Kabanata 3
Nagtagpo ang aming mata at mabilis na kumalabog ang puso ko nung bigla kong narinig si Ate Elisse.
"What the?!" Shock was evident in her voice. I immediately got up and felt my cheeks getting hot.
"Ate..." tawag ko sa kanya.
Inayos ko pa ang sarili at nakita ko ang tingin niya parang nagtatanong sa akin.
"Mag iingat ka sa susunod," seryosong sabi ni Kuya Scott bago tumalikod sa amin.
Pinanood ko pa siyang umalis, nakakahiya naman at siya pa ang nakasalo sa akin.
"Ano 'yon?" tanong ni ate at agad akong umiling.
"Wala 'yon, ate. Nadulas lang ako tapos ano nasalo niya lang ako." tugon ko.
"Bakit ka nadulas?" pang uusisa niya pa kaya napakamot ako sa batok.
Abogada pa naman 'to si ate kaya ang dami talaga niyang tanong. Sinabi ko sa kanya na naisipan kong maglinis dahil nahihiya ako rito sa hacienda.
"Ano ka ba? Pamilya ka namin kaya huwag kang mahihiya," malambing niyang sabi.
Inaya niya na ako na pumunta sa kusina at napansin ko na nag iba kaagad ang mood niya sa harapan ng mga katulong.
"Nag asikaso ka na ba para sa requirements mo?" tanong niya pagkaupo namin.
"Hindi pa ako nakakapag asikaso ate."
Kumuha na rin siya ng makakain naming dalawa habang nag uusap kami.
"Thank you, ate." I said softly.
"No worries," she smiled at me.
Blueberry cheesecake at lemon tea ang pagkain na ibinigay sa akin ng ate, pinag usapan namin ang tungkol sa paninirahan ko sa mga Lewis.
"Ayos lang naman ako dito, ate. Nag aadjust pa rin ako sa kanila," kwento ko.
"Mabuti naman kung gano'n," nakangiti niya pang sabi.
"Pasensya ka na ha? Kung madalas kaming wala dito ni Ezekiel," dugtong niya pa sa sinabi, hinawakan ko ang kamay niya.
"Naiintindihan ko naman ate at saka salamat ha? Kasi kahit na may pinagdadaanan ka nilalaban mo pa rin ang kaso nila nanay," marahan kong saad.
My heart tightened when I saw the forming tears in her eyes, "I need to be strong for them." she told me.
Pain were inflicted in her eyes.
"Nandito na kami ate, hindi ka na mag isang lalaban para kina nanay." gumaralgal din ang boses ko.
Mag iiyakan na sana kami ni ate, pero biglang pumasok si Kuya Scott na magulo pa ang blondeng buhok.
My heart beats fast when I remember that scene earlier, pakiramdam ko ay nag iinit ang sulok ng pisngi ko.
"Ayos ka lang?" tanong ni ate.
"Y-yes," I bit my inner cheeks.
Bigla ko kasing naalala yung posisyon naming dalawa kanina, pati na yung paghawak niya sa bewang ko.
"Wala kang lakad ngayon, kuya?" rinig kong tanong ni ate sa kanya.
"Baka may race car driving akong puntahan mamaya," sagot naman ng isa.
"Ingat! Yung sinasabi ko sa 'yo, ha?" dugtong pa ni ate at tumango lang si Kuya Scott.
I secretly watched him walk away in front of us. I shouldn't feel this way towards him. I don't want to trust men besides my brother.
BINABASA MO ANG
Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)
General FictionFirst installment of Cebu series Erika Selene Mendoza and Scott Matthew Lewis story Erika Selene Mendoza is a woman who dreams a lot for herself and her family, But a tragedy will happen to her family, which will cause her to lose interest in life. ...