07

16 5 0
                                    


CHAPTER 07
Official


Para akong ni-shotgun sa ulo at nawalan ng utak! 'Di na kasi ako nakapag-isip dahil dito kay Vily. Para bang tumigil ang mundo ko at hindi maka-sagot!

Tumawa siya... tumawa siya nang malakas na para bang ako na ang malaking joke na nakita niya sa buong buhay niya!

"Nawala ata kaluluwa mo sa katawan!" hagalpak niya at hawak-hawak ang tiyan. Hindi pa rin ako nag-sasalita dahil sa kaba, buti tumigil din siya nang mapansin ako. "Sige, 'di na kita isusumbong."

Doon ako nakahinga ng maluwag, na para bang ngayon lang ako nakaranas ng oxygen!

"Totoo?" tanong ko pa. Hindi pa masyado nagp-process ang utak.

"Marami akong trabaho dito sa school, hindi ko na maharap i-raise 'yan." Nag-simula na ulit siya mag-lakad kaya ganon din ako.

"Salamat," ani ko. Ginawaran niya lang ako ng ngiti.

Nakita ko ang malawak na hallway na may glass wall, akala ko doon kami dadaan pero nilagpasan lang ito ni Vily. Pumasok kami sa isang pathway at doon ko nasilayan ng lubos ang fountain nila.

Ang laki at ang ganda!

May mga students na nakatambay sa gilid neto, sa may upuan. Hindi ganon karami pero sapat na para makadaan kami. Dirediretso lang si Vily hanggang sa matanaw ko na ang COSS building.

Pumasok kami sa loob at sobrang na-amaze ako. Public school ba talaga 'to?! Shala! Ang lawak ng corridor ha, tapos may mga locker din! Hanep talaga!

Pumasok kami sa elevator, dalawa ang pinindot niyang floor: 2nd and 3rd.

"Sa second lang ako, ikaw dumiretso kang 3rd floor at hanapin mo anh dean's office." Sabi niya pero hindi nakatingin sa'kin.

"Salamat, Vily." Bahagya pa siyang nagulat sa pagtawag ko sa pangalan niya, at tinignan ang nameplate.

"How about you? what's your name?" tanong niya, nakatingin na sa'kin.

"Nocia... Nocia Wielala," pakilala ko.

"It was nice to meet you, Nocia. See you around!" kasabay non ang pagbukas ng pinto ng elevator. Kumaway siya bago magsara ulit.

Nice too meet you, Vily.

Hahanapin ko na sana ang dean's office nang mapansin ang isang impakto na nakasandal sa pader. Cross arms pa ang loko at para bang inip na inip sa itsura niya.

"Katagal mo!" reklamo niya at sinamaan ako ng tingin.

"Ah, kapal!" inirapan ko siya.

Sa Lez Morpe kasi ang campus ng lalaking 'to, sinamahan niya lang ako rito sa main dahil baka maligaw daw ako. Buti alam niya bawat building dito.

Sinenyasan ko siyang 'wag nang sumama sa loob. Nag-maktol pa si tanga pero sumunod din.

"Good morning po." Bati ko sa matandang lalaki na naka-upo sa swivel chair. Nakaibabaw sa lamesa ang malaking template.

Dr. Dionysio Manansala

Saglit niya akong tinignan at muling tumingin sa binabasa niya. "Yes?"

"Magpapapirma po sana," alinlangang sagot ko. Kinakabahan kasi ako, baka hindi niya pirmahan.

Kumunot ang nood niya at unti-unting tumingin sa'kin. "Ikaw si Ms. Mechaso?"

Seeking the Wellspring of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon