Expect errors
Kabanata 23
Gustong gusto kong isumbat sa kanya yung mga ginawa niya. Tangina umasa ako eh! Yung mga pinapakita niya pala sa akin wala lang yun.
"Iwasan na natin yung isa't isa. Gawin mo na lang yung trabaho mo bilang nurse ko." Seryosong sabi niya.
Ramdam na ramdam ko yung pait sa aking lalamunan tahimik lamang ako na sumusunod sa kanya para maalalayan siya hanggang papasok sa kwarto niya.
"Salamat." Walang emosyon niyang sabi.
Hindi niya ako nakikita pero tumango pa rin ako sa kanya. Pagpasok sa kwarto na tinutuluyan ko ay doon ko binuhos yung luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hanggang madaling araw akong umiiyak at nakatulog na lamang ako dahil sa sobrang pagod.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Aries sa akin nung makasalubong ako.
"Oo naman. Bakit mo natanong?"
Tumabi siya sa akin at pinagmasdan ako na siyang dahilan para mailang ako sa kanya.
"B-bakit?" utal kong tanong.
"Umiyak ka 'noh?" turo niya sa akin.
"Hindi ah! Paano mo naman nasabi 'yan?" pagtanggi ko.
Papunta na kaming dalawa sa kwarto ni Scott, hindi ko pa rin malimutan yung kagabi.
Pagpasok sa kwarto ay nakita kong nakaupo na si Scott sa kama. Wala rin siyang pang itaas kaya napalunok ako nung makita ang malapad niyang likuran.
"May tao ba dyan?" tanong niya.
"Kami ni Rika 'to boss," si Aries ang sumagot sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nung hawakan ni Aries ang kamay ko, pinanlakihan ko siya ng mata pero ngumiti lang siya sa akin.
"Lambot ng kamay mo, riks ah?" pasimple pa siyang lumingon sa isa. "Ang sarap hawakan."
Pinandidilatan ko na ng mata si Aries, pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ang aga aga naglalandian kayo dyan," sarkastikong sabi ni Scott.
Tinanggal ko na ang kamay ni Aries sa akin at sinenyasan ko siya na tanungin sa isa kung ano ang kailangan nito.
Sinunod ko yung sinabi ni Scott sa akin na gawin ko na lamang ang trabaho ko bilang nurse niya. Hindi naman niya ako nakikita, pero iniwasan ko pa rin talaga siya.
"Parang hindi ata kayo nagsasama masyado ni Scott?" si Aries na sumunod pala sa akin.
"Huy! Bakit sumunod ka?" sabi ko habang bitbit yung pinagkainan ng isa.
"Bakit nga?" usisa niya.
Hindi ko na lamang siya sinagot sa halip ay nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kitchen.
"Bakit ba sumunod ka pa at saka bakit tanong ka nang tanong?" sunod sunod kong sabi habang nasa kusina kami.
"Gusto ko lang naman malaman eh." Sumandal siya sa pader at pinagkrus ang mga braso niya.
"Kalalaki mong tao chismoso ka." Walang kaabog abog kong sambit.
Umaawang ang labi niyang nakatingin sa akin. "Naging chismoso pa nga."
"Bakit hindi ba?" Ani ko at mahina lang siyang natawa.
"Mukhang gumagana yung ginagawa ko 'no?" nagtaka ako sa sinabi niya.
"Huwag mo na lang isipin yun." Sabi niya at ginulo pa ang buhok ko.
Tanging pagbabasa lamang ng libro ang ginawa ko habang inaalagaan ko si Scott, hindi ko pa rin naman kakalimutan yung responsibilidad ko bilang nurse niya.
BINABASA MO ANG
Taming her Beauty (CEBU SERIES #1)
General FictionFirst installment of Cebu series Erika Selene Mendoza and Scott Matthew Lewis story Erika Selene Mendoza is a woman who dreams a lot for herself and her family, But a tragedy will happen to her family, which will cause her to lose interest in life. ...