CHAPTER 32
Thank you and I'm Sorry“Wielela nakikinig ka ba?” siniko ako ni Pat kaya bumalik ako sa reyalidad.
Ang sakit kasi ng ulo ko, hanggang ngayon may hangover pa ako sa pag-inom ko noong gabi ng sabado. Parang nags-swirl ang paningin ko pero pinipigilan kong 'wag maduwal.
“H-huh?”
“Tsk! Sabi na, hindi ka nakikinig! Sabi ni Sir panot, may outreach daw tayo next week bago mag-end ang September.” Sabi niya at nginuso si Sir sa harap na may sinasabi pero hindi talaga mapasok sa utak ko.
“A-ano naman? Edi pumunta!” komento ko at muntikan na niya ako mabatukan.
“Tanga! May grade pa rin daw 'yon. Kailangan after daw, may report tayo kung ano ang importance ng environment or household sa behavior ng mga bata. Community outreach, tapos sa rural area. Kung kaya raw mapakiusapan ang school, baka mag 2 days and 1 night tayo.” Paliwanag niya sa'kin.
Tumango na lang ako, gets ko naman pero wala ako sa mood ngayon mag-engage ng usapan. Masakit talaga ang ulo ko.
Mabuti naman at nahanap ako ni Akon, siya ang naguwi sa'kin sa hotel. Hindi ko na masyadong maalala, pero aware akong siya 'yon at sinabi naman niya na siya nga.
Hindi ko na rin naabutan kinabukasan non sila Zamie, ani Akon nauna na silang umuwi. Pag-uwi ko kahapon naabutan ko na si Micay sa apartment. Hindi ko na siya nakausap dahil tulog na at hindi ko na rin naabutan kaninang umaga.
Sa totoo lang natatakot ako na baka mawala yung sinco namin dahil sa nangyari. I can't help but feel awkward once I see him, or maybe if we're going to have fun together with the group. But, hopefully, we both handle the situation maturely and agree not to let what happened between us affect our circle of friends. Labas kasi sila doon.
“Ano bang nangyari sa'yo? Naglasing kaba sa birthday ng kapatid ni Akon?” concern na tanong sa'kin ni Pat habang chinecheck ako paglabas ng room.
Tumango ako. “Hangover.”
“Alak pa!” asar niya pa at sinamaan ko siya ng tingin.
Gusto ko ng sobrang lamig na inumin. Nararamdaman ko pa kasi ang init sa lalamunan ko at tiyan, para akong uhaw na uhaw at malamig na inumin ang solusyon.
“Si Sean pala? Hindi ko siya nakita mula kanina.” Tanong ko. Dadalawa lang kasi kami ngayon ni Pat.
“Nasa hospital... sinumpong ng asthma.” Malungkot na sagot niya.
Namilog ang mga mata ko. “Kailan pa? Ba't ngayon mo lang sinabi? Saang hospital?” sunod-sunod kong tanong.
“Noong sabado, ayaw ka niya mag-alala lalo na nasa celebration ka. Hindi rin natin siya mabibisita kasi ayaw niya.”
Natahimik ako. Trio kami at malapit na ang loob namin sa isa't-isa. Hindi ko maiiwasang mag-alala.
“May problema ba si Sean, Pat?” tanong ko.
Mas dikit kasi silang dalawa. Kaya naiisip ko na baka may nabanggit si Sean sakanya.
Bumuntong hininga siya at tinapik ang kuko lamesa. Kumakain kami ngayon sa canteen.
“Kwento niya, Kuya niya na lang kasama niya sa bahay. Nagtratrabaho sa banko, kasi yung parents nila ay hiwalay at may kanya-kanya ng pamilya. Pero, tinutustusan siya ng father nila. Alam ko, madalas sila mag-away ng Kuya niya kasi sinisisi siya sa paghiwalay ng magulang nila. Ayon din rason kung bakit sinumpong siya ng asthma.” Kwento niya.
BINABASA MO ANG
Seeking the Wellspring of Heart
RomanceNocia's life has been marked by a sense of disconnection and isolation from her family. From a young age, she was made to feel like she didn't belong and that she was a burden, despite her efforts to meet her family's expectations. This experience h...