Chapter 9

73 1 0
                                    


Trigger Warning: Self Harm

Sa wakas ay tapos na rin ang napaka hectic na Business and Governance Week kaya ang pinagkaka-busyhan nalang namin ngayon ay ang pagtapos sa business research namin at ang nalalapit na madugong finals.

Kanina pala ay sinamahan namin si Ate Flor sa library dahil magkikita raw sila roon ni Lachlan. Syempre game na game naman ako sumama kasi makikita ko siya. Don't get me wrong ha. Syempre friends, feeling ko naman friends kami kaya gusto ko siyang makita. Kung gaano kasi siya kadaldal sa chats ay ganoon naman siya kailap sa personal.

Hindi siya mahilig magsalita. Lagi pang walang emotions ang pagmumukha niya. Hindi mo tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Minsan maiisip mo rin na baka iniinsulto ka na niya. Basta wala talagang emotions ang face niya. Parang ganito 🙂

Nandito na kami ngayon sa library. Hindi kami makapag ingay. Malamang, obvious ba? Nasa library nga diba. Ano ba naman yan.

Habang nag hihintay ay inaabangan ko na siya. Malabo talaga ang paningin ko pero kapag siya ang nasa paligid talagang nakikita ko. Lumilinaw tuloy bigla.

Maya-maya ay pumasok na siya. Pinagmasdan ko ang mga kilos niya dahil natatawa na rin kasi ako. Pagpasok na pagpasok niya ay lumingon muna siya sa paligid. Mukhang hinahanap niya kung saan naka pwesto si Ate Flor.

Sa kabilang side naman siya tumingin at maya maya ay napadako ang mga mata niya sa pwesto namin. Pag tingin niya ay kitang-kita niyang naka tingin ako sakaniya kaya nakapag-titigan pa kami ng ilang segundo. Pagkatapos ay umalis nalang siya bigla.

Lah? Parang tanga naman. Nakita lang ako biglang umalis na. Mukha ba akong nakakatakot? Hindi ko naman siya inaano. Lakas-lakas ng loob niya sa chat pero sa personal tumitiklop.

Hindi ko na sinabi na nakita ko si Lachlan kay Ate Flor dahil bigla niyang sinabi na sa department's office nalang daw sila magkikita.

Ay wow! Napakasinu-swerte naman ng lalaking iyon. Si Ate Flor pa talaga ang pinapunta niya porket nakita niya lang ako.

Ang hindi niya alam ay nag volunteer akong samahan si Ate Flor sa office. Oh diba? Walang effect din yung pag iwas niya dahil makikita niya ulit ako.

Pagdating namin sa office ay nakita ko ang gulat na gulat niyang mukha. Para siyang nakakita ng multo?

Ano ba problema niya ha? Inaano ko ba siya?

Hindi na siya nag react. Nag usap na sila ni Ate Flor habang ako ay umupo muna sa mga upuan. Katabi ko yung isa kong kaklase pero hindi kami close kaya hindi ko siya kinakausap.

May iniutos ata si Lachlan kay Ate Flor kasi bigla itong lumabas. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kung magse-stay ba ako sa office o hihintayin ko siyang makabalik?

Wala akong choice. Hinintay ko nalang siya dahil makiki-aircon na rin naman ako sa office. Biglang umupo si Lachlan sa tabi ng kaklase ko kaya isang tao ngayon ang pagitan namin.

Dahil malakas ang pandinig ko at tsaka ang lapit lapit lang naman nila sa akin kaya naririnig ko yung pinag uusapan nila. Nag uusap sila nang tungkol sa parts ng business research. Hindi pa ata sila tapos samantalang ako chill-chill nalang dahil tapos naman na kami nina Joyce.

Biglang umalis yung kausap ni Lachlan kaya magkatabi nalang kami ngayon. Akala ko ay kikibuin niya ako dahil may pinagsamahan naman kami. Kung ano ano na nga pinag uusapan namin eh. Pero hindi niya talaga ako kinibo. Nag hello ako pero ang loko "hello" lang din ang sinabi.

Pagkatapos noon ay lumabas siya. Hala! Bakit naman ganoon iyon. Allergic ba siya sa akin? Feeling close nga siya sa chat e! Baka ako lang talaga nag iisip na close kami.

Maybe Next Time Where stories live. Discover now