Last 2 chaps po before Scott's POV
Kabanata 30
"Pag uwi natin sa Pilipinas maghahanap agad ako ng wedding planner," aniya.
"Hindi ka pa nga nagpopropose sa akin," sabi ko habang sinusuklay ang aking buhok.
"Nag-propose na ako sayo ah?" Ngumisi siya sa akin.
"Huh? Kailan?" kumunot ang kilay ko habang nakatingin sa kanya sa salamin.
"Kagabi." Sagot niya at agad na nag init ang pisngi ko nung maalala yung ginagawa namin, habang tinatanong niya ako tungkol sa kasal.
"Pasaway ka dun ka pa talaga nagtanong," naiiling kong sabi sa kanya.
He cackled before kissing my temples.
"Pero pakakasalan mo talaga ako?" tanong ko sa kanya.
"Marrying you is the first plan," he answered back, making my heart thump loudly.
"Your first plan? How come?" Hindi ko na naman mapigilan na magtanong nang magtanong.
"Nasaktan at iniwan kita noon." pag uulit ko na naman sa nagawa ko
"Ano naman? At saka tapos na iyon langga. Nasaktan din naman kita ah?" kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod nito. "Kahit paulit ulit mo akong basagin sayo pa rin ako uuwi, kasi ikaw lang ang makakabuo sa akin."
Isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata, tumayo ako para mayakap siya.
"I love you so much, langga." I said sweetly.
"I love you more!" pinaharap niya ako sa kanya at saka niya pinunasan ang luha ko.
"Stop crying," he said softly.
Tumango na lamang ako sa kanya bago yumakap.
"Aalis ka ba?" Tanong niya at tanging pag iling lamang ang sinagot ko.
"Inaantok ako," my voice became raspy.
"Pinuyat mo kasi ako." Sinamaan ko siya ng tingin.
Inabot kami ng umaga sa marathon naming dalawa, sex marathon..
"Parehas lang naman tayong napuyat langga," kinurot niya pa ang pisngi ko.
"Saka masisi mo ba ako? Ang sarap mo kaya.." nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Ewan ko sayo matulog na lang tayo," naiiling kong sabi sa kanya, sumilay ang isang ngiti sa aking labi.
Agad agad akong nakatulog dahil sa sobrang antok at sakit ng katawan ko.
Hapon na nung magising ako habang nakayakap kay Scott. Pinagmasdan ko ang kabuuuan ng kanyang mukha, napako ang mata ko sa mga peklat niya.
"I won't do that again," I said almost whispering.
Hindi ko na siya iiwan ulit. Hindi ko na muling babasagin ang puso niya.
Pinadaanan ko pa ng aking daliri ang mga peklat niya.
"Ang gwapo pa rin," napangiti ako.
Narinig ko pa ang mahina niyang pag ungol nung alisin ko ang braso niya. Bumangon na ako at saka nag inat inat.
Naisipan kong maghanda na lang ng merienda para sa aming dalawa.
"Good afternoon, langga." Bati niya sabay yakap sa bewang ko.
"Ano 'yan?" tanong niya sabay silip sa niluluto ko.
"Tuna and egg sandwich lang po." Sagot ko sa kanya. "Upo ka na roon at antayin mo ako."
BINABASA MO ANG
Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)
Ficción GeneralFirst installment of Cebu series Erika Selene Mendoza and Scott Matthew Lewis story Erika Selene Mendoza is a woman who dreams a lot for herself and her family, But a tragedy will happen to her family, which will cause her to lose interest in life. ...