Kabanata 1

10.9K 175 15
                                    

Kabanata 1

I felt his hand gently caress my palm, and his smile warmed me from inside. It was my first time feeling this way with a stranger.

"Nice meeting you, Erika." He showed his perfect set of teeth.

"Likewise."

Agad kong binitawan ang kanyang kamay bago umupo sa isang upuan na malapit sa kanya.

"Thank you," he told me.

"Trabaho ko po iyon," malumanay kong tugon sa kanya.

"I know but I just want to say thank you." He said more.

Ilag ako sa mga tao kaya halos hindi ako magsalita sa harapan niya, isama pa na wala akong tiwala sa mga lalaki.

Maya maya pa ay dumating na ang kasama niya at may dala pa itong pagkain.

"Dito na po ako," tumayo kaagad ako.

"Sabay ka muna sa amin," aya ni Sir Scott sa akin.

Agad kong tinanggihan ang alok niyang iyon. "Hindi na po kasi may trabaho pa ako sa labas."

It was my first time feeling comfortable around strangers after that horrifying event in my life.

"No, don't trust anyone," I whispered to myself.

Pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho hanggang sa matapos ang duty ko.

"Erika!" narinig kong may tumawag sa akin at sa paglingon ay nakita ko si Scott na papalapit sa akin.

"May kailangan po ba kayo?" tanong ko sa kanya.

He touched his nape, "Nothing. Sabay ka na sa amin ni Cloud."

"No, thanks." I turned down his offer.

"Why? Huwag ka ng mahiya at saka gabi na rin mahirap ang sumakay," tuloy tuloy niyang sabi.

"Ingat na lang po kayo," pilit pa akong ngumiti sa harapan niya.

Tumalikod na agad ako saka naglakad ng mabilis para makaalis na. Kinakabahan din ako kanina habang kausap siya sa totoo lang.

"Oh?" bungad ko nung si Kuya Ezekiel ang nagbukas ng pinto.

"Maagang natapos sa presinto kanina," kwento niya kaagad.

Ngumiti lang ako sa kuya ko bago magpaalam para magpalit ng suot. Madumi kasi sa ospital kaya hindi ako komportable kung hindi makakapagpalit agad.

"Galing kay Ate," inabot niya sa akin ang dalawang paper bag.

"Nakita mo siya?" excited kong tanong pero Nawala iyon nung umiling siya sa akin.

"May inutusan lang siya."

Humigpit ang hawak ko sa mga paper bag, "Bakit ba ayaw magpakita sa atin ni ate, kuya?"

"At saka nasaan ba siya ngayon?" sunod sunod kong tanong.

"Hindi ko alam..." lumapit siya sa akin para yakapin ako.

I cried in my brother's arm. "Shush," he wiped my tears.

Pinaupo na ako ni Kuya at sabay naming binuksan ang mga pinadala ni Ate Elisse para sa amin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot, kung buhay lang siguro ang nanay at tatay panigurado meron din silang regalo na galing kay Ate.

"Mukhang mamahalin yung mga regalo ni ate sa atin 'a?" napatango na lang ako sa sinabi ni Kuya.

"Kung nasaan man si ate sana ayos lang siya," aniya ko.

"Sana nga at saka sana sa susunod lumapit na siya sa 'tin," tugon naman ni Kuya.

Alam din naming ni kuya na wala na ang nanay at tatay ang kaso nga lang hindi namin alam kung nasaan ang puntod nila.

Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon