Kabanata 19

4.5K 102 23
                                    

Expect errors :))

Kabanata 19

Parang pinipiga ang puso ko nung makita ang itsura niya. Nakaupo siya sa wheelchair at may puti na sa itim ng kanyang mga mata. May peklat rin sa paligid nito na mistulang nanggaling sa mga bubog.

"Calm down," hinaplos ni Kuya Ezekiel ang likod ko.

"Happy birthday, ma!" si Scott.

Nakangiti siya nung batiin si Tita Sera na agad lumapit sa kanya. Napatingin ako kay Ate Elisse na nakatingin na pala sa akin.

"Mukhang marami tayong bisita ah?" sabi pa ni Scott.

Nilibot niya ang mata sa paligid na animoy nakakakita pa siya, bumilis ang pagtibok ng aking puso nung huminto ang mata niya sa akin.

"Tara na kain na tayo," biglang nagsalita si Tito Jake.

Inabot ko na muna ang regalo ko para kay Tita Sera.

"Thank you, ija! It's nice to see you again." she smiled at me.

"Happy birthday, Tita!" I said shyly.

Niyakap niya ako at tinapik ang aking balikat.

"T-tita I'm s-sorry po..." my voice cracked.

"Ssh! It's okay naintindihan ka namin. Sige na at kumain na tayo." Aniya.

Kina Ate Elisse ako sumama para kumain. Humingi na rin siya ng dispensa sa hindi pagsabi sa akin ng tungkol doon.

"Ano ka ba 'te! Ayos lang yun." ngumiti ako sa kanya.

Nagpatuloy na kami sa pag kain. Napatingin ako sa pwesto kung nasaan si Scott at kitang kita kung paano siya nahihirapan.

"Kaya ko na," kinuha niya ang kutsara kay Kuya Cloud.

Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya, dahil sumisikip ang dibdib. Ano bang nangyari at nagkaganyan siya?

Huling kita ko sa kanya sa Florida ang ayos pa ng itsura niya.

Nasa gilid lang si Scott at tulala habang nagkakasiyahan ang lahat.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Tito Jake.

"Babalik na po ako sa kwarto." sagot naman ng isa.

Lumapit kaagad ang nurse ni Scott para mahatid siya sa kwarto. Sumunod din naman kaagad si Kuya Cloud sa kapatid niya.

Sana hindi niya sabihin kay Scott kung sino ang mga bumisita. Halos mag iisang oras din siya sa kwarto ng kapatid.

"Kuya Cloud." tawag ko sa kanya.

"Oh?" napalunok ako nung sumagot siya.

"Sinabi mo bang nandito kami?" tanong ko.

Nanlaki ang mata ko nung bigla siyang matawa sa harapan ko.

"Bakit ko naman sasabihin sa kapatid ko yung tungkol sayo?" Tanong niya sa parang nakakainsulto.

"Sinaktan mo ang kapatid ko Erika, kaya wala akong panahon para sabihin sa kanya ang tungkol sayo."

Oo nga naman! Bakit ko ba kasi iniisip yun? Ngumiti na lang ako sa kanya at humingi ng pasensya.

Naging palaisipan sa akin ang tungkol sa nangyari sa kanya, kaya naglakas na ako ng loob magtanong kay ate nung makaalis na kami sa Cebu.

"Ate, pwede ko bang malaman yung tungkol sa nangyari sa kanya?" pagtukoy ko kay Scott.

"Sige mamaya i-kwento ko sayo ha? Patulugin ko muna yung kambal." Nakangiti niyang tugon.

Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon