Note: Hindi ako nagpa-pageant based lang 'to sa mga napapanood ko.
Kabanata 25
"Wow," yun na lang ang nasabi ko nung mabasa ang nakasulat sa card.
Inisa isa ko pang tingnan ang mga bulaklak na talagang nakasalansan ng maayos. Nagkaroon ako ng fans club at sila ang madalas magpadala ng mga regalo para sa akin.
Erika Selene Mendoza
Miss Universe-Philippines/To God be the glory
Napangiti ako nung makagawa na ako ng Instagram account na gagamitin ko bilang reigning Miss Universe-Philippines.
I've been busy for a week, yet amidst it all, I feel a deep joy in my heart. Finally, I've discovered the perfect path for myself.
I finally found my purpose in life.
"Erika Selene Mendoza with 300k followers," pinakita pa talaga sa akin ni Kuya Ezekiel ang account ko.
Kasama ko na sila ngayon ni Ate Elisse at nandito kami sa puntod ng mga magulang namin.
"Sikat na yung bunso natin nanay, tatay." Mahina pa siyang natawa.
Hinaplos ko ang puntod nila ng nakangiti. Walang hanggang pasasalamat ang meron ako para sa kanila, sila kasi ang dahilan kung bakit nahubog ako ng ganito.
Yung mga pagsubok sa buhay namin ang siyang mas nagpatatag sa akin at ngayon handa na akong humarap pa sa ibang pagsubok.
Masaya kaming kumain sa harapan ng puntod nila, pero dahil nga nasa strict diet ako tanging prutas lang ang pinakain sa akin.
"Aamuyin ko na lang sa screen yung mga cravings ko," nakalabing sabi ko.
"Tiis lang pag natapos yung pageant mo sa Spain ililibre ka ni ate sa unli buffet," sambit ni Ate Elisse.
"Siya lang ililibre mo 'te? Paano naman ako?" nagtatampong sabi ni Kuya Ezekiel.
"Kasama ka rin kung gusto mo kainin mo lahat doon sa restaurant hanggang mabilaukan ka." Balagbag na sabi ni Ate Elisse.
Ito yung isa sa paborito ko kapag magkakasama kaming magkapatid. Silang dalawa yung madalas na magbangayan, tapos ako nanonood lang sa kanila habang natatawa.
"Tara na hinahanap na daw ako ng kambal," sabi ni Ate pagkabukas ng cellphone.
"Nay, tay. Gabayan niyo po ako sa pageant ko ha? Nood kayo dyan sa langit, kasi iuuwi ko yung korona." Determinado kong sabi.
Dumiretso kami sa bahay nila Ate Elisse at nag-sanitize muna ako bago makipaglaro sa mga pamangkin ko.
"Ang pogi naman ng babies ni tita," pinugpog ko sila ng halik.
"Tata!" humagikgik si Zaccheus.
"Taaaa!" si Zsalm na tumatawa rin.
Nasa kandungan ko ang matataba at gwapo kong mga pamangkin. Nakipaglaro ako sa kanila para naman maging mapayapa ang isip ko.
"Danda," turo sa akin ni Zaccheus.
"Ganda si tita?" malambing kong tanong at tumango siya sa akin.
Si Zsalm naman ay nakatitig lang sa akin pero malaki ang ngiti sa mga labi. Muli ko silang niyakap at pinugpog ng halik.
Umalis din ako kinabukasan dahil kailangan kong um-attend sa mga meetings.
I've been passionately involved with a range of non-profit organizations, from community and educational programs to environmental campaigns, while actively highlighting the captivating beauty of tourism in the Philippines.
BINABASA MO ANG
Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)
Ficción GeneralFirst installment of Cebu series Erika Selene Mendoza and Scott Matthew Lewis story Erika Selene Mendoza is a woman who dreams a lot for herself and her family, But a tragedy will happen to her family, which will cause her to lose interest in life. ...