayo dahil sa kadaldalan natin, at itong si Zack naman hindi mabiro.

Kahit na aircon tong office ni Prof. Borja pinagpapawisan parin ako pati kamay ko. Akmang itutulak ko siya nang higpitan niya ang pagkapit sa batok ko, wala akong nagawa kundi hayaan siya masyado siyang malakas at ma pwersa kaya hinayaan ko lang siya hanggat siya na mismo ang tumigil.

Nakayuko ako at hindi makatingin ng tuwid sa kanya. Kumuyom ang mga palad ko at nanagis ang ngipin. Namumula ang buong mukha ko hanggang leeg ko.

"Sorry" mahina at malumanay niyang boses.

Dali dali kong nilagay sa table ang ballpen na hiniram ko sa kanya "I- I must go n-now" dali dali akong lumabas sa office at bumalik sa classroom, hanggang ngayon tulala at diparin ako nakapaniwala sa nangyari.

———————

Zackelthon's POV

Naiwan akong mag-isa sa office umupo ako ulit sa swivel chair at hinagod ang mga daliri, tulala akong nakatitig sa ceiling habang iniisip parin ang nangyari.

"Bakla ba talaga ako sa paningin niya?.... Yan tuloy diko napigilan sarili ko napasarap pa ang halik ko sa kanya.. nakakainis din naman kasi ang mga pinagsasabi niya.. sa lahat talaga ng mga taong nakilala ko siya lang talaga ang nag lakas loob na sabihing bakla ako" inis kong tanong sa sarili.

Naalala ko bigla ang dahilan kung bakit absent siya sa loob ng 2 araw, nong nakita ko ang mga message sa kanya ng mga magulang niya agad kong pina-imbestigahan kung ano ang buhay niya noon, nalaman ko din na hindi maaayos ang trato sa kanya ng mga magulang niya. Ang masaklap pa ay hindi alam ni keira na adopted lang siya kaya naman ganon ganon nalang ang trato ng pamilya niya sa kanya.

Wala rin akong balak sabihin sa kanya na adopted lang siya at matagal na siyang hinahanap ng mga tunay niyang magulang bunso si keira sa 4 na anak ni Mr and Mrs. Villa Rica isa sa mga kaagaw ng pamilya ko pagdating sa business world.

Mahigpit na ipinagbabawal ang relasyon noon ng mag asawang Villa Rica dahil magka away din ang mga pamilya nila sa business, kaya nong nalaman ng pamilya nila ay agad silang ipinaghiwalay pero nagbunga na ang kanilang patagong relasyon may 4 na anak na si Mrs. Villa Rica sa panahong yun 3 months old palang si Kiera non nang ipinagkatiwala siya sa isang maid nila na ngayo'y naging nanay nanayan na ni Keira.

Halos 18 taon naring pina ampon si Keira ng mommy niya and almost 11 years naring hinahanap ng mag asawang Villa Rica ang bunsong anak nila. Wala narin silang kontak sa maid nila noon na umampon sa anak nila kaya hanggang hindi pa nila naghahanap ang anak nila, Nagkabalikan ang mommy at daddy ni Keira pero maraming pagsubok pa ang pinagdaanan nila pinatunayan naman nang mag asawa ang kanilang pagmamahalan at tinalikuran ang business at pamilya nila binuo ulit nila ang kanilang pamilya.

Yung picture na pinakita ko kanina kay Kiera na naging dahilan kung bakit nahalikan ko siya, siya yung panganay na anak ng mag asawang Villa Rica, mukhang hindi kilala ni Kiera ang tunay niyang pamilya.

Noong nalaman ko yun binalak ko agad na gamitin si Kiera laban sa pamilya niya, kaya hanggat hindi niya pa kilala ang tunay na pamilya niya, paiikotin ko muna siya sa mga kamay ko para makuha ko tiwala niya at ang mauto ang natatanging prinsisa ng mag asawang Villa Rica.

May balak akong pabagsakin ang kompanya nila at magpapalimos nalang sa daan, Gusto kong igante ang tito ko na walang awang pinatay ng lolo ni kiera na si Don. Louis gusto kong maramdaman nila kung ano ang pakiramdam na mamatayan at gawing ka awa awa sa harap ng maraming tao, gusto kong maramdaman at maranasan nila ang mga hinanakit na naranasan namin ng pamilya ko.

———————

Keira's POV

I was so embarrassed about what happened earlier dahil sa kakulitan at kadaldalan ko.

Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ako gusto kong sumigaw, manapak at manununtok dahil sa kahihiyang nangyari. It was all my fault kung bakit nangyari yun "kung hindi ko sana siya inasar hindi sana nangyari yun" padabog kong salita.

Nandito ako ngayon sa restaurant nagduduty na it's already 6pm, hanggang ngayon hindi parin ako naka move on sa nangyari kanina, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pag nagkita kami.

"Hoy anong nangyari sayo bakit kinakausap mo yang sarili mo" sigaw ng manager namin na si Ms. Audrey. Sasagot na sana ako ng biglang....

"What happened here?" baritonong boses ang narinig ko.

Kinamot ni Ms. Audrey ang ulo niya at sinabing "Ito kasing si kiera boss kinakausap ang sarili sabi niya kung hindi niya raw sana inasar hindi raw sana nangyari yun" kunot noo niyang sabi.

Walang ka alam alam si Ms. Audrey sa nangyayari, mukhang na gets naman agad ni zack ang sinasabi ni Ms. Audrey, Mas lalo akong nahiya sa kanya, nagsimula nang namula ang mukha ko.

Hinarap naman ako ni zack "Can we talk?" Taas kilay niyang tanong.

Ano na namang trip niya? Hindi ba siya nahihiya sa nangyari kanina? Ako lang ba ang nahihiya saming dalawa? Kapal niya talaga.

Tumikhim ako "Sir may trabaho pa po ako marami din pong customer" nang may isang customer na kumaway. "Waitress".

A/N: Happy Reading!!!

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now