Expect errors :)) Papunta na sa exciting part?
Warning: R18
Kabanata 13
"Pakasalan mo na si Erika," umawang ang labi ko nung marinig ang sinabi ni Tito Jake.
Si Scott at Tita Sera ay ganon din ang reaksyon sa akin.
"Joke lang!" sabi ni Tito sa amin.
"You're unbelievable, Jake! Matanda ka na talaga," si Tita Sera na umirap pa sa asawa.
"Baka gusto mo masundan pa si Elisse?" pang aasar ni Tito kay Tita kaya nahampas siya nito.
Magkahawak kamay pa rin kami ngayon ni Scott sa harapan ng mga magulang niya.
"Sa opisina tayo," naging seryoso na ang boses ni Tito Jake sa harapan namin.
Sumunod na lang kami sa sinabi niya at nakaramdam agad ako ng lamig pagkapasok sa opisina niya.
"How long?" he asked seriously.
"What do you mean, dad?" Scott asked curiously.
"You know what I'm talking about, young man." I'm talking about your relationship."
Napalunok ako sa kaba nung makita kung gaano kaseryoso si Tito Jake habang kinakausap ko.
"Bago lang kami dad," sagot ng katabi ko.
"Kailan kayo nagkakilala?" muli nitong tanong sa amin.
"Matagal na dad. Bago siya makapunta dito sa atin nagkakilala na po kami," sabi ni Scott habang hawak niya ang kamay ko.
Gulat ang nakita ko sa mga mata nila nung malaman ang tungkol sa amin ni Scott.
"I'm so disappointed to the both of you," I gulped harshly when I heard Tita Sera's words.
"Nagsinungaling kayo sa amin sana una pa lang nagsabi na kayo," dugtong niya pa.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Scott bago niya sagutin ang sinasabi ng magulang niya sa amin.
"Kapatid ni Elisse si Erika baka kasi bawal kami," bakas na bakas ang kahihiyan sa boses ni Scott.
Umawang ang labi ko nung marinig ang pagtawa sa paligid.
"Talagang ginawa mo pa kaming kontrabida ha?" naiiling na sabi ni Tita Sera sa anak.
Konting sermon lang naman ang narinig namin sa kanila, pero mas tanggap nila kami.
"Sa susunod huwag na kayong maglilihim sa amin ha?" sabi ni Tito Jake.
Sabay kaming tumango ni Scott sa sinabi niya.
"Kami lang ba ang nakakaalam?" tanong pa sa amin.
"Si Cloud." tugon ni Scott, "pero huwag niyo na siyang pagalitan dad."
Hinatid ako ni Scott sa kwarto nung matapos na ang pakikipag usap namin.
"Ako ng bahalang magsabi kay Elisse at Ezekiel," hinawakan niya ako sa balikat.
"T-thank you!" I hugged him.
"Palangga taka," malambing niyang sabi.
Napangiti ako nung marinig iyon, medyo nakakaintindi na rin kasi ako ng Cebuano.
"Mahal din kita," mas yumakap ako sa kanya.
Payapa ang naging tulog ko at sinundo ako ni Scott sa kwarto kinaumagahan.
"Ang aga mo naman akong pinuntahan dito," pumupungas pungas pa ako.
"Maayong adlaw," bati niya sa akin. (translation: magandang umaga)
BINABASA MO ANG
Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)
Ficción GeneralFirst installment of Cebu series Erika Selene Mendoza and Scott Matthew Lewis story Erika Selene Mendoza is a woman who dreams a lot for herself and her family, But a tragedy will happen to her family, which will cause her to lose interest in life. ...