"Go na, kaya mo yan" sabi ni Naina.
Nandito kami ngayon sa lilim ng puno. Charot. Basta nasa field kami ngayon dahil pinapractice nina Joyce at Naina yung presenter nila para sa event mamaya.
Ngayon na kasi yung competition sa BGW. Dahil hindi naman ako mahiwalay sa dalawa, kaya nandito ako ngayon sakanila nanonood kahit hindi ko naman sila ka-grupo.
Isa rin ako sa mga presenter pero hindi na ako pina-practice ng mga kasama ko dahil nahihiya akong mag practice sa harapan nila. Nakapag practice naman na ako sa bahay pero hindi pa rin mawala ang kaba ko.
I wasn't too worried about delivering a poor presentation, but the fear of freezing up or stumbling over my words was almost paralyzing. The thought of making a fool of myself in front of so many people was daunting. My pride couldn't handle the embarrassment, and the idea of collapsing from sheer terror made me shiver.
Hindi ko na nga masyado pinapahalata na kinakabahan ako pero alam kong nahahalata naman nilang dalawa kasi simula kaninang umaga ay hindi ako mapakali at tahimik lang.
Inaalala ko kung memoryado ko na ba bawat words. Basta kinakabahan talaga ako. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakapag public speaking. Dalawang taon din kaya kaming nasa loob ng bahay dahil sa pandemic!
"Hindi ka magpa-practice Zay? Halika na," yaya sa akin ni Naina.
Tumanggi ako kasi nga kinakabahan ako. Iba pa naman ako kabahan. Nasusuka ako na parang ewan. Wala naman akong naisusuka. Basta ganon yun. Hindi na nga ako umiinom ng tubig sa sobrang kaba.
Mamayang alas kwatro pa yung competition kaya nag re-ready nalang sina Joyce at pinapatatag nila ang loob nung presenter nila. Grabe din nila i-comfort at ginawa ang lahat para mapapayag lang yung kaklase naming iyon.
After their practice, the three of us headed to the lounge. I had already changed into my outfit: a pink blouse, black trousers, and heels, which made me a bit uncomfortable. I tied my mid-length hair in a ponytail, feeling more confident speaking when my hair was secured. Naina had also done my makeup-she's always been amazing at it and never complained about doing it for us.
Kahit anong event ay siya lagi ang nag aayos sa amin ni Joyce. Never nga nagdamot yun sa mga gamit niyang make up. Never rin siyang humindi o mag reklamo kapag inaayusan niya kami kahit na nakaka-ngalay naman kasi talagang mag ayos at mag make up ng ibang tao.
Pagkatapos kong mag bihis at mag ayos ay pumunta na ako sa lounge dahil hinahanap na daw yung mga students na magpe-present. Pina-upo na rin kaming lima sa mga bleachers na upuan habang sine-set up yung mga powerpoints na gagamitin.
Kinakabahan talaga ako pero yung hindi kaba na nangi-nginig basta ang uncomfy lang sa feeling. Tinignan ko muna sina Joyce at Naina para kumuha man lang ng power at inspiration. Sinunod kong tignan yung mga kagrupo ko. Ang cute pa nga nila mag cheer, may dala pa silang mga flaglets.
Natuon ang atensyon ko sa lalaking naglalakad sa hallway papuntang office. Si Lachlan kasi yun. Uuwi na ata siya. Nakaka-lungkot. Sayang. Hindi man lang ba siya manonood? Sabagay sabi niya ay hindi daw siya makaka nood dahil tinatamad siya kaya uuwi daw siya nang maaga.
Lachlan Madden
zaylee
ano suutin mamaya?
sa gym ba yan?
Zaylee Sevilla
sa puso ko
dejoke
sa lounge
nood ka ha, mag present ako
ay wag na pala
YOU ARE READING
Maybe Next Time
General FictionStaring at your eyes was the first thing that makes me feel butterflies. It was the root of my happiness, contentment, motivation and....miseries. Zaylee Amara Sevilla tried everything to fulfill her dreams and to forget those captivating eyes. If...