CHAPTER 13

4 1 0
                                    

Kabanata 13

Lumingon ako sa labas ng classroom at nakita ko mukhang masaya si Kiera kasama ang mga kaibigan niya, not only her friends but also that unfamiliar student. I think he's from Tourism department base on his uniform. "Siya ba yung sinasabi ni ate na nagkakagusto kay kiera?" Hindi pwedeng masira ang plano ko kaya bago paman mahuli ang lahat kailangan ko nang kumilos.

"Wait lang dude, may pupuntahan lang ako" Tumakbo agad ako sa direksyon na kinaroroonan nina Kiera

"Kiera" tawag ko sa kanya.

Patuloy parin siyang naglalakad habang nakatingin naman sakin ang mga kaibigan at ang lalaking kasama niya. "Infairness gwapo rin tong nagkakagusto sa kanya, mukhang rich kid din"

Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko, bakit iniiwasan niya ako, dahil ba sa nangyari kagabi? Shit naman!

"Kiera let's talk" seryosong sambit ko

Siniko naman siya ng kaibigan niya. "Mag usap daw kayo oh"

Wala paring kibo si kiera nakatitig lang siya sakin.

Umiwas siya ng tingin sakin. "Tara na" sabi niya sa mga kaibigan niya, kung maka asta siya parang di niya ako narinig. "Bingi ba siya?" I sighed

Wala na akong naisip na ibang paraan kaya tatawagin ko nalang siyang sweetheart, baka sakaling pansinin niya ako, okay lang na magalit siya sakin ang importante makausap ko siya.

"Sweetheart I'm sorry for what I did last night, don't ignore me please kausapin moko" I pleaded

"Kausapin mo na yan oh kawawa naman" sabi ng chinita niyang kaibigan, I think she's Angela

Tumango naman si riabel sa sinabi ni angela. "Kausapin mo na baka tanggalin kapa ni boss sa trabaho pag dimo siya kinausap" paguudyok sa kanya ni riabel by the way kilala ko si riabel she's one of my employees rin

Humarap si kiera sakin at tumingin nagtagpo ang mata namin kita ko sa mga mata niya ang pagkainis niya sakin.

Bumuntonghining hinarap niya ang mga kasama niya "Mauna na kayo, susunod ako"

"Sige mag ingat ka, aalis na rin ako may klase pa kasi ako, chat nalang kita mamaya, magkita tayo kapag  free na ang mga schedules natin"

Tumango naman si Kiera sa kanya, nabigla naman ako sa nasaksihan ko ng biglang yumakap yung lalaki kay kiera ay may pasabi lang 'bye'.

Tang ina naman yang lalaking yan panira ng plano, sigurado akong isang malaking hadlang tong lalaking to sa mga plano ko, pano kung hindi ako sagutin ni kiera dahil sa unggoy nato? Mukhang close na close pa naman sila.

Tumingin naman sa direksyon ko ang lalaki tinaasan ko lang siya ng kilay. "Hindi hindi mapapasayo yang babaeng niyakap mo, akin lang si kiera akin lang siya!"  Pahiwatig ng titig ko sa kanya.

I rolled my eyes towards him, kitang kita ko naman ang galit sa titig ni kiera sakin.

——————————————————

Keira's POV

Kasama ko ngayon sina angela, riabel at ang kababata kong kaibigan na si zemrick, kaka transfer lang niya dito sa Xavier hindi pa niya kabisado ang paaralan na to kaya naman sinamahan muna namin siya na mamasyal kasama tong mga kaibigan ko.

"It's been 8 years na mula nong huli kita nakita , ang laki ng pinagbago mo, gumanda ka lalo" pambobola ni zemrick sakin.

Angela hissed. "Baka iba na yan ha". Inirapan ko lang siya, minsan nahihiya narin ako sa walang prenong bibig ni angela.

Tinawanan lang ni zemrick ang reaksiyon ni angela. "I'm serious, kung maganda si kiera noon mas lalong gumanda siya ngayon, kayo din napakaganda niyo rin, it seems like angels from above ang squad niyo"

I met him when I was 4 years old kakalipat lang namin ng bahay noon galing kasi kami sa cebu noon lumipat lang kami sa mindanao sa maramag, bukidnon kasi may lupang sinasakahan ang tatay ko doon, doon na rin ako lumaki, naging kapitbahay namin ang pamilya ni zemrick sobrang bait ng family niya, kapag pinapagalitan ako ng nanay ko, pinagsasabihan agad tita Kresandra si nanay na imbes pagalitan ako ay kausapin nalang akong mabuti hindi daw yun nakakabuti lalo na't bata pa ako at hindi ko pa masyadong alam ang ginagawa ko.

"Bolera ka pala zem ilang babae na kaya nauto moHAHAHA" tawang tawa na saad ni angela, habang si riabel ay tumawa lang, natawa narin si zemrick kaya pati ako nahawa sa kanilang tatlo.

Tumingil ako sa kakangiti ko nang narinig ko ang pangalan ko may tumawag sakin.

"Kiera" familiar voice I heard from behind. It's Zack again!

Hindi ko siya pinansin patuloy lang ako sa paglalakad alam ko namang pag uusapan na naman namin ang nangyari kagabi, gusto ko nang kalimutan yon.

Sinundan niya parin kami, napahinto naman sa paglalakad si ang mga kasama ko

"Kiera let's talk" seryosong sambit nito

Siniko ako ni angela. "Mag usap daw kayo oh"

Hindi parin ako kumibo, tinitigan ko lang siya.

Hanggang sa umiwas na ako ng tingin sa kanya. "Tara na" sabi ko sa mga kaibigan ko, nagbibingibingihan ako sa narinig ko ayaw ko lang talaga siyang makausap ngayon. Nahihiya ako sa kanya, "bakit ako ang nagustuhan niya Marami namang mga magaganda dito ah, mayayaman pa, saktong babagay sa kanya, hindi tulad ko na isang hamak na mahirap lamang" I sighed

Akmang aalis na sana  ako nang narinig kong nagsalita ulit siya.

"Sweetheart I'm sorry for what I did last night, don't ignore me please kausapin moko" he pleaded

"Kausapin mo na yan oh kawawa naman" pabebeng sabi ni angela sakin.

Tumango naman si riabel sa sinabi ni angela. "Kausapin mo na baka tanggalin kapa ni boss sa trabaho pag dimo siya kinausap" paguudyok ni riabel sakin, kinukumbinsi talaga nila ako na kausapin ang lalaking yung e pagkahighblood lang ang hatid niyan sakin eh

Humarap ako sa kanya at tinitigan siya titig na nagpapakita ng sobrang inis.

Bumuntonghining ako at hinarap sina angela  "Mauna na kayo, susunod ako" 

"Sige mag ingat ka, aalis na rin ako may klase pa kasi ako, chat nalang kita mamaya, magkita tayo kapag  free na ang mga schedules natin" zemrick said.

Agad ko siyang tinanguhan at hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya, I was stunned in my position nang bigla niya akong niyakap I know na miss namin ang isa't- isa pero hindi sumagi sa isip ko ang ginawa niya.

Pagakatapos ay kusa niya akong binitawan, tiningnan ko naman agad ang reaksiyon ng mga kaibigan, bakas sa mukha ni riabel ang gulat sa nangyari, habang nginitian lang ako ni angela halatang nag aasar na naman.

A/N: Happy Reading!!!

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now