Kabanata 20

4.4K 104 26
                                    

Kabanata 20

Kumakabog ang puso ko habang pinupunasan ang hita niyang nabasa ko. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa kanya, pero hindi naman ako pwedeng magsalita kapag magkalapit kami.

"Oh, rika?" gulat na sabi ni Aries nung makitang pinupunasan ko si Scott.

"Ako na dyan," sabi niya bago kunin sa akin ang panyo.

Tumayo na ako saka pinagpag ang sarili napatingin ako kay Scott na nakasimangot.

"Bakit siya yung kinuha hindi na nga nagsasalita ang tanga pa?" panglalait niya.

Lumunok na lang ako para pigilan yung nararamdaman ko. I mouthed my sorry to him and Aries is the one who told him.

"Boss, sorry daw sabi ni Rika." Tumingin si Aries sa akin bago bumaling kay Scott.

Hindi umimik ang isa sa halip ay nag utos na lang siya ulit sa amin. Ako ang nagpakain sa kanya habang si Aries ay nakabantay lang sa amin.

"Ako na magligpit," alok ni Aries sa akin at inabot ko sa kanya ang pinagkainan ni Scott.

Katahimikan na naman ang bumalot sa loob ng kwarto at tanging pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Saan ka nakuha nila daddy?" tanong niya.

"Ay oo nga pala di ka nagsasalita," sabi niya habang naiiling.

Lumapit ako sa kanya para punasan ang labi niya nagkatitigan kami pero kumirot ang puso ko habang nakatingin siya sa akin.

Hindi niya ako nakikita. Hindi niya alam kung sino ba ang nasa harapan niya.

"Gusto kong lumabas," sabi niya sa akin.

I immediately followed his order, and we went to the garden to get some fresh air. I was just reading a book while he was staring blankly into space.

"So, you're here," Aries said as he arrived.

I just smiled at him and continued reading the book that I'm holding.

"What the fuck!" I cursed in my mind when I saw him staring at me.

Ako na agad ang nag iwas ng tingin sa kanya, narinig ko pa ang pagtikhim ni Aries habang nakatingin sa aming dalawa.

Maghapon kong inalagaan si Scott at nakapagpahinga lamang ako nung pumunta ako saglit sa dining room para kumain.

"Erika," tawag sa akin ng mayordoma.

"Magandang araw po," bati ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin saka umupo sa tabi ko. "Kumusta ka na?"

"Ayos lang naman po ako. Kayo ba?" tanong ko na rin.

"Maayos din naman anak. Nakakatuwa naman at nakabalik ka na rito sa amin sa hacienda." Aniya.

Nagkwentuhan kaming dalawa habang kumakain ako at umalis lang siya nung may kailangan siyang asikasuhin.

Kinagabihan ako din ang nagpakain kay Scott, pero inaagaw niya sa akin ang kutsara.

"Hindi ako baldado! Bakit ba ganon ang tingin niyo sa akin?!" sabi niya at tinabig ang plato.

Huminga ako ng malalim bago pulutin yung mga pagkaing natapon dahil sa ginawa niya. Tahimik lamang akong umiiyak habang nagpupulot.

"Ako na dyan." Si Aries na ang nagpresinta.

Pumunta muna ako sa cr para makapaghilamos at maayos ang sarili.

"Kaya mo 'to!" sabi ko sa harap ng salamin. "Kaya mo 'to! Kaya mo 'to!"

Ang laki ng pagbabago kay Scott madalas ngang mainit ang ulo niya tulad ng sinabi sa akin ni Ate Elisse.

Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon