No long time, no update! Sorry po sobrang nabusy sa pag aayos ng manuscript ng jar of love. Ipon na kayo mga mahal ha? 😉
Kabanata 6
I couldn't move from my position; it felt like my feet were stuck to the floor. My heart was racing so fast that I didn't even realize I was already feeling the softness of his lips.
I kissed him back...
"Erika," napapaos niyang tawag sa akin.
Tumalikod agad ako sa kanya at nagmamadaling umakyat sa aking kwarto. Hiyang hiya ako sa nagawa ko.
"What have you done?!" I cried.
Bakit ko hinayaan na tumugon ako sa ginawa niya? Kapatid siya ni Ate 'e. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin?
Hindi ako lumabas sa kwarto ng buong araw, kausap ko lang ang mga kapatid ko sa chats.
"Erika?" rinig kong tawag sa akin ni Tita Sera.
Inayos ko muna ang sarili bago siya pagbuksan ng pintuan, "a-ano po iyon?"
"Tara kain na tayo," aya niya sa akin.
"S-sige po," nagawa ko pa ring pumayag sa kabila ng pagiging kabado na baka makita ko si kuya scott.
"Hindi ka pa raw kasi bumababa mula kanina pa." kwento niya habang naglalakad kami pababa.
I felt embarrassed while Tita Sera was talking to me because I kissed her son.
"Ayos ka lang ba?" hinawakan niya pa ako sa braso, bakas din ang pag alala sa kanyang mga mata.
"O-opo! P-pasensya na may iniisip lang." napaiwas pa ako ng tingin.
Si Tito Jake lang ang bukod tanging nakita ko sa dining room, prente siyang nakaupo habang nag aantay sa amin.
Agad na yumakap sa kanya si Tita Sera pagkalapit nito, habang ako naman ay umupo sa harapan nila.
"Good evening, Tito!" I greeted him.
"Good evening to you too," he smiled at me.
Nakahanda na ang lahat ng pagkain sa mesa, nagtataka ako dahil tatlong plato lang ang nasa hapag namin.
"Tayo lang po ba ang kakain?" marahan kong tanong.
Tumango sa akin si Tito Jake, "Umalis na kasi si Scott pumunta siya sa Manila."
Para akong nabunutan ng tinik nung marinig na umalis na siya, hindi ko ata kakayanin na makasabay siyang kumain.
Tahimik lamang kaming kumakain sa hapag kainan, tanging tunog lang mula sa kubyertos ang naririnig ko sa paligid.
"Erika," tawag sa akin ni Tito Jake.
Nilunok ko muna ang aking kinakain bago siya sagutin, "bakit po?"
"Kumusta ka naman sa trabaho mo?" tanong niya.
"M-maayos naman ho ako," tugon ko.
"Magsabi ka lang kung may problema ha?" tanging pagtango na lang ang sinagot ko sa kanya.
Nagpresinta pa akong maghugas ng plato nung matapos na kaming kumain, pero hindi pumayag si Tita Sera sa sinabi ko.
"Magpahinga ka na lang sa taas at may pasok ka pa bukas," nakangiti niyang sabi.
"P-pero po?" apila ko pa.
She heaves a deep sigh. "No, buts! You should take a rest now."
Sinunod ko na lang ang sinabi ni Tita Sera, umakyat kaagad ako sa kwarto ko para makatulog na.
BINABASA MO ANG
Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)
General FictionFirst installment of Cebu series Erika Selene Mendoza and Scott Matthew Lewis story Erika Selene Mendoza is a woman who dreams a lot for herself and her family, But a tragedy will happen to her family, which will cause her to lose interest in life. ...