Simula

18.9K 225 22
                                    

Thank you so much for waiting.  Better read 'safe haven' first for more understanding. 

Simula

I didn't know how to start when I lost my parents. 

I stood in front of the mirror staring at my pale face. I tried to smile but it didn't reach the depth of my eyes.

Muli na akong umupo nung makita kong pumasok ang mag aayos sa 'kin.

"Ngayon na ang coronation night kaya relax ka lang ha?" sabi sa 'kin ni Jomar o mas kilala sa tawag na Joy habang minamake up-an ako. 

Tanging pagtango lang ang sinagot ko sa kanya. Ito ang pang apat na beses kong sumali sa isang beauty contest.

"Nandyan na pala yung kuya mong pogi," humagikgik pa siya at nakita ko si Kuya Ezekiel sa may bandang pintuan.

Pulis na si Kuya habang ako naman ay isang Nurse sa isang pampublikong ospital. 

"Kumusta?" lumapit na siya sa akin.

"A-yos lang," ngumiti pa ako ng bahagya.

Hinawakan niya ako sa balikat, "Good luck, Bunso!"

I stood there wearing my long blue gown, and there I saw my brother holding a banner with my name on it.

"Contestant number 7, please step forward," the emcee told me.

"Please pick one." pinasok ko na ang kamay sa fishbowl.

"Ms. Ingrid Villanueva," basa ko sa pangalan.

"For you, contestant number 7, is helping your parents are your responsibility?" she asked.

I took a deep breath before answering her question: "For me, it's not the child's responsibility to help their parents. For me, helping our parents is the best way to show how much we appreciate them and repay all their efforts for us. But, I understand those kids who choose not to give a penny to their parents because not all parents are good."

Biglang sumagi sa isipan ko sina Nanay at Tatay. Hindi ko namalayan na nagpalakpakan na pala ang mga tao sa paligid.

"That's a very impressive answer from contestant number 7," the emcee said.

Because of my answer. I won the crown. 

"Congratulations, Bunso!" natutuwang sabi ni Kuya Ezekiel sa akin.

"Thank you, Kuya!" galak kong sabi.

"Ang galing mo!" masayang masaya na sabi niya. 

Lumapit na sa akin ang ibang contestant para batiin ako. Pang apat na beses ko pa lang na sumasali, pero nakapag uwi na kaagad ako ng grand prize.

"Hindi talaga ako nagkamali na kunin ka," si Joy. "Ang ganda mo kasi may potential ka talaga sa mga beauty pageant."

I smiled at her, "thank you for trusting me."

"Kain tayo libre ko na," nakangiti kong aya sa kanila ni Kuya.

Sa isang lugawan kami kumain para i-celebrate ang pagkapanalo ko. Saglit lang naming nakasama si Joy dahil dumating na ang iba niyang barkada.

Si Kuya ang nag ayos sa sash at korona ko nung makauwi na kaming dalawa sa apartment na tinutuluyan namin.

"Erika, maaga tayong matulog dahil may pasok pa bukas," si Kuya Ezekiel.

Tumango na lang ako sa kanya saka muling kumain. "K-kuya."

"Bakit?" tanong niya.

"Sa tingin mo ba m-masaya sila Nanay at Tatay kasi nanalo ako?" nakangiti pa ako pero sumisikip ang puso ko.

Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon