35

9 5 0
                                    

CHAPTER 35
Romance Began to Blossom


After kumain, nag-pasya kaming maglakad-lakad muna. Hindi kasi nakakatamad dahil hindi mainit gawa ng mga puno at mga halaman sa paligid. First time kong pumunta rito kaya hindi ko alam ang mga pinupuntahan pero sabi nila Akon, mayroon daw mini falls sa dulong bahagi.

May bayad ang parteng 'yon at hindi kasama sa binayaran namin kaya nagbayad muna kami. Habang naglalakad, kumukuha rin kami ng mga litrato. Minsan selfie, minsan groupie. Nag-take rin ako ng ibang pang-send kay sa gc namin nila Pat at Sean. Sayang, hindi sila kasama.

“Psst, Miss na short hair!” napatigil kami sa grupo ng kalalakihan sa gilid. Mukha silang nasa edad din namin.

Ako lang ang short hair sa'min kaya wari ko'y ako ang sinipulan. Uminit ang ulo sa asta nila. Anong taon na, may mga ulol pa ring ang lakas ng loob umasta nang ganito?

“Ganda ah, pakiss.” Saad ng isa at tinignan ako ng malaswa.

”Tanginamo ah, siliban ko 'yang bibig mo!” duro ni Brix sa kanya at susugurin sana nang pigilan siya ni Akon at Micay.

“Bakit? Jowa mo ba si Ms. Ganda? Sa'min ka sumama tisay para sumarap——”

Napatakip ako sa bibig dahil sa mabilis na kilos ni ZL na ngayon ay nanlilinsik ang mga mata na nakatingin sa lalaking binigyan niya ng malakas na suntok. Putok ang labi nito at nasa damuhan na.

Mabilis ko hinawakan sa braso si ZL, pero nakatingin lang siya sa mga lalaki.

“You better keep that goddamn disgusting mouth of yours shut, or I swear I'll smash that ugly motherfucking face of yours. You hear me?” mahinahon, ngunit seryosong sabi ni ZL. Nakakatakot.

Humingi ng pasensiya ang kasamahan ng bastos na lalaki sa'min bago akayin ang nasapak. Sinamaan ko sila ng tingin hanggang sa maglaho sila sa paningin namin.

“Hey, Zhio... look at me. It's alright, just relax and let the tension go...” mahinahon kong sabi at hinarap ko siya at tiningala. Nakakuyom pa kasi ang kamao niya.

Huminga siya ng malalim. “Mga bastos eh. I'm sorry, hindi ko lang napigilan.”  Nag-soft na ang mukha niya na nakatingin sa'kin.

“Salamat. Hayaan na natin, halika na.”

I'm not sure why, but my hands seem to move on their own. I gently wrap my fingers around his wrist, feeling his pulse, and gently pulling him closer sa pwesto kung saan hinihintay kami nila Micay.

I can feel a building up sensation within me that I find difficult to describe. It's a combination of comfort and excitement. This is the effect he has on me. The way he makes me feel is truly indescribable.

Binitawan ko siya nang makalapit.

“Nainis ako. Pero hindi ko na naisipang pumatol kasi I know Z would do that. Hindi naman ako nagkamali.” Bulong sa'kin ni Micay at sabay winked sa'kin.

“Sabi sa'yo eh, 'wag kana umepal kasi si ZL na bahala!” siniko ni Akon si Brix.

“Gusto ko rin manapak! Aba, hindi pwedeng ganunin ang mga disney princesses natin!” ani Brix at tinuro kaming dalawa ni Micay.

“Gago mga 'yon eh, buti na lang meron kang knight in shining armor. Kaya kung ako sa'yo kapatid, itali mo na si Wage sa puso mo.” Inakbayan ako ni Akon sabay gulo sa buhok ko kaya tinabig ko siya.

Seeking the Wellspring of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon