CHAPTER 17

5 1 0
                                    

Kabanata 17

Lumabas ako sa classroom at ang nakangiting mukha ni zack ang bumungad sakin.

"Hi... sweetheart" bati niya

I raised a brow. " What are you doing here?"

Napangiti siya sa sinabi ko "Sinusundo ka"

I creased my forehead. "Umuwi kana kaya ko pa naman ang sarili ko"

"Ay si ate nagpa hard to get pa kung ako yan yayakapin to talaga si daddy Zack" sabi ng kaklase kong bading

Napangiti nalang si Zack sa sinabi ng bakla at pinuntahan ako at kinuha ang bag ko. Ayoko ko nang pumalag dahil baka lumala lang tong eksinang to, nakatingin din samin si arrianee kaya naiisipan kong inisin siya

"Wala kabang balak na layuan ako zack?" galit na tanong ko sa kanya

"Wala" seryosong sambit niya

"Kung wala kang balak layuan ako, ako nalang ang lalayo sayo". Kalmado lang ang boses ko

"As long as wala pang nagmamay ari sayo, hinding hindi talaga kita lulubayan"

"Pano kung sumama ako sa ibang lalaki?"

"At sinong naman yang lalaking tinutukoy mo? Yung kasama mo kanina?" kalmadong tanong niya

Mahina lang ang takbo ng sasakyan niya

Napalingon siya sakin sa sinabi ko at kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya

"Diko kayang mawala ka mahal kita, ikakamatay ko kung sasama ka sa iba" he sighed

Ewan ko kung maniniwala ba ako, grabe naman kasi di niya kaya? at ikakamatay pa niya ang pagsama ko sa iba??? What a big lie!!

"Hindi ako nagbibiro Kiera" pagsasalita niya ulit.

—————

Zackelthon's POV

Hindi ko naintindihan kung bakit ayaw ni kiera sakin, kung bakit ipinagtabuyan lang niya ako ang unfair lang kasi masaya siyang makasama yung lalaking yun, tapos pagdating sakin naiinis lang siya.

"Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa dude, kanina kapa diyan nakatulala...lalim ng iniisip mo ano ba yan?" pukaw ni Zeke sakin

Namomroblemang hinarap ko siya. "Pano kasi may unggoy na taga tourism na umaaligid kay kiera, hindi ko nga alam paano manligaw tapos may karibal pa akong anak ng tiyanak at ang saklap pa kapag kasama ni kiera yung lalaking yun sobrang saya niya, tapos pagdating sakin nagagalit siya kasi daw nakakainis ang mukha ko....litse naman sa lahat ng babaeng nakilala ko siya lang talaga ang umayaw sakin" mahina akong natawa

Umupo siya sa upuan. "Dude kung mahal mo hayaan mong maging masaya siya kahit sa piling ng iba" tinapik niya ang balikat ko

Hindi niya naintindihan eh, siguro kung diko nalaman na anak si kiera ng mga Villa Rica siguro nahulog na ako sa kanya ngayon, pero nong nalaman ko ang tungkol sa pagkatao niya mas pumaibabaw ang galit na nararamdaman ko.

I sighed. "Selfish na kung selfish dude, ayaw kong makitang masaya siya sa iba gusto ko sakin lang, gagawin ko ang lahat mapasa kamay ko lang siya" ani ko

Tinitigan niya ako. "Anong plano mo ngayon?" tanong niya sakin

Ngumiti ako sa kanya. "Ano paba edi itutuloy ko ang panliligaw sa kanya, kaya please tulungan moko pano manligaw sa babae" pagmamakaawa ko.

Tumawa siya. "Ang lupit mong magplano pero dimo alam gagawin mo?..ibang klase ka rin talaga Zack" hagikhik niya.

Heavy sighed. "Kaya nga kailangan kita.. tulungan mo naman ako dude.. kapag naging effective mga tips mo na ibibigay sakin, ibibigay ko yung white porsche ko, pati narin yung condo ko sa batangas" pangungumbinsi ko.

Ngumiti naman siya sakin halatang nagustuhan niya ang sinabi ko. "Deal" aniya.

Tumango siya. "Mahilig ba si kiera sa surprise?ano bang gusto niya?" tanong niya sakin

I shrugged. "Hindi mo alam eh, ang alam ko lang kasi ayaw niya na manligaw ako sa kanya, dahil ayaw niya raw ma issue" I sighed

He nodded. "Ang unang gagawin mo ay alamin kung anong gusto niya...at ang ayaw niya rin...gawin mo ang mga gusto niya at wag mong gawin ang hindi niya gusto at ikagagalit niya sayo" panimula niya.

Bigla kong naisip. "Pano ba yan? Alam kung ayaw niya na ligawan ko siya pero pinipilit ko parin, bad moves 'yon ah" napailing pa ako.

"Second step is kapag galit siya wag kang makipagsabayan sa galit niya.. kailangan kalmahan mo..taasan mo pasensya mo, alam kong short temper ka dude this is big and difficult challenge for you" he continued.

Tumango tango lang ako sa mga sinabi niya. "Tama siya kailangan ko ngang habaan ang pasensya ko sa babaeng yon"

"Third step is kailangan iparamdam mo sa kanya na gusto mo talaga siya, ipakita mong interested ka sa kanya ganon"

"Pang apat is connected lang to sa third step, kailangan matuto kang rumespeto sa kanya..respetuhin mo yung privacy niya, at sa ganong paraan maiparamdam mo sa kanya na gusto mo talaga siya"

"The last but not the least step five, kahit ipagtabuyan ka niya kahit ipapahiya sa niya sa maraming tao... wag na wag mo siyang sususkuan kahit anong mangyari, Isa din to sa mga paraan ng pagpapakita mo sa kanya ng sincerity ng pagmamahal mo" he added.

Pagdating talaga sa pag ibig sobrang bobo ko, I'm so naive like diko alam paano ipapakitang gusto ko ang Isang tao, hindi ko rin naranasan na manligaw o magkagusto sa isang babae minsan nga tinutukso na ako ng mga kaibigan ko na baka lalaki din ang tipong ko.

I don't fucking care about love, relationship and girl all I want is power, money, connections to revenge the death of my uncle to seek the justice he deserve!

A/N: Comment down below your thoughts, if ever you have an idea how to make a better story, then don't hesitate to share it. I'm just a first timer baka may idea kayo para makatulong sakin. Thank you🎀🎀

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now