Chapter 17

30 1 0
                                    


"Mendoza Corporation is considering an investment of $20,000 will create a perpetual after-tax cash flow of $2,000. The required rate of return is 8%. What is the investment's profitability index?"

Pangatlong araw na ito nang pagre-review namin. Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang ulo ko kaka-solve ng mga accounting at financing problems na pinapasagot sa amin ni ma'am. Kailangan kong mag focus dahil nakaka-hiya sa mga kasama ko kung lahat sila ay tama ang sagot tapos ako lang yung hindi?

"A. 1.08, B. 1.16, C. 1.5 or D. 1.25. Your 30 seconds timer starts now," dugtong pa ni Ma'am.

Grabe! Ang hirap ng tanong tapos 30 seconds lang yung ibibinigay ni ma'am na oras para i-solve iyon. Minadali ko na ang pag-solve at pagpipi-pindot sa calculator dahil konti nalang ang oras.

"Okay, raise your cardboards"

Tinignan ko isa-isa ang mga cardboards nila at lahat iyon ay letter A. Nako! Ako lang ang mali? Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya kinakabahan ako sa mga paganito nakakahiya pa naman.

"I see. The four of you have the same answer, and only Zaylee got the correct answer. It's letter D,"

Sino ka dyan! Hindi ko inaasahan na tama yung sagot ko dahil parang lutang ako ngayong araw. Hindi pumapasok sa utak ko lahat ng mga sinasabi ni ma'am.

"How did you get the answer? Can we see kung paano mo sinolve?" pasaring na tanong ni Lachlan.

Alam ko na itong style niya. Binabawian ata ako neto nung isang beses kong sinupalpal ang sagot niya. Hinahamon niya talaga ako. Hindi porket siya ang laging tama sa mga review sessions namin ay mali na ako. Tanggapin nalang sana niya na mali siya. May pa-how did you get the answer pa siyang nalalaman.

Napabuntong hininga pa ako at sinimulang mag explain habang nakatitig nang malala kay Lachlan. Watch and Learn.

"According to the problem, the given present value of future cash flow is equivalent to $2,000 over 0.08 which was derived from 8%. $2,000 divided by 0.08 is equal to $25,000. If we are going to find its profitability index, we have to divide $25,000 to $20,000 which will give us the answer of 1.25." mahabang pag explain ko.

"Very good Zaylee. Tama ang way of calculating niya Lachlan. Try it" nakangiting sabi ni ma'am habang naka-tingin kay Lachlan.

"Done na po ma'am. She's correct" ani Lachlan

Nginitian ko ito nang pagka-tamis tamis para mas lalo siyang mainis. Alam ko namang hindi ito naiinis pero ang sarap niyang asarin lalo na kung nauungasan ko siya pagdating sa pagsagot.

"Let's proceed to another question" pagkuha ng atensyon na sabi ni ma'am.

"For this question ay wala ng given choices ha. Show me your solution" pahabol na sabi ni ma'am.

"Let's assume a firm spent P60 million on labor and materials to generate P100 million in total revenues. In addition to these expenses, the firm also had other costs: P200,000 in forgone interest, P40,000 in economic depreciation, and P130,000 as normal profit. What would the firm's economic profit be?"

"Your timer starts now"

Kanya-kanya kaming sagot dahil konting oras lang inilaan ni ma'am para sa amin. Rinig ko ang bawat tunog ng mga calculator dahil sa malakas na pagpindot ng mga kasama ko. Maya-maya pa ay natapos na ang tatlumpong segundo kaya't itinaas na namin ang aming mga sagot.

"What's your answer, Lysandra?" tanong ni ma'am kay Ate Lysandra.

"P39,650,000 po ma'am" sagot ni Ate Lysandra.

Maybe Next Time Where stories live. Discover now