CHAPTER 15

16 1 0
                                    

Kabanata 15

Mabilis siyang pumunta sa direksyon ko at pinagsusuntok ako sa mukha, sa tiyan sa panga,

"Tay...." hagulhol ko

Hindi pa si tatay natapos sa pagsusuntok sa akin ng nakisali naman si nanay sa eksina, hinila niya ang buhok ko..

Hindi na ako nanlaban sa kanila dahil alam ko na rin ang patutunguhan, mas lalong lumala ang sitwasyon ko kapag manlalaban ako.

Lumakas na ng lumakas ang iyak ko yun lang ang tanging magagawa ko upang makahingi ng tulong sa mga kapitbahay namin.

"Ay talagang pinapagalit mo kami ha!" bulyaw ni nanay sakin.

Sinampal ako ni tatay tatlong beses ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko, halos hindi narin ako makahinga dahil sa kakaiyak ko.

Nagkaroon ako ng pag asa ng may sumigaw na Isa sa mga kapitbahay namin. "Hoy Anastasia!!! Ronaldo!!!! Itigil niyo yan halos mapatay niyo na ang anak niyo oh, hindi ba kayo naawa?" Galit na sigaw ni aling kristina sa mga magulang ko.

"Hayaan mo na yan, minsan kailangan din nating pangaralan ang anak natin dahil sumusobra na sila!" sita naman ni aling Myrna kay aling kristina.

Inirapan lamang ni aling kristina si aling Myrna at bumalik ang tingin nito sa mga magulang ko. "Kapag di niyo pa ititigil yan, ipapapulis at idedemanda ko kayo sa pagmaltrato niyo diyan sa anak niyo"

Present...

I was 15 years old when that's traumatic event of my life happened. That was 3 years ago.

Sobra sobra ang pasasalamat ko naging kapitbahay bahay namin si aling kristina, siya ang tagapagtaggol ko kapag sinasaktan na ako ng mga magulang ko, pinapakain din niya ako sa bahay niya kapag hindi ako ipinapakain ni nanay.

Hindi siya yung nanay ko pero, inaalagaan niya parin ako, how I wish na ganyan sana ang ugali ng magulang.

Hanggang ngayon nandito parin yung marka na iniwan sa akin ng mainit na tubig na itinapon ni nanay sakin.

Takot talaga akong maranasan ulit ang nangyari sakin noon.

Nakatitig parin si zack sakin, damang dama ko sa titig niya ang pagkadismaya sa mga sinabi ko.

"Kiera I know you have a  strict parents but please give me a chance I promise I'll show to your family that I'm serious....I'll prove to them na karapat dapat ako para sayo, I'll do everything to gain their trust, I know it is hard but please... allow me to enter in your life I'll promise I will do anything to make you happy" I feel his sincerity, although I was still afraid to enter the relationship he offered.

Hindi ko mapigilang humagulhol, this is my first time na may nagconfess sakin harap harapan at sobrang seryoso pa, pero buo na ang desisyon ko hindi ko siya papayagang pumasok sa magulo kong mundo.

"Zack im sorry but I will not allow you to enter in my chaotic life, baka masira lang yang maganda mong buhay" I continued crying.

Takot ako..takot akong mangdamay pa nang ibang tao sa kasiraan ng buhay ko, alam ko na kapag nalaman nina tatay na may nanliligaw sakin na mayaman peperahan lang nila, at pipilitin nila akong pumasok sa relasyon na yon, kapalit ng perang hihingin nila.

Alam kong nasasaktan zack sa mga sinasabi ko, pero wala na akong maisip na paraan para lubayan na niya ako. "Zack maraming babae diyan magaganda, mayayaman, matatalino, sexy at karapat dapat sayo, hindi yung katulad kong isang hamak na mahirap lamang" I cried

Hindi naman umimik si Zack, bagkos lumapit siya sa akin at niyakap ako, mas lalong lumalim ang pag iyak ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, feeling ko safe ako sa bisig niya, hinimas rin niya ang buhok ko.

"Walang ibang babae na babagay sakin kundi ikaw lang, kahit ilang beses mo pa akong ayawan gagawa parin ako ng paraan na makasama ka, hinding hindi ako susuko sayo, maghihintay parin ako sayo tandaan mo yan" bulong niya sakin.

Nandito ako ngayon sa loob ng classroom nakatulalang nakatingin sa bintana.

"Ang layo ng nilakbay ng isip mo ah" pukaw ni riabel sakin mula sa pagkatulala.

Biglang sumulpot naman si angela sa harapan ko. "Wag muna natin yang istorbohin riabel nag iisip pa yan kung sino ba ang pipiliin niya sa dalawang baby boys niya.

Si Zack lang naman ang iniisip ko, hindi naman kasali si zemrick, tsaka ano bang iniisip nila na may gusto sakin si zemrick ay talaga namang nakakainis pakinggan ang mga sinasabi ng dalawang to.

"Iba talaga pag maganda, pinag aagawan"

"Tama.. at mapapakanta ka nalang talaga ng—

Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon ay kailangan nang mamili Isa lang ang maaari alam kung narito ako laging para sa iyo oh mahal kita ng labis ngunit iba ang yung nais🎶🎶

Panimulang kanta ni angela, panay cheer naman si riabel sa kanya.

"One, two three gooo...." sabi ni angela

Sino ang iibigin ko ikaw ba na pangarap ko o sya bang kumakatok sa puso ko ohh, anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko... nalilitong litong..litong lito, sinong pipiliin ko...🎶🎶

Sabay silang kumanta, mas lalo yatang madaragdagan ang problema ko kapag pinakinggan ko tong dawalang to.

Ang nais ko ay maranasan ang umibig at masuklian din nang pag- ibig🎶🎶

Sino ang pipiliin ko ikaw ba na pangarap ko.. o sya ba....... 🎶🎶

Pagpapatuloy nila.

Huminto lang sila sa pagkanta nang nakitang wala na sa kanila ang atensiyon ko.

"Umamin ka nga kiera sobrang halata na kayo ni zack, todo deny ka parin" angela said.

Halata? Dahil ba sa pa tawag tawag ni zack sakin ng sweetheart? Loko talaga yung taong yun pinalaki pa ang isyu!.

"At ano yung nabalitaan ko na don daw natulog si zack nong isang araw sa inuupahan bahay nitong si kiera, tapos kagabi hinatid pa ni boss zack, iba na talaga to" pang aasar ni riabel may pa iling iling pang nalalaman.

Hindi ko lang sila pinansin alam ko naman kasi na kapag magpapaliwanag ako hindi nila ako papaniwalan dahil sa mga narinig nilang isyu tungkol samin at sa nakita narin nila kanina.

Habang nakatulalang nakatingin sa bintana and dalawa abala parin sa pag uusap.

"What if sila na talaga ni zack ayaw lang sabihin ni kiera satin"

"What if nag li live-in na sila"  kinikilig na boses ni angela

"What if tinatago lang nila ang relasyon nila" lumalaking boses ni riabel

"What if pinakilala na ni zack sa family niya na girlfriend niya si kiera"

"Kung magusap tong dalawang to, parang wala ako sa harapan nila na nakikinig, tsk" inis na inisip ko

"Oo nga tapos isa pa what if hindi na gustohan ng family ni zack si kiera" pagpapatuloy ni Angela

Isa rin yan sa mga dahilan ko kung bakit ayokong manligaw sakin si zack gusto ko rin siya pero pano kung hindi ako magustuhan ng pamilya niya dahil mahirap lang ako, tapos ilayo nila si zack sakin at ipakasal sa iba, uso pa naman ang arrange marriage sa mga mayayaman.

"Hala ka!!! Tapos what if tatanungin ng mommy ni zack kung Ilan ang kailangan na pera ni kiera para layuan niya si zack" pagpapatuloy ni riabel.

"Tapos sasabihin ni kiera na 'hindi ko kailangan ng pera niyo mahal ko si zack mahal ko ang anak niyo siya ang kailangan ko" maarteng boses ni angela

"Ito pa ang malala, what if isang araw nabalitaan nalang ni kiera na ikakasal na si zack sa iba, dahilan ng pag alis ni kiera at magpakalayo layo kay zack" seryosong saad ni riabel.

A/N: Happy Reading!

Aishitemasu Forever (Series #1 True Love)Where stories live. Discover now