CHAPTER 14

13 1 0
                                    

Kabanata 14

Trigger warning: Physical Abuse

Naisip ko naman agad kung ano ang reaksiyon ni zack sa nasaksihan niya, kaya dali dali ko siyang hinarap. Bakas sa mukha ni zack ang galit, and I see how he rolled his eyes towards zemrick. Hindi ko inakalang gagawin niya yon buong akala ko babae lang ang gumagawa non, but I was wrong.

Galit ko siyang tiningnan but deep inside gusto ko nang matawa sa ginawa niya.

Umalis na silang tatlo pero ang mata ni angela nakatuon parin sakin, sigurado akong kukulitin niya na naman ako mamaya.

"Let's talk sweetheart" pagbasag niya ng ilang minutong katahimikang bumabalot sa paligid namin. Inis ko siyang inirapan, habang nasitinginan naman ang mga studyante at mga professor na dumadaan.

Hindi parin ako kumibo. "I'm sorry sweetheart kung naging sakit ako sa ulo mo, promise sweetheart hindi ko na paiinitin ang ulo mo" his husky voice.

Nagsitiliian ang mga babaeng nakakita samin, pano ba kasi dito pa talaga sa harap ng department nila gumawa ng eksina.

Narinig ko pa ang bulong bulongan ng mga studyante sa gilid namin.

"Alam mo, kung ako yan hindi na ako magpapakipot pa, sa halip ay ibabandera ko pa kung ganyan ka gwapo ang magiging boyfriend ko, sayang naman kasi ang kagwapohan niya" sabi ng babaeng BSBA student.

"Ay sadyang pakipot lang talaga yan si ate girl" sabi pa nong Isa.

Mas lalong uminit ang ulo ko dahil don, hindi ako magpapakipot no! at wala naman kaming relasyon.

"Baka may kasalanan yang si zack sa girlfriend niya"

Inis ko lang tinitigan si zack habang pinapakinggan ang mga sabi sabi ng mga chismosang studyante.

"Sweetheart galit ka parin ba sakin? Sorry na please" he pleaded, but I still looked at him badly.

Naagaw naman ng atensiyon ko ang isang babaeng naglalakad, napahinto siya hindi kalayuan sa amin.

"Patawarin mo na yang boyfriend mo, baka pagsisihan mo kapag hindi mo siya pinatawad, maraming nababaliw diyan" sigaw ng isang studyante na nasa 2nd floor ng Electrical engineering na nakatingin sa amin.

Wala akong pake no kung maraming nababaliw sa asungot na nasa harapan ko ang gusto ko lang naman sana ay mamuhay ng tahimik...pero mukhang hindi mangyayari yun dahil sinimulan nang guluhin ng asungot na to ang buhay ko.

Napatingin ako sa gawi ng babaeng nakatingin sa amin kanina, hindi ko alam kung anong gagawin ko, umiling iling lang si prof sakin at ngumiti. Hindi na nga siya naniwala sa sinabi ko sa kanya kahapon tapos makikita niya pa kami ni zack na gumawa ng eksina. Feeling ko mas lalo akong nagmukhang sinungaling sa harap ni prof. borja.

Hinaltak ko ang kamay ni zack at dali daling umalis sa lugar na yun, halos kinaladkad ko na siya dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Ano bang problema mo? Diba sabi ko sayo tigilan mo na ako, may pa sweetheart sweetheart kapang nalalaman! Hindi mo ba alam na nagmukhang sinungaling na ako sa harapan ni prof, sinabi ko sa kanya na wala tayong relasyon dahil yun ang totoo, pero hindi siya naniwala sakin, alam mo nagmukha akong sinungaling sa harap niya nang makita niya kung ano ang eksinang ginawa mo kanina" I almost cried in frustration.

"Zack gusto ko lang naman na mamuhay ng payapa ayaw kong ma isyu, zack ayaw kong magmukha akong sinungaling sa harap ng ibang tao" I added.

Heavy sighed. "Kung iniisip mo na sasabihin ng mga tao na kaya mo lang ako pinatulan dahil mayaman ako, nagkakamali ka dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para maipakita sa kanila na seryoso ako sayo.

Hindi niya talaga ako naintindihan ayaw ko nito kasi umiiwas ako sa gulo, ayokong malaman to ng mga magulang ko, ayokong mawala ang tiwala nila sakin.

"Hindi...hindi mo naintindihan zack, ayoko nang gulo, yun lang ang gusto ko mahirap bang intindihin yun?" tumulo na yung luha ko sa pakikiusap na itigil na niya ang ginagawa niya.

Ayaw kong mabugbug ulit kaya nong nangyari sakin nong high pa ako.

Flashback...

"Ang tigas talaga ng ulo mo no! Diba pinagsabihan kana namin ng nanay mo na bawal kapang mag boyfriend hanggat hindi mo pa kami naiaahon sa kahirapan" galit na sigaw ni tatay sakin.

"Hindi ko po siya boyfriend tay.... promise po"

"Talaga ba ha? Eh ano tong picture na to magkahawak pa kayo ng kamay ng lalaking yun" bulyaw ni nanay sakin.

Hindi ko rin alam kung saan galing ang picture na yun, Isa lang ang pinaghihinalaan ko, yung pinsan ko lang ang gumawa non sakin, nagkakagusto kasi yung crush niya sakin, kaya binayaran niya yung lalaking kasama ko sa picture para hawakan yung kamay ko, habang hawak ng lalaking yun ang kamay ko hindi ko namalayang kinukunan na pala kami ng picture ng pinsan ko.

"Nay hindi ko po siya kilala, bigla niya lang hinawakan ang kamay ko..." paliwanag ko sa kanila pero, hindi sila naniwala sakin, bagkos ay pinaluhod nila ako sa asin, hinahampas ng sinturon, sinapak ng bayabas na kahoy, tinadyakan,tinapunan ng mainit na tubig ang paa ko, pwersahang hinila ang buhok ko, sinampal at sinuntok pa ako.

"Hali ka dito" pagtatawag ni nanay sakin.

"Luhod!" sigaw niya, lumuhod naman agad ako sa may asin.

Habang si tatay naman ay kumuha na nang sinturon at hinampas sa likod ko.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pero wala paring nilang tigil na paghampas sakin.

"Tay tama napo ang sakit na ng likod ko" iyak ko

"Masakit ba ha? Yan talaga ang aabutin mo samin kapag hindi ka sumusunod sa utos namin" pagkasabi'y sabay hampas ng sinturon sa likod ko.

"Tay tama na po, hindi ko na po yun uulitin, tayyy...." namamaga na ang likuran ko dahil sa malakas na hampas.

"Talagang hindi muna uulitin to!, dahil kapag nagkataon na malaman ko na may boyfriend kana papatayin talaga kita!" sabay hampas ng pang apat na beses.

Tumugil lang si tatay kakahampas sakin ng papalapit na si nanay sakin, dala dala ang mainit na tubig, akmang itatapon na ni nanay sa mukha ko ang tubig ng subukang agawin ng nakakabata kong kapatid na si ryahn, kaya naman natapon ang mainit na tubig sa paa ko, pinagalitan naman ni nanay si ryahn sa ginawa niya.

"Hoy babae wag kang umiyak diyan kundi isapak ko tong kahoy sayo!" pero di ko napigilan ang sarili ko napahagulhul parin ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Ay talagang hindi ka titigil? Gusto mo talagang masapak ha!!!" gigil niyang sabi. "Pwes itong sayo!!" sinapak ni nanay ang paa ko na namumula parin dahil sa mainit na tubig niyang itinapon sakin kanina. Pagkatapos ng hampas na yun ay tinadyakan pa niya ang tiyan ko..

Muli namang nagsalita ang tatay ko. "Tumayo ka diyan!" mahina pero strikto niyang sabi.

One meter distance from me I saw a girl who was happy by witnessing my situation, she's smiling towards me and says "Tito, tita wag po kayong maniwala sa kanya marami po yang lalaki sa school, hinahalikan pa po niya.

Ang galing talaga niyang gumawa ng storya para sa ikakasira ko, siya ang dahilan kung bakit naghirap ako ngayon, the girl who want me to suffered more...she's naddia my fucking evil cousin.

Humarap naman si papa sa kanya. "Hindi lang po yung lalaking nasa pic ang boyfriend ni kiera tito marami pa po".

That sentence triggered my father.

A/N: Sorry for slow update 3 days kasing walang internet dito sa amin😭.

Happy Reading!!💗💐

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now