CHAPTER 7

8 1 0
                                    

Kabanata 7

Agad ko siyang tinalikuran wala na akong pake alam kung ano ang isipin niya sakin ang importante ay makaiwas ako sa kanya pero mukhang hindi mangyayare yun.

"I'll wait until your free" rinig kong usal niya.

Mukhang hindi talaga ako makakatakas sa kanya sinusulyapan ko siya paminsan-minsan sakto namang nakatingin din siya sakin, hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ng lalaking to halos 3 oras narin siyang naghihintay sa akin.

Pagkatapos ng trabaho ay dali dali kong kinuha ang gamit ko at nagmamadaling lumabas sa restaurant, ang akala ko talaga natakasan ko na ang lalaking to hindi pala.

"Hey" tawag niya sakin, hindi ko parin pinansin kahit narinig ko siya.

Hanggang naramdaman ko nalang na nasa gilid ko n siya. "Bakit mo ba ako iniiwasan?"

"Hindi naman kita iniiwasan may kailangan lang talaga akong gawin sa bahay tatapusin ko lang yung assignment ko" nakayukong sagot ko.

"Kung ganon bakit di mo sinabi sakin na may gagawin kapa pala"

"Sinabi ko naman sayo kanina na busy ako"

"Let me talk to you 30 minutes, don't worry ihahatid kita sa bahay mo pagkatapos" Nangungumbinsi niyang sabi.

I sighed a defeat.

"Ano bang pag uusapan natin?" saktong bumuhos ang ulan. Dali-dali niya akong hinawakan sa palapulsuhan at tumakbo, wlaa akong nagawa kundi tumakbo narin kasama niya.

Sa pagtatatakbo namin narating namin ang parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan "Hop in" seryosong nakatingin siya sakin.

Pumasok agad ako sa sasakyan, nanginginig na rin ako dahil naka on pa ang aircon sa sasakyan niya habang basang-basa kaming dalawa.

"Use this" inabot niya sa akin ang hoodie niyang nakalagay sa back seat.

"Thank you..... By the way anong pag-uusapan natin, kung tungkol yun kanina kalimutan mo na yun" diritsahang sabi ko. Ayaw ko na talagang pag usapan yun bukod kasi sa nahihiya ako namumula pa agad ang mukha ko kapag na aalala ko yun.

Tumango tango naman siya alam ko talaga na yun ang pag uusapan namin kaya inunahan ko na siya.

Natahimik kami salit pero nagsalita ulit siya "Is that your first kiss?" Taas kilay niyang tanong habang nakatitig sakin.

Alam kong hinihintay niya ang sagot ko pero nanahimik parin ako dahil naalala ko na naman ang kahihiyang nangyari na yun.

"Is that your first kiss? Am I the first person who kissed you?" Ulit niyang tanong.

 
Hindi ko alam ang isasagot ko nahihiya talaga ako sa kanya, nihindi ko siya masagot sa simpleng tanong niya. Wala talaga akong balak sagutin ang tanong niya. Sinasabi ko na kanina na kung ang pag uusapan lang namin ay yung nangyari sa office kanina kalimutan nalang namin, pero ang tigas talaga ng ulo niya nagtanong parin.

"Diba sabi kong kalimutan mo na yun? Bakit ang tigas ng ulo mo?" Sobrang nainis na ako sa lalaking to.

"Okay, but I would like to apology about what I did earlier, I didn't mean it, ikaw kasi eh ininis moko yan tuloy nahalikan kita" he pouted.

Natawa lang ako sa mga sinabi niya hindi ko alam na madaling mainis pala tong tao nato, hindi pa marunong mag timpiHAHAHAHA

Ngumiti ako at hinarap siya, habang siya naman ay nakasandal sa upuan ng kotse. "Okay lang basta wag munang gawin yun ulit"

Napangiti nalang siya sakin na parang may binubulong sa sarili. "Sinong may sabing hindi ko na gagawin ulit yon? tsk" bulong niya sa sarili niya, pero narinig ko parin.

"May sinabi ka?" Nagmamaangmaangan Kong tanong

Tipid siyang ngumiti. "Sabi ko maganda ma sana kaso bingi ka lang" asar niyang sabi.

"Makauwi na nga lang, sinasayang mo lang oras ko eh"

Binuksan ko ang pinto ng kotse ng biglang hinawakan niya ang kanang kamay ko. "Where  are you going?" taas kilay niyang tanong.

Bingi ba siya kasasabi ko lang na uuwi na ako eh.  "Saan paba edi uuwi na".

Hindi niya parin binitawan ang kamay ko. "Diba sinabi kong ihahatid kita, nakalimutan mo?" kunot noo niyang tanong.

Ay oo nga pala ihahatid niya pala ako. "Sabi ko nga ihahatid mo ako" nakangiting sabi ko.

Hindi na siya sumagot pa, pinaandar na niya ang kotse tsaka umalis na kami. While driving his car I still looking at him, hindi ko alam ang gagawin ko, bakit niya to ginagawa sakin. Anong problema niya? pwede naman niya akong iwan pagkatapos ng pag uusap namin ni hindi ko nga siya nasagot sa tanong niya.

——————

Zackelthon's POV

I know that she's not comfortable, paikot ikot lang din ang tingin niya paminsan minsan din tumingin siya sa akin, I know she feels embarrassed about happened earlier, even ako nahihiya din sa ginawa ko, but then, I need to show her that what we did is okay, alam kong first kiss niya yon, and also I know na hindi pa siya nagkakaboyfriend because super strict yung parents niya.

And my goal right now is to gain her trust, wala namang problema kong malalaman ng umampon sa kanya na nililigawan ko siya, simple lang naman utuin yung umampon sa kanya pera lang ang katapat ng mga yun.

I don't really care kung masaktan man si Kiera sa gagawin ko, gusto ko lang talagang maigante si Tito sobrang close kami para ko na din siyang ama, kapag busy kasi di daddy sa mga paperworks niya sa company pati si mommy si Tito lagi ang nag-aalaga sakin, but then pinatay siya.

I calmly drive my car sumasakit nadin ang ulo ko, while kiera nakafocus lang sa mga view na nadadaanan namin, tahimik lang talaga kami sa biyahe alam kong ginawa niya ang lahat para mapakita sakin na komportable siya, but then I know she's not...

I stopped my car when I reached out her place, I know kung saan siya nakatira, even her favorite place, favorite food, favorite color and her hobbies because I did an investigation about her life.

"We're here" usual ko

Nakakunot noo siyang humarap sakin, alam kong nagtataka siya kong bakit alam ko kong saan siya nakatira. "H-how did you know my place?" Nauutal na tanong niya

"I just know, I'm your boss kaya alam ko kong saan ka nakatira" palusot ko.

Hindi pa siya nakapagsalita ng bumaba na agad ako at pinagbuksan siya ng pintuan. In the same time I feel dizzy, sinapo ko nalang ang ulo ko dahil sa sakit.

Napansin ko din na lumapit siya sakin. "Anong nangyari? Okay ka lang boss?" Ramdam kong nag aalala na siya sakin.

Sapo-sapo ko parin ang ulo ko. "I'm not, I feel dizzy" nakapikit mata kong sabi.

Natataranta na siya kung anong gagawin niya. "Kaya mo pang maglakad? Pasok tayo sa loob" hinawakan niya ang bewang ko kinuha rin niya ang isang kamay ko at ipinaakbay sa kanya.

Napabuntunghininga nalang siya habang hawak ang bewang ko. "Wag mong sabihin boss na hindi muna kayang maglakad, hindi kita kayang buhatin" she gasped.

Matangkad naman siya I think she's 5'9 while ako 6'4 mukhang hindi niya talaga ako kayang buhatin, Binuksan niya ang pinto at inakbayan ako papasok. Her place is small kasing laki lang ng kwarto ko. Maliit pero sobrang linis naman.

Pinaupo niya ako at dali dali siyang kumuha ng tubig at towel, I stunned looking at her, she's beautiful, matalino din pero suplada minsan.

She put small basin in the floor, pinunasan din niya ang noo ko at hinawakan pa.

"Ang taas ng lagnat mo boss"

A/N: Happy Reading!!!

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now