CHAPTER 27

0 0 0
                                    

Kabanata 27

Natulala ako sa mga sinabi niya, hindi nag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya.

Ha anong sabi niya? mahal niya ako higit pa sa kaibigan? zem naman e binibigla mo ako.

The last sentence of his statement is imprinted in my mind, I couldn't still believe that his said it. Palagi niya akong tinulungan dahil mahal niya ako? palagi siyang concern sa'kin dahil 'don? akala ko ba kaibigan lang ang tingin niya sa'kin? pero.. pero bakit ganito?

"Kiera I asked permission if okay lang ba sa'yo na manligaw ako, I'll wait the time until you're ready into relationship, gagawin ko lahat para maging maayos ang future nating dalawa, pangako" kitang kita ko ang sincerity sa mga mata niya.

Ramdam kong totoo ang mga pinapakita niya, pero paano si Zack? siya 'yong nauna, mahal ko din si Zack at tsaka may kasunduan din kami.

"I'm sorry zemrick pero kasi.. hindi pwede e may ibang lalaking nakabihag ng puso ko, sorry talaga zem, Mahal naman kita e pero bilang kaibigan lang talaga"

Nakakahiya ang nangyari, buti nalang wala ng tao dito kami nalang dalawa ni zemrick ang nandito, tiningnan ko si zemrick nakayuko siya, hindi man lang niya ako binalingan ng tingin.

"It's okay Kiera naiintindihan ko, goodluck sa inyo ni Zack masaya ako na masaya ka" ramdam ko ang panghihinayang sa boses niya.

Na awkward na ako sa nangyari, kasasabi ko lang kanina na hindi ako ma a-awkward pero ito nangyari na gusto ko nang umalis at takasan ang pangyayaring ito.

"Mauna na ako zem, may klase pa ako ngayon e" pagkasabi'y dali-dali akong umalis sa lugar na iyon, hindi ko na hinintay ang tugon niya.

It's been 2 weeks ang nakaraan simula nong nag confess sa'kin si zemrick until now hindi ko parin nakalimotan ang nangyari, nahihiya ako sa kanya, hindi ko na rin siya nakikita sa campus, hindi narin siya nag chat o nagpaparamdam sa'kin, iniisip ko tuloy na baka nagalit siya sa'kin.

"Happy Valentines day!!" Sigaw ng isang kaklase ko.

Valentines day ngayon, araw ng mga puso masaya lang akong pinagmamasdan ang mga couple sa classroom pati narin ang couple na sobrang sweet na dumadaan sa building namin.

"Happy Valentines day din sa mga assuming at umaasa diyan!!"

"Happy Valentines day din sa mga walang label pero kung maka-selos wagas na wagas" sigaw ng bakla kung kaklase.

Tumawa nalang kami dahil alam naming pinaparinggan niya ang kaklasi naming lalaki na crush niya pero may ibang gusto sa BSBA student.

"Happy Valentines day din sa mga pampalipas oras, no level enjoyer, situationship, talking stage, walang jowa, at hindi pinapansin ni crush katulad ko" Mas lalong lumakas ang tawa namin dahil sa sinabing 'yon ng kaklase kong lesbian.

"Happy Valentines day din sa mga walang jowa at study first lang ang alam! Sa mga pinakilig, pinatawa at pina-asa happy valentines day din sa inyo" natatawang sambit ni angela.

Natawa nalang kami ni riabel sa kanya hindi namin alam kung ano na ang status niya ngayon sa buhay pag-ibig niya.

Inaasar namin siya kay Kinn pero nagagalit lang siya, ang akala namin nan-liligaw si Kinn sa kanya pero di pala, babaero pala 'yung pinsan ni zack, pero minsan nagtataka nadin kami kasi palaging nakabuntot ang lalaki sa kaibigan namin iniisip tuloy namin na may relasyon sila.

"Kiera may program sa event hall punta tayo 'don" riabel said

"Kayo nalang, dito nalang ako" tugon ko. Ayoko talaga sa mga ganyan e lalo na kapag maraming tao hindi kasi hindi ko gusto ang crowded place at isa pa siguradong mainit at maingay 'don.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni angela

Umiling naman ako. "Ayoko lang talaga sa mga ganyan"

"Kiera ngayon lang naman to na may magpeperform na band sa school natin e sumama kana please" she pleaded, while riabel busy in typing sa cellphone niya.

Napabuntung-hininga naman riabel alam talaga niya na hindi ako sasama sa kanila. "Kiera baka naman kasi may attendance tayo 'don"

I creased my forehead while looking at them. "What may attendance? E diba wala 'yang kinalaman sa activity natin sa school?"

"Wala ba kayong balak pumunta? May attendance 'yon bilisan niyo nang pumunta don baka mahuli pa kayo" saad ng isang lalaking studyante ng arki.

"Seriously may attendance talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko

"Oo nga, narinig mo naman 'yon diba kaya halika na pumunta na tayo don"

Dali-dali kaming pumunta don grabe talaga may attendance? Akala ko ba depende lang yon sa gustong manood pero bakit may attendance?

Pagpasok namin sa event hall ay marami nang mga taong nagsisik-sikan kaya naman kailangan namin agad makahanap ng mauupuan baka maunahan pa kami.

"Doon tayo, wag dito masyadong maraming tao" Angela suggested

"Tara"

Papunta na kami sa kinaroroonan nang mga bangkong walang naka-upo ng may biglang kumuha nito, inalis 'yon sa pwesto at inilipat sa  ibang sulok ng event hall.

"Bumalik nalang tayo kinuha na ang bangko don e" sabi ko, pero nagtataka ako ng wala nang sumagot sakin.

Paglingon ko sa likuran ko ay wala na sila riabel at angela hindi ko alam kung saan sila pumunta kaya agad silang hinanap ng mga mata ko, ngunit bigo akong makita sila. Biglang nagpalakpakan at nagsigawan ang mga  studyante.

Nagsimula na ang banda at naghiyawan na ang mga tao, ako lang ang tao dito sa lugar na kinatatayuan ko kaya nahihiya ako kasi ang mga mata ng mga studyante ay nakatingin sa'kin.

Aalis na sana ako ng may nagsalita naka microphone pa.

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now