Kabanata 31

3.6K 105 23
                                    

Warning: R18

Kabanata 31

"Congratulations!" sabay sabay nilang sabi.

Tumayo na si Scott para yakapin ako, sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong ikakasal na kami.

"So, ano ng plano?" tanong sa amin ni Serenity.

"Hanap agad ng wedding planner. Baka may kilala ka ate." Sagot naman ni Scott sa kanya.

"I know someone," The latter said.

Nagsalu salo na rin kaming lahat sa hapag kainan, napuno ng tawanan ang hapag kainan.

"I'm happy for the both of you." Sambit ni Tita Sera ay este Mommy Sera.

"Thanks, Mom!" nagsabay pa talaga kaming dalawa ni Scott kaya natawa kami.

Bago matulog ay kinausap ko muna ang mga kapatid ko, tuwang tuwa kami habang pinagmamasdan ang engagement ring.

"Nauna pang ikasal sa akin si bunso," si Kuya Ezekiel na nakatingin sa singsing ko.

"Hindi pa rin ba kayo, okay?" tanong sa kanya ni Ate, bakas ang pag aalala sa mga mata nito.

Tanging pag iling lamang ang sinagot ni Kuya sa kanya.

"Hindi ko alam yung gagawin ko." Huminga siya ng malalim. "Galit ako sa kanya pero alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya."

"Sundin mo yung puso mo pero syempre dapat balance ang puso't isipan," payo sa kanya ni Ate.

"Take a risk, kuya." Dugtong ko naman sa sinabi ni Ate.

Inabot pa kami ng dalawang oras sa pagkwekwentuhan, nauna ng umalis si Ate Elisse sa amin dahil tinawag na siya ng asawa niya.

"Pahinga na at nag aantay na sayo yung fiancée mo," ginulo pa ni Kuya ang buhok ko.

Naabutan kong may kinakausap si Scott sa telepono pagkabalik ko sa kwarto, umupo lamang ako sa kama habang nag aantay sa kanya.

"Sige bukas na lang tayo mag usap," sabi niya sa kausap sabay patay sa tawag.

Mahimbing ang naging tulog ko dahil magkayakap kaming dalawa, tuluyan ng nabuo ang basag na parte ng aking pagkatao.

Nagtulungan kaming dalawa ni Scott sa pag aasikaso para sa kasal namin, ako ang namili ng gown designer pati na ng theme.

"Ako na gagastos sa kasal," Aniya.

"Mag ambagan naman tayo, dalawa kaya tayong ikakasal." I insisted.

"Sus! Sinabi ko bang mag ambagan tayo? Wala tayo sa inuman beh." Humaba pa ang nguso niya,

"Saan mo ba nakukuha 'yan?" naiiling kong sabi, habang nagpipigil na ng tawa.

"Inner thoughts ko lang boss," sagot niya kaya hindi ko na napigilan ang pagtawa.

Naging busy kaming dalawa ni Scott sa pag aasikaso para sa kasal namin, pumayag na ako sa gusto niya na siya ang gumastos sa lahat.

Erika Selene: Got engaged.

I posted a photo of my ring finger with my engagement ring on it, and it became a worldwide trend.

#1 in trend: Former Miss Universe 20xx is now engaged (130k posts)

#14 in trend: Let's look back at Miss Universe 20xx love story with her fiancée (100K posts)

Comments:

: Hala Cebuano pala mapapangasawa niya."

: Ang yaman pala ng fiancée niya"

Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon