Kabanata 21
I swallowed hard while looking at him, mabilis din ang pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.
"But that's impossible; you can't even speak," he said to me.
Nakahinga lang ako ng maluwag nung sinabi niya iyon, sumulat ako sa papel at saka inalalayan ang kamay niya para makabasa.
I just watched him as he carefully touched each letter. He looked up at me again, and I took the chance to admire him.
"W-why?" he stammered when I reached out to touch the scars around his eyes.
Agad kong inalis ang kamay ko, sumulat agad ako sa papel para humingin ng paumanhin.
"Ayos lang." Aniya.
Katahimikan na naman ang bumalot sa loob ng kwarto niya. Nakagat ko pa ang ibabang labi habang nilalaro ang kamay.
"Gusto ko ng maligo." Nakakatayo naman na siya kahit papano.
"Bakit ka sumusunod?" sabi niya.
Hindi niya ako nakikita pero malakas yung pakiramdam ni Scott. Alam niya nga kung may papalapit sa kanya eh.
"Tanong ako nang tanong sayo hindi ka naman pala nakakapagsalita." Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
Pumasok na siya sa banyo at ako naman ay umalis na.
"Lalabas muna ako," mahina kong sabi kay Aries nung dumating siya.
Kailangan ko pa lang maghanda ng pagkain para sa kanya, pumunta muna ako sa dining room para roon.
"Erika," tawag sa akin ng isa sa kasambahay.
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong niya.
"Hindi na po patapos na rin naman ako," nakangiti kong tugon sa kanya.
Inayos ko na ang mga kakainin ni Scott para madala na sa kwarto niya.
"Dito na po ako," paalam ko at tumango lang siya.
Pagpasok sa kwarto ay naabutan kong nakaupo na siya. Nasa tabi niya si Aries na hawak ang cellphone.
"Boss, ayan na pala yung pagkain mo." Tumayo na siya para kunin ang mga dala ko.
Hindi naman na kailangang pakainin ni Scott dahil sanay na siya sa sitwasyon niya.
"Asan yung tubig?" kumapa kapa pa siya sa mesa at agad ko namang inabot sa kanya ang baso.
"Thanks," he said nonchalantly.
Si Aries na ang nagligpit ng pinagkainan niya habang ako naman ang naglinis sa mga kalat. Kinagabihan ay kinausap ko si Kuya Ezekiel sa tawag.
"Kumusta ka na dyan?" yun ang bungad niya sa akin. "Pinapahirapan ka ba niya?"
"Okay lang ako kuya at saka hindi naman mahirap." Sagot ko.
"Totoo ba?" tanong niya pa.
"Oo nga kuya at saka huwag ka ng mag alala sa akin. Kaya ko naman."
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya.
"Ayos lang talaga ako kuya kaya huwag ka ng mag alala pa sa akin." Pampalubag ko sa loob niya.
"Hindi ka ba sinusungitan ni Scott?" tanong niya.
"Hindi." Pagsisinungaling ko.
"Sus! Ito talaga ayaw pang umamin," napailing na lang ako sa sinabi niya.
Isang oras rin kami nag usap ni Kuya at napag usapan na rin namin ang death anniversary ng magulang namin.
"Sa susunod na linggo na nga pala yun." Pagkausap ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)
Ficción GeneralFirst installment of Cebu series Erika Selene Mendoza and Scott Matthew Lewis story Erika Selene Mendoza is a woman who dreams a lot for herself and her family, But a tragedy will happen to her family, which will cause her to lose interest in life. ...