01

30 6 0
                                    


CHAPTER 01
Fail


Have you ever felt like a disappointment to your family, as if everything you do only brings them shame and embarrassment?

I can relate. I've always tried my hardest to make them proud. I'd do anything, even put my own life on the line, to be the child they want me to be. Even if it means abandoning my own dreams and aspirations, I'm willing to completely submit to their wishes just to earn their approval and validation. At the end of the day, their happiness is what matters most to me.

"Bagsak ka sa major mo... napaka-laking kahihiyan!"

Hawak-hawak ko ang aking pisngi habang umiiyak. Ramdam ko ang pagkamanhid nito dahil natanggap kong sampal galing kay Mommy.

"Binibigay naman namin lahat sa'yo... sagana ka sa allowance, hatid-sundo ka sa school niyo, at wala ka nang ibang gagawin kung hindi mag-aral..." patuloy ni Mommy habang dinuduro ako. "Pero bumagsak ka pa rin? Ano na lang sasabihin ng ibang ka-mag-anak natin?!"

Iyak lang ako nang iyak. I no longer have to defend myself, kasi kahit ako-dismayado sa nagawa ko.

"I'm sorry..." natatanging saad ko.

"Matalino ka naman, consistent honor student ka at dean lister... kung tutuusin, napaka-dali na ng Accountancy!" Bulyaw niya sa'kin.

Hindi ko naman ito gusto. Una pa lang, sinasabi ko na sa kanila na gusto kong kurso ang Psychology. Simula tumuntong akong high-school, tinatak ko sa sarili ko na i-pursue 'yon--ngunit 'di ko nagawa sa kagustuhan nilang i-take ko ang Accountancy.

Tanging hikbi lang ang rinig mula sa'kin. Tinignan ko si Dada na hinihilot ang sentido sa gilid. Ni isang salita, wala akong narinig sa kanya.

"Your allowance and expenses are cut off as punishment. Now, go to your room dahil ayaw kita makita sa ngayon." Tinignan ko si Mommy with pleading eyes, pero hindi na niya ako tinignan. I waited for my Dada to comfort me or kahit mag-salita man lang-but, I received nothing.

I locked myself sa kwarto. Umupo ako sa paanan ng kama at doon umiyak nang umiyak.

I tried my best, didn't I?

Sa totoo lang, lahat naman ginawa ko. Sinakripisyo ko yung pangarap ko para lang i-meet ang expectations sa'kin nila Mommy.

Bakit hindi ko magawang dipensahan ang sarili ko?

Ever since childhood, lagi na lang akong kinu-kumpara kay Ate. Matalino siya, consistent honor student din at nag-tapos bilang Magna Cum laude sa kursong Architecture. Kapag family gatherings, siya lagi ang nakaka-tanggap ng compliments-ako, opposite.

'Gayahin mo Ate mo,"

'Nako, dapat katulad ka ni Ate Lope mo."

'Mag-aral ka ng mabuti, para maging katulad ka ni Ate mo."

Honor student din naman ako from elementary to senior high school. Hindi kasing taas ni Ate na laging nasa top 1 pero hindi naman ako bumababa mula top 4. May mga awards din at sumasali sa mga school competitions.

I was doing it smoothly during the first semester, puro minor subjects lang kasi at iisa lang ang major subject. Nag-simula akong mahirapan ngayong second semester, meron na kaming dalawang major subjects. Sobrang hirap mangapa kapag hindi aligned ang course sa strand noong SHS.

Naka-feel na rin ako ng burnout dahil hindi ko naman gusto ang ginagawa ko. If they'd just let me take the course I've been dreaming about for years. Edi sana in-enjoy ko ngayon ang college life.

Seeking the Wellspring of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon