Kabanata 7

7.1K 147 19
                                    

Kabanata 7

"Girlfriend ko ang binabastos mo!" umawang ang labi ko nung marinig iyon.

Napatingin ako kay Kuya Scott walang bakas ng pagbibiro sa kanyang mukha, mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko.

"Girlfriend mo pala iyan, masarap ba siya?" nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig ko, sobrang bilis din ng pagtibok ng aking puso.

"Omygosh!" nagulat ako nung bigla siyang sugurin ni Kuya Scott.

Natumba kaagad ang lalaki dahil sa sapak na binigay sa kanya, nanlalabo ang mata ko habang pinapanood si Kuya Scott sa ginagawa niya.

Bumilis ang aking paghinga at parang lalong bumigat ang ulo ko dahil sa nakita. Ganitong ganito yung eksena naming noon sa tinitirhan naman nila nanay dito sa Cebu.

"Putangina mo bastos!" pinagsasapak siya ni Kuya Scott.

"T-tama na please..." nangatal ang boses ko.

Binitawan agad ni Kuya Scott ang lalaki para makalapit kaagad sa akin, hinawakan niya ako sa balikat para mapaharap sa kanya.

"N-natatakot ako..." humikbi ako sa harapan niya at nakita ko ang malambot niyang tingin sa akin.

My heart beats races when he pull me for a hug, "Sssh! Calm down."

He gently stroked my head to calm me down, and little by little, my fear started to fade. It felt like he was calming the storm within me; his warm hug and soothing voice were my sanctuary.

Why is it that, despite my fear of men, I feel so at ease with Kuya Scott?

"Subukan mong lumapit hindi lang iyan ang matitikman mo," malamig na sabi niya sa lalaki.

"Kakasuhan kita sa ginawa mo sa akin!" kumuyom pa ang kamay nito dala ng galit.

Pagak na natawa si Kuya Scott sa sinabi nito, "sigurado ka ba?"

"Kayang kaya kitang baliktarin sa korte," nakangising sabi pa niya sa lalaki.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at kitang kita ko ang marahas na paglunok ng lalaki.

"Kaya kung ako sayo pag iisipan ko yung mga desisyon ko sa buhay."

Hinawakan niya na ang kamay ko saka ako hinila palabas, ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng aking puso.

"K-kuya..." pilit kong inaalis ang kamay sa kanya.

Nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating kaming dalawa sa kanyang sasakyan, inalalayan niya pa akong makapasok.

"Uminom ka ng tubig," inabot nya sa akin ang isang bottled-water.

I drank the water that he gave me and I calmed myself more before talking to him.

"Ipapatanggal ko sa candidate list yung lalaki na iyon at ipapaban ko siya sa lahat ng pageant na sasalihan niya." Lumingon siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.

Ako na kaagad ang umiwas, "hindi naman na ata kailangan yun."

"Tsk!" I looked at him and I saw him rolling his eyes.

Ang maldito naman neto!

"Kahit ayaw mo final na yung desisyon ko," aniya.

"T-thank you!" I said suddenly, "thank you for saving me again."

Nakatitig lang siya habang nagsasalita ako sa harapan niya, para akong matutunaw sa ginagawa niya.

"You're welcome," he said softly.

Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon